Palubog na ang araw nang mapagdesisyunan naming bumalik na ng Maynila. Si Yaya Paning na ang nag-ayos ng mga gamit namin ni Darell. Kitang-kita ko ang tuwa sa anak ko dahil sa immersion niya sa Tagaytay.
“Good Luck Phillip, first day tomorrow” sabi ko sa kanya at pagkatapos ay niyakap ko siya.
“Whoah! Marga, huwag masyadong close, baka bigwasan ako ni Kuya” natatawa niyang sabi pagkatapos ko siyang yakapin.
Nakipagbiruan nalang ako sa kanya habang inaantay ang iba pa para sa pag-uwi. Dumating na rin ang sasakyan naming lahat pauwi. Ang Van nila Daddy Lino, ang SUV namin at ang kotse ni Andrew.
Huling lumabas si Andrew sa bahay. May kausap pa siya sa cellphone kaya inantay pa namin.
Nabibingi naman ako sa mga habilin nilang lahat. I’m just moving it with Andrew, what’s the big deal!!!
Marga, we demand to be visited once a week.
Pwede dapat hiramin si Darell
Huwag masyadong masungit kay Andrew
Relax
“Ready na ba tayong lahat?” tanong ni Andrew samin nung matapos na siya sa kausap niya sa cellphone. Kinausap na siya ng mga magulang namin na dun na kami ni Darell titira sa kanya. Syempre ang mokong eh agreeng-agree.
Hindi na ako pinayagan pang bumalik sa bahay namin kasi baka daw tumakas na naman ako o magbago ang isip sa bagong set-up namin ni Andrew.
Nang magpaalaman ay sumakay na ang lahat sa respective na mga sasakyan. Si Yaya Paning eh kasabay namin ni Andrew pabalik ng bahay dahil siya ang inatasan magbantay daw kay Darell. I know better, ako ang binbantayan nito.
Pinagbuksan naman ako ni Andrew ng front seat. Tahimik lang ako at hindi siya pinapansin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Iniisip ko ang impyernong papasukin ko. Dumadalaw kaya si Chantal sa kanya? O baka may bago na rin siyang girlfriend, 5 years na kaya since kami. Lalaki siya, maghahanap ito ng tawag ng laman. Oh shucks! Speaking of tawag ng laman...Ahhh! Marga, tumigil ka nga sa iniiisip mo.
“Is something wrong?” pagbasag niya sa akward na katahimikan na namumuo na sa loob ng sasakyan. Nagmamaneho pa rin siya at nakatingin sa daan nang itanong niya iyon.
“Tinatanog pa ba yan, everything is so wrong. Kung hindi dahil sa gusto ng mga magulang natin hindi ako sasama sayo” pabulyaw kong sabi sa kanya.
“Marga, Andrew, magising ang bata madinig kayong nagtatalo.” Paninita ni Yaya Paning.
Gulat naman akon nang biglang pinarada niya sa gilid ng daan ang kotse. “Oh ayan bumaba ka na, ayaw mo naman palang umuwi sa bahay kasama ako, eh di bumaba ka, ikaw lang ha, walang Darell na kasama” atawa niyang sabi pagkatapos ko siyang yakapin.
a mersion niya sa Tagaytay.
ning na ang nag-ayos ng mga g
“Asa ka pa!!! Hindi ko iiwanan si Darell kasama mo. Kung nasaan ang anak ko, dun ako.”
“Yun naman pala, dami pang satsat. Daldal mo” at pinaandar na ulit ang kotse at binagtas ang highway.
“Kayong dalawa, huwag nga kayong parang aso’t pusa kung andiyan ang anak niyo. Hindi maganda sa bata na nakikita kayong hindi magkasundo. Ikaw Marga, tigilan mo yang pagtataray mo kay Andrew. Ikaw naman Andrew huwag mong aasarin ang asawa mo. Para kayong mga teenager.” Panenermon ni Yaya Paning habang karga-karga si Darell sa back seat.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomansaMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...