Chapter 3: Special Dinner

1.2K 4 0
                                    

Sandali lang ang byahe at nakarating na rin ako sa bahay. As always, sinundo ako ni Yaya Paning at ng driver namin. Nakatira kami sa isa sa mga exclusive subdivisions, dito pinili ng mga magulang ko manirahan bukod sa safe dahil sa higpit ng security ay mayroon din itong club house at golf course kung saan pwede mag hold ng affairs. Although simple lang ang bahay namin, hindi kasing laki ng mga kpaitbahay namin, ay proud na proud pa din ako dito. Victorian ang motif, may 4 na bedrooms sa taas andun ang kwarto ng parents ko, ang kwarto ko at dalawang guest room, may maids' quarters, malawak na garage at garden. Inestablish ng mga magulang ko ang bahay na ito sa sariling sikap nila. Kahit senador si Daddy, kakaramput lang naman ang kinikita niya sa mga honorarium ng senator, kaya pinagtiyagaan ni Mommy na palawakin pa ang negosyo nila ni Daddy para mabuhay kami ng kumportable. 

Pagpasok  ko ng bahay namin ay nadatnan ko sa garden ang mga magulang ko na umiinom ng kape, tapos na ata silang magdinner dahil ito ang routine nila sa tuwing matatapos kumain ng dinner.

"Hi Mom, Dad!" bati ko sa mga magulang ko.

"Hi, sweetie, how was your first day? Have you eaten your dinner yet?" tanong ni Mommy sa akin.

"My day went great naman po, lumabas din kami ni Faith after that, and yes I had my dinner na po, thanks for asking" sagot ko naman sa kanya.

"Have a seat sweetheart, may sasabihin kami sa'yo" invite ni Daddy sa akin sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ni Mommy.

Mukhang importante ang pag-uusap namin na ito dahil inilapag pa ni Daddy ang kapeng iniinom niya sa center table sabay tingin sa akin.

"Sweetheart, tomorrow I need you to come home early, we have guests and they are very important to your Mom and I." bukas ni Daddy sa conversation.

"How important?" I asked.

"Important in a sense na we owe them my political career and your Mom's business, your Tito Lino and Tita Carrey have long been friends of ours, way before you happened. They financed my candidacy and helped us establish your Mom's company. They will have dinner with us tomorrow along with their children. You will love their family. I hope you learn to love them." Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang blank stare ni Daddy sa akin at sa mga langit, parang may mga luhang pumipigil sa mga mata niya. Inisip ko nalang na baka pagod siya sa hearing sa senado.

Sa 21 years ko, ngayon ko lang narinig ang pangalan nila Tito Lino and Tita Carrey. Pero sa tono ng pananalita ni Daddy, mukhang malaki nga ang puwang at utang na loob namin sa kanila, kaya wala akong naging ibang sagot kundi "Okay Dad, i'll be home before dinner, maybe 5ish." sabay excuse sa sarili ko at umakyat na sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nadatnana ko si Yaya Paning na napakabusy sa closet ko, ang dami kong damit na nakalatag sa bed, sa sofa at kahit yung ibang naka hanger eh nakasabit na sa bintana.

"Yaya, what's going on? Bakit nakakalat ang clothes ko?"

"Ay eha...nariyan ka na pala. Napagsabihan kais ako ng eyong Mami na meron daw kayong mahalagang beyseta bokas, sabi niya ehanap keta ng penaka ganda mo na damet" (sorry lang trying hard ako pagmukaing bisaya accent si Yaya Paning.)

Naiintriga na talaga ako sa mga tao dito sa bahay, they're all acting so weird, bakit kaya? sa isip-isip ko.

"yung blue dress ko na calvin klein at black Jimmy Choo pumps ko nalng po bukas gagamitin ko Ya, tapos headband ko na ala Gossip girl Blair Waldorf para match po sa dress" suggestion ko kay Yaya.

"O sige eha, ligo na at legpeten ko na ito kalat ko"

Pagkatapos ko maligo ay diretso na akong natulog. What a day!

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon