Marga's POV
“About Time Sis” bungad ni Ela sa usapan namin nang makapasok kami sa loob ng bahay. Kasalukuyan kaming napapahanging sa veranda nina Ela at Faith habang naiwan pa din sa bonfire ang iba naming kasama.
“So what are your plans now that you got back together with Kuya? Is another pamangkin coming in the near future? “ ang laki ng ngiti ni Ela bago niya nilagok ang soda na hawak niya.“Hindi pa namin napaguusapan ang magiging set-up namin ni Andrew. We’re really taking it slow. For now babawi muna ako sa asawa ko and maybe find a decent school for Darell para makapasok na siya next schoolyear”
“Why not in the same school Kuya and Phillip went?” suhestyon ni Ela. Nakabalik na si Faith mula nang kumuha siya ng soda para naman saming dalawa.
“I was thinking the same. Pero hindi pa talaga namin napaguusapan ni Andrew. He calls the shots na eh, hindi na ako solo parent.” Magmula nang nagkabalikan kami ni Andrew eh hinahayaan ko na siyang gumawa ng mga decision para sa pamilya namin. Pambawi ko na rin sa mga taon na hindi niya kami kasama ng anak namin.
“Friendships, how about work?” si Faith na naman ang nagtanong sakin. Namungkahi na niya sa akin ang paguumpisa nang sarili naming negosyo. Gusto niyang ituloy namin ang naudlot na plano noon. Ang pagiging aktibo sa pag reinforce ng mga trabaho sa mga taong nagagawan ng tulong ng gobyerno at mga NGO. Napansin namin kasi na totoo namang may ginagawa ang gobyerno na tulong tulad ng pabahay sa mamamayan, kaya lang may bahay sila eh wala naman silang kita. So plano namin guamawa ng money generating projects na pwede kaming maging capitalists at pagyayamanin naman ito ng mga taong gusto namin tulungan. Kumita na kami, nakatulong pa kami dahil hindi deadend ang mangyayari.
“Paguusapan namin ni Andrew kung pwede niya ako pabalikin magtrabaho, mukahng hindi pa kasi siya bukas sa ganun na idea now that we’re still catching our breaths from all that’s happened” sagot ko sa tanong ni Faith, Gusto ko naman talagang magtrabaho at magnegosyo ulit kaya lang kelangan ko pa rin iconsider ang sasabihin at mararamdaman ng asawa ko.
“Uy balik na tayo mukhang nagkakasayahan pa sa baba, andiyan na naman yung videoke. Si Andrew na ata ang kakanta” pagaaya ni Faith sa amin na bumaba na. Nagset-up sila Andrew ng videoke sa gilid ng bonfire. Hindi pa rin sila tapos sa inuman at ngayon ay sinamahan pa nila ng kantahan.
Hindi nga nagkamali si Faith. SI Andrew na nga ang kakanta.
Nasa bungad ako ng bonfire ng magumpisang magsalita si Andrew.
“This song is dedicated to the lovers out there.” Sabay tawa pa niyang sinasabi. Naniningkit ang mata niya dahil na rin siguro sa laki ng ngiti niya. “Hindi joke lang...This is for my wife, for Marga, for making me feel this happy...this complete...I can’t ask for anything more in this lifetime. Sapat na kayo ni Darell sa akin.” Habang sinasabi ni Andrew yun eh nahihiya pa siyang nakatingin sakin.
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang maglakad. Naestatwa na naman ako sa kinatatayuan ko. I mouthed the words...I love you.
Sinagot naman niya ako ng ngiti.
“Another baby won’t hurt anak” panunukso ni Daddy Lino sa kanya. “That would make you even more happier”
“We’ll see” sagot niya. Timing naman na nagumpisa ng lumabas ang lyrics sa videoke machine kaya natigil na ang usapan ng lahat.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...