Chapter 68: Love is Lovelier the Second Time Around

793 12 1
                                    

Marga's POV

Medyo naiilang pa ako sa ideya na ako na ulit si Mrs. Andrew Palafargan, hindi naman talaga nakuha sakin yun ng kung sino pero parang bago pa din ang lahat sakin muli. Kinikilig pa rin ako sa tuwing nagtatama ang mga balat namin dalawa, Kapag nagtatanim ng halik sakin sa lips si Andrew, kahit kapag tinititigan niya lang ako...those things sent electricity sa buong katauhan ko.

Sa sobrang kaligayahan eh hindi na namin napansin na mag gagabi na pala. Masyado kasi kaming na engross sa usapan about the things that happened sa 5 years na hindi kami nagkasama.

“Andrew, alam mo nakakainis ka” pagbasag ko muli sa katahimikan na namuo samin. Kasalukuyan kaming bumababa sa yate at HHWW na naglalakad pabalik sa loob ng Villa dahil magdidilim na at kailangan pa naming bumalik ng Maynila.

“What did I do?” natatawa niyang tanong sakin. Pagkatapos, he entwined his arm holding my hand around my neck to kiss my head.

“Eiii! Bigla-bigla ka naman nanghahalik diyan eh. I might lose my balance.” Nagpapacute kong reklamo sa kanya. Natatawa naman niyang kinalas ang pagpulupot ng braso niya sa leeg ko at muling hinawakan ang kamay ko.

“Ha ha ha. Sorry Babe. I can’t help it.” Inirapan ko nalang siya at inakbay sakin ang braso niya na may hawak sa kamay ko.

Nang nagpatuloy na kaming maglakad ay tinuloy ko na ang usapan, “As I was saying, Nakakainis ka. Kasi you waited this long to ask for another chance. The sad thing there is I would’ve given you another chance if you have asked for it”

“Ano na naman ba to? Ayokong mag-away tayo. We just got back together a few hours ago.”

“I know! Nakakapanghinayang lang” sagot ko.

“Why did you leave in the first place if you didn’t intend to break us apart naman pala...” pagbabara niya sa mga sinabi ko.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinaas ko ang dalawang kamay ko na nagpapaliwanag, “Kasi po, BABAE po ako. Gusto ko pong sinusuyo ako. Eh hindi mo ginawa eh. Inantay mo pang bumalik ako dito para magawa mo lahat ‘to”

Bigla naman siyang natawa. Naluluha na siya sa tawa at napahawak na sa tiyan niya. “Teenager lang Babe? 26 years old ka na. Di na bagay. You are a well-accomplished married woman, sobrang talino mo, pero pagdating sa mga relationships hindi ko alam saan ka natuto. May I just remind you na LALAKE ako. I’m naturally insensitive, I take things as they are. Gusto mo palang magpahabol, you could’ve told me para naman hindi na ako nagemo dito sa Pilipinas”

Nagtama na ang mga asar na tingin namin. Parang me kuryenteng gumagapang sa pagitan ng mga mata naming dalawa.

“Wiit Wiit!?! TIME OUT!!!” saved by the sipol of Faithlyn. Buti nalang talaga at pumagitna na ang bestfriend ko at ang asawa niya.

“Ano ba ‘to nagkabalikan o nagkabakbakan?” pagtatanong ni Peter.

“NAGKABALIKAN!?!” sabay pa naming sigaw na dalawa habang magkasabay ding lumingon sa kinaroroonan nila.

“Yun naman pala eh. Time out. Cease fire. Andrew yakapin mo na asawa mo.”

Hindi ko inaasahan na itutulak ako ni Faith patungo kay Andrew. Bumagsak ako sa dibdib ng asawa ko.

Agad naman akong sinalo ni Andrew para di ako ma out balance.

Tiningnan ko na ng masama si Faith. She held up her hand in surrender. “Easy there friendships”

Hinarap naman namin ulit ni Andrew ang isa’t-isa habang nakahawak pa din siya sa mga braso ko.

“SORRY!?!” sabay ulit naming sabi.

“Wow! AND THE TWO SHALL BECOME ONE FLESH; so they are no longer two, but one flesh.  What therefore God has joined together, let no man separate. Sabay pa talagang sumasagot in unison ha”  panunukso ni Peter. Akalain mong nagbabasa din pala ito ng Bible, he even quoted Mark Chapter 10 verses 8-9.

Nagtawanan kaming apat. ANo ba ‘tong mga nangyayari. Andrew and I should really take things slowly and we should really talk about how we should jumpstart our marriage.

“Hey guys, sa weekend, we should really celebrate. How about Boracay?” pageenganyo ni Andrew samin nung papasok na kami sa Villa. Naisipan naming magpahinga muna sa loob bago tumulak pabalik nang Maynila.

“The great Andrew Palafargan is finally going to take a break from work. This time I’m glad it’s really with family.” Pagsingit ni Faith.

“Indeed Love is really lovelier the second time around. Ang sarap maging tanga”.

Kinindatan naman ako ng bestfriend ko matapos niyangsabihin ang mga katagang yun.

Hindi na muna namin binrodcast sa pamilya namin ang nangyari samin sa Batangas nang makabalik sa Manila. Mabuti at napilit naman namin si Faith at Peter na tumahimik until the weekend. We plan on telling everybody kasi sa weekend na yun. Buti naman at napapayag namin sumama ang lahat sa family outing kuno in Boracay. Dito naisipan ni Andrew mag get together dahil kakatapos lang din niyang iparenovate daw ito matapos tamaan nang malalakas na ulan nang nakaraang rainy season.

Habang naghahanda sa pagpuntang Boracay eh low key lang kami ni Andrew sa bahay. Napapansin na ni Yaya Paning at Rina ang extra sweetness namin at ang paguwi ni Andrew ng maaga sa bahay, ang dating 7pm eh 5pm na ngayon at kung minsan ay 4:30 pa nasa bahay na siya. Nagmamamang maangan lang kami dahil baka masira pa ang big announcement namin.

Andun pa din ang kaba ko sa tuwing maggagabi na at magpapahinga na kami ni Andrew, mahirap isuko ang Bataan the first time kaya the second time eh mas mahirap dahil sa sobrang daming nangyari. Kinalawang na ang mga the moves ko.

Ano ba yan! Ano ba ‘tong iniisip ko. Erase erase erase.

Mabuti naman at nasesense ata ni Andrew na natetense pa ako ng kaunti sa set-up namin kaya hindi pa niya ako dinadala sa ganung eksena.

For how long he can hold his ground...My gulay! Sana naman ‘wag tonight. 

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon