Chapter 41: Skype

547 3 0
                                    

Marga’s POV

“Anak, are you going to spend the night sa bahay, total wala naman si Andrew sabi mo” biglang tanong ni Mommy sakin habang tintulungan ko siya sa mga paperworks sa negosyo. Dahil ayokong may masabi ang ibang tao sa akin naisipan kong dito kay Mommy magtrabaho at hindi sa Palafargan Industries, Daddy even offered me a job as his chief-of-staff kaya lang ayoko sa magulong mundo ng politics. Ang arte lang.

“Margaaaa…”  biglang putol ni Mommy sa malalim kong iniisip.

“Ay ano po iyon. Sorry po Ma, may iniisip lang”  

 “Yang iniisip mo ba begins with a capital A-N-D-R-E-W?” panunukso niya sakin na nagniningning pa ang mga mata.

“Si Mommy talaga” sabay yuko ko at tingin sa mga papeles, ramdam ko na nagiinit na ang mga pisngi ko sa pamumula. “Syempre iniisip ko siya, asawa ko siya eh”

“Hay naku Marga, mag-anak na kasi kayo, para may kasama ka pag nagbubusiness trip si Andrew…you are doing it right?” paguisisa ni Mommy na sinabayan pa niya nang mapanuksong kindat.

“MAAAAA!” gulat ko na sagot sa kanya.

“Well syempre given na you are a married couple, you ought to make love and bear children”

“Ma stop It! Ano ba yan!!!” sabay takip ng kamay ko sa magkabilang tainga.

Humagalpak naman sa tawa si Mommy. Alam ko na talaga na sobrang pula ko at ramdam ko na rin ang pawis na namumuo sa katawan ko. Si Mommy talaga, kung anu-ano ang iniisip.

“At least I got you to pay attention, tapusin na natin ‘to. Sa bahay ka na matulog ha. Ipapahanda ko kay Yaya ang kwarto mo”

“Okay po Ma” hindi na ako nagprotesta, ayoko rin naman umuwi to an empty house with no Andrew. Mababaliw na talaga ako sa super silent war namin ni Andrew. Kapag ganito ang situation mas gugustuhin ko pa atang magsigawan kami at magsumbatan kesa hindi kami magimikan. Miss na miss ko na talaga si Andrew.

Pinilit kong ibalin ang atensyon ko sa pagtapos ng financial statements na due gawin ni Mommy. Tinuruan ko rin siya ng mga techniques kung panu mapapadali ang paggawa ng mga ganung klaseng reports. Paminsan minsan ay naiisip ko pa rin kung anong ginagawa ni Andrew sa mga oras na ito.

….

Mag aalas-8 na ng gabi ng matapos kami ni Mommy. Naisipan ko na rin tawagan si RIna na sa bahay ako ng mga magulang ko magpapalipas ng gabi.  Napansin ko agad na may unknown caller na hindi ko nasagot, 3 beses.

Hello, Palafargan residence, Rina speaking how may I help you?

“Rina, si Marga ‘to. Tumawag lang ako para sabihin sayo na sa bahay ng parents ko ako matutulog ngayon.”

Ganun po ba Ma’am. Sige po.

“Okay Rina, Bye”

Ah Ma’am teka, tumawag po pala si Sir Andrew, mga 4 na beses na po. Hinahanap kayo. Sinabi ko po yung bilin niyo na kapag may tumawag eh sabihing nasa shop kayo ng Mommy niyo

Naexcite at natuwa naman ako bigla. Si Andrew…insiisip din pala niya ako. Sana lang alam ko ang numero niya sa Macau. Namimiss ko na siya.

“Ah sige Rina. Pag tumawag ulit pakisabi na sa cellphone ko siya tumawag o di kaya sa landline sa bahay ng magulang ko”

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon