Marga's POV
“Nagkita ang mag-ama kanina...” pambungad sa akin ni Kyle paghatid niya keh Darell galing pamamasyal.
“Ano?!?” nagtaas na kilay kong tanong sa kanya. Imposibleng magkita sila gayung hindi nga alam ni Andrew ang existence ng anak ko.
“Well hindi naman para magkakilanlan. Hindi ko naman alam na may-ari na rin pala ng mall ngayon sina Andrew. Yung mall na pinuntahan namin, andun silang lahat kanina. The whole Palafargan family, yung magasawa, si Andrew, ang kambal” natigilan siya sandali. “Kahit ang tadhana nakikialam na sayo. Keh Andrew pa tumama yung bola na pinaglalaruan ni Darell. Imaginin mo yun, sa laki nung mall at sa dami ng tao dun, keh Andrew tatama, Tsss. Fate.” Pangaasar niya sakin.
Nagulantang naman ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nagkita na si Darell at ang Daddy niya.
“Tapos anong nangyari?” tanong ko.
“Natural nilayo ko yung bata dun. Pero Marga sinasabi ko na sayo, paghandaan mo na ang susunond na mga mangyayari, it’s not gonna be good. Salubong yung kilay ni Andrew nung nakita ako. Hindi lang gyera ang nakikita ko sa hinaharap mo, masalimuot na gyera” At talagang tinakot pa ako. Nasaan na yung best kind of friend ko, parang nag-bago na ang ihip ng hangin ngayon at halos ipagkalulon na ako sa kalaban.
Hindi na ako napalagay pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kyle na yun. Narealize ko na hindi pa pala ako nakakagawa ng speech ko sa paghaharap namin kinabukasan. Panu ko kaya sasabihin sa kanila ‘Hi! Si Darell nga pala anak mo Andrew, cute niya noh?’ sana ganun lang kasimple ang gagawin ko. Ahhh! At sinabunutan ko nalang ang sarili ko sa sobrang frustration. What have you gotten yourself into Marga???
“Mommy, what’s wrong? Why are you hurting yourself?” sa sobrang likot ko sa kama ay nagising ko pala si Darell.
“I’m sorry anak, I was just thinking, go back to sleep” at inalo ko ulit siya hanggang makatulog.
Pero hindi na siya muling nakatulog, naupo siya sa kama kasama ko. “Mom, what is Daddy like? Will he like me?”
Eto na nga ba ang sinasabi ko, when it rains it pours. Hindi ko pa nga naayos ang script ko para kay Andrew eh eto pa si Darell. “What’s not to like anak, I’m sure Daddy would love to meet you, you’re not only loving and protective to Mommy, your also honest and smart.” At hinalikan ko na siya sa pisngi.
“How about Daddy, what’s he like?” sa tanong ng anak ko na yun ay muling nagbalik sa akin ang mga dahilan kung bakit minahal ko si Andrew. Pansamantala ay nakalimutan ko na ang galit, mas nangibabaw ang pagmamahal at longing ko.
“Well, Daddy is not like any ordinary men. He’s very successfull, he knows what he wants. He can turn simple things to priceless gems. He has the smile that can take away all your cares. His touch can make you feel that you are not alone and that everything’s gonna be okay. His face, it’s very mysterious, you cannot tell what he’s thinking, magugulat ka nalang sa mga sasabihin niya sayo kasi hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.” Nang balingan ko si Darell ay nakatulog na pala ulit siya. Marahan ko nalang siyang kinumutan ulit at tinitigan “Daddy is the love of Mommy’s life, kahit ganu kasakit ang ginawa niya sa akin, eto pa rin ako, binabalikan siya,”
Tumabi na rin ako kay Darell pagkatapos nun at dinapuan na ng antok pagkaraan lang ng ilang sandali.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...