Marga's POV
Ang ganda ng panahon nang dumating kami sa isla ng Boracay. Maganda ang sikat ng araw, tamang-tama para sa hinandang get together ni Andrew para sa aming lahat.
“It’s good to be back” masayang sabi ni Daddy Lino habang nakapamewang at nilalanghap ang simoy ng hangin.
“This is the life, Thanks Andrew at bumalik tayo dito” nangingiting sabi naman ni Faith habang kinikindatan kaming dalawa.
Ngayon ko lang napuntahan ang rest house na ito ng mga Palafargan. Pero mukhang ang mga kasama namin ay nagawi na dito dati.
Maganda ang bahay nila Andrew dito. 3 storeys na gawa salamin ang halos lahat ng bintana na floor to ceiling p ang design. Talaga atang pinasadya na ganito para in and out ang hangin at maenjoy ng nasa loo bang view ng beachline.
Sa 1st floor ay makikita mo ang living room at malawak na kitchen. May maliit na infinity pool ito kaharap ang beachline sa bandang likuran. May 2 kwarto ito sa unang palapag. Pagdating mo ng 2nd floor ay andun ang 5 pang tinutuluyang kwarto. At sa 3rd floor, makikita ang recreational area, may pool table ito at may veranda kung saan may mahabang lamesa at grill stand.
“Okay guys, Phillip you will stay with Kyle sa room mo sa 2nd floor.” Panimula ni Mommy Carrey sa pagbibigay samin ng room assignments namin. Tumango naman si Kyle at nag fist bump pa sila ni Kyle.
“The other room naman dito sa 1st floor, doon pa rin kayo balae, like old times, katapat ng kuwarto namin ni Lino. Faith and Peter dun kayo sa room na tinutuluyan ni Peter dito, you know where it is darling”.
“Ela and Andrew” pagtawag pansin niya sa dalawa. Inakbayan ni Andrew ang kapatid niya.
“Yes Mom?” sumagot naman si Ela sa Mommy nila.
“You two will have to swap rooms...Ela you take your Kuya’s room. Kailangan nila ng mas malaking bed with Marga and Darell.”
“Okay Mom, Kuya please...just please don’t mess my pink room. Control your husband Sis” sabay tingin niya sakin.
“Since we got that settled, magpahinga na muna tayo and continue with our activities later. Tatawagin nalang namin kayo” humihikab na sabi ni Daddy Lino.
Isa-isa na kaming nagpuntahan sa mga room assignments namin respectively.
Maganda ang kwarto ni Ela na inoccupy namin. Pink nga talaga ito. A pink room for a kikay Ela. Malapad ang bed kaya kasyang-kasya kaming 3 mag-anak.
Nilapag na ni Andrew sa bed ang nakatulog na si Darell. Antukin talaga ito at mabilis mapagod sa byahe. Dala na rin siguro ng kabataan niya and given na he is a growing boy.
“Babe, madalas ba kayo dito noon?” tanong ko kay Andrew habang inaayos ang kurtina para makita ko ang view ng bintana sa labas.
Umupo si Andrew sa gilid ng kama habang tinatanggal ang sintas ng sapatos niya. “Yes. Kasama ang Mom and Dad mo. Nakapag Pasko na kami dito, nakapag Anniversary na sina Mommy, kahit birthday mo nakapagcelebrate na kami dito”
Tinanguan ko lang siya at tiningnan na ang magandang view. May mga turista na naglalakad sa beachline, may mga batang gumagawa ng sand castles sa buhanginan at may mga magbabarkadang naglalaro ng Frisbee sa ilalim ng mga puno ng niyog. Matatanaw mo rin ang malawak na dagat na napakablue at kalmadong kalmado.
Bigla naman akong natigilan nang maramdman ko ang mga matipunong braso ni Andrew na pumulupot sa akin. “Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ka na kasama ko. Na binalikan mo ako” malambing niyang bulong sa tenga ko. It immediately sent kilig signals to my nerves. Hindi pa rin nasasanay ang katawan ko sa mga hawak at salitang binibitawan n Andrew. Si Andrew lang ang tanging nakakagawa nito sakin, ang nakakapagpakaba at kilig sakin at the same time.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...