Chapter 51: I cannot hide forever.

976 7 0
                                    

Marga's POV

Darell was the best thing that ever happened to me. Sa kanya ko binuhos ang lahat ng natitirang pagmamahal sa sistema ko. He was an epitome of his father magmula sa mga features niya sa mata, ilong at kahit na sa pink niyang labi na manipis. Ang pag-ayaw niya sa asim ng strawberries  ang kakaibang presence niya sa crowd, lahat kay Andrew. Minana niya lang sakin ang kutis niya na mamulala mula kapag naaarawan. Sinasabi ni Kyle na ang puso ni Darell ay minana niya sakin na hindi magawang magalit at mas pipiliing masaktan na lamang mag-isa, na namimiss ko lang daw si Andrew kaya nakikita ko sa kanya ang anak namin. 4 na taon kong hindi pa rin maorganisa ang script ko kung panu ko ipapaliwanag si Darell, kung tatanggapin ba siya ng mga Palafargan or kahit na nang pamilya ko. Natakot akong baka hindi nila siya kilalanin at itapon kaming dalawa sa kalsada pag nauwi na. Kaya hindi ako makauwi, dahil sa takot na yun at sa kagustuhan kong kilalanin siya ng ama niya na iniisip ko pa lang eh nangangatog na ang mga tuhod ko sa kaba dahil sa hindi ko alam kung ano ang daratnan doon. Pinili kong maging ganito ka kumplikado ang buhay ko, kaya pagtiyatiyagaan ko talagang harapin ito.

 Natuto na rin magtanong si Darell kung bakit ‘tito’ ang tawag niya kay Kyle tapos sa bahay naman daw namin ito nakatira, mahirap ipaliwang ang platonic naming relationship ni Kyle. Nabobola naman namin siya ni Kyle na tito Kyle is Mommy’s “superhero” at balang araw makikilala niya rin ang talagang daddy niya, for now, all he had to do was stare at the mirror so he can get to know his real Dad. Hanggang kalian naming paiikutin ni Kyle si Darell eh hindi ko alam.

Sa bawat milestones ni Kyle ay mas nababaon ako sa guilt. Guilt para sa anak kong hindi kasama ang ama niya at ang pamilya nito at guilt kay Andrew dahil lumalaki ang anak niyang hindi niya nakilala.

“Marga, napaka unfair mo sa kanilang pareho?” sambit ni Kyle sa akin isang araw nang umattend kami ng art day ni Darell sa daycare na pinapasukan niya. Best Portrait siya nun at binigyan ng blue ribbon.

“Bakit naman?” inosente kong tanong.

“You know that your son is the heir to the Palafarga empire, he can have the world on his feet, pero eto siya tinatago mo sa isang bansa na kelangan mo pang sumakay ng barko papuntang Monacco o magbyahe sa bus papuntang Spain para lang makasakay ng eroplano pauwi ng Pinas. His father deserves to know the truth too, hindi ko alam papanu ka patatawarin ng isang Andrew Palafargan pagkatapos mong pagtaguan siya ng ganito katagal na walang palipaliwanag kasama ang anak niya. If I would be him, I would never forgive you. But that’s just me. Naiintindihan ko pa nun na broken hearted ka, pero now? Look at Darell”  sabay paglahad niya ng kamay niya sa harapan ng anak ko. “He is growing up, he is beginning to ask questions, we both know how this will end up kapag pinatagal mo pa ‘to” paglelecture niya sa akin.

Sa loob ng apat na taon, hindi ako tinantanan ni Kyle reminding me how I was being unfair to my son and to his father. Kahit sa pamilya kong ni kuko nang anak ko ay wala silang ka ideideya. Lalo naman ako na siguradong hinahanap na nila. I knew Kyle knows a lot. Mas updated siya sa mga happenings sa Pilipinas kesa sa akin. Hindi niya naman kasi dineactivate ang FB at e-mails niya, siniguro niya na wala ako sa lahat ng status updates at pictures niya. Sa tuwing lumalabas kami ay sinisiguro niyang ring ang mga kakilala naming ay hindi nakukunan ng picture ako or si Darell kaya sigurado din ako na alam niya kung anon a ang nangyayari sa Pilipinas kay Andrew.

Patungkol naman sa mga magulang ko, updated naman ako. Alam kong Daddy got re-elected as number 1 Senator at malapit na siya maging Senate President. Baka nga raw sa susunod na election eh Presidency na ang takbuhan niya. Si Mommy naman ay mas lumaki pa ang negosyo, of course c/o Palafargan Industries daw yun, inisang tabi ko nalang na may galamay si Andrew sa hakbang na yun ni Mommy sa negosyo.

Ang mga kaibigan ko naman ay nakapasok daw sa mga top companies. Leena got married 2 years after I left and Nica is now based in Singapore. Ang best friend ko nalang daw na si Faith ang single sa kanila nung huli kong nabalitaan kay Kyle, pero may dinadate daw siyang isang prominenteng account executive sa Pilipinas. I’m also feeling sorry for Kyle kasi tumigil na rin ang buhay niya para samin ni Darell, kahit hot naman siya eh girls stopped fancying around him, ikaw ba naman makakita ng Kyle na bitbit lage si Darell hindi ka ba magdadalwang-isip. Lagi niya namang sinasabi na hindi naman daw siya nagrereklamo at he is loving every bit of it dahil parang tunay na anak na rin ang tingin niya kay Darell. Minsan nga nagfefeeling ako at iniisip kong pinapakiramdaman niya pa rin kung pwede ko pa bang buksan ang puso ko sa kanya, kaya ang unrequited love niya sa anak ko nalang niya binuhos.

People were all moving on without me. Nasasanay na sila sa kawalan ko. Unti-unti na akong nagiging parte ng history nila, after all, 4 years, 4 long years akong nawala. Niha niho wala akong pasabi kung nasaan ako.

Ramdam ko na rin na si Kyle eh kating-kati na rin umuwi. Nagpipigil lang siya sa whims niya dahil hindi niya kami maiwan ni Darell after all, and he was being true to his promise na he will always be by my side.

Nagiging madalas na yung pagtatanong niya sakin kung bakit hindi pa raw kami umuuwi hanggang ngayon, lagi ko namang sagot eh “FEAR”.

“Alam mo Marga, there are 2 sides of FEAR just like how there are 2 sides to a coin. The other side says, FEAR means Forget Everything And Run, which you are trying to do up to now and not resolving anything, nagkakalumot na yang galit mo diyan hindi mo pa sinusulosyunan, but since Darell is now in the picture, that side is inapplicable, which leaves you to the other side of the coin and nothing else, Face Everything and Rise.”ganito lage ang sinasabi niya sa tuwing he wants to indirectly tell na umuwi na sa Pilipinas. MAsyado ko lang daw pinapaOA ang sitwasyon. Masyado na raw matagal humupa ang tension kaya the dust has settled, baka raw sa sobrang tagal pa eh nalimot na ng tao ang issue.

Alam ko, I cannot hide forever and I was beginning to be just a memory.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon