Pagkaraan nung araw na nag-usap kami ni Kyle eh nasundan pa iyon ng madaming conversations pa involving me wanting to just stay in bed and him encouaring me to leave it and go out.
Masyadong maganda ang Gibraltar para palampasin ang isa na namang araw na hindi ito naeexplore. Yun ang lagi niyang reminder sa akin. Hanggang sa nag-isang buwan nalang. Nag-umpisa na siyang magtrabaho kaya sa araw ay wala siya at mag aalas-sais na ng gabi bumabalik. Wala akong ibang ginawa sa apartment kundi magmukmok at pagdating niya eh pipilitin niya akong lumabas ng kwarto o maglakad-lakad sa labas.
Minsan nahihiya na rin ako dahil sobrang pabigat na ako sa kanya. Wala akong kahit anong na nacocontribute. Eh sa talagang mabigat din ang nararamdaman ko eh.
Do you ever miss someone who doesn’t even deserve one ounce of space in your head? Some days I am going along having a great day and then he pops into my head, kung napanu na kaya siya, sila, lahat sila sa Pinas, and viola! Another bad day. And the worst part is it makes me smile and sad at the same time, and all I ever want to do is jump on a plane home. I knew better...I hated those days...
“Here we go again...” biglang sambit ni Kyle nang napansin niyang nagsaspcae out na naman ako. Weekend ngayon kaya andito siya sa apartment kasama kong magtanghalian.
“Uh, sorry” sabay subo ko ng sandwich na ginawa niyo para sa lunch namin.
“You know what Marga..everyone makes mistakes, but it doesn’t mean they have to pay for it all their life. Masasayang ang buhay kapag ganun. Sometimes, good people make bad choices, it doesn’t make them bad, it just makes them more human.” Naiirita niyang sambit.
Nakablank stare lang ako sa kanya, not knowing the right words to say.
“Meaning nun, STOP. Tumigil ka na sa pagdadrama mo na ito. Andrew is an a**hole and not I or even you can do something about it” nasandal siya sa inuupuan niya at nakahalukipkip na.
“But you can do something about how you start living again, make do with what’s left of you, si Andrew lang ang nawala but you are persecuting everybody for it. Iniwan mo ang magulang mo, ang family mo. Your life, your whole world. “ may traces na ng galit sa pananalita niya.
“You must make a decision that you are going to move on. It won’t happen automatically, there will still come days that you will be reminded of the pain. You will have to rise up and say, ‘I don’t care how angry or disappointed I am, I’m not going to let this take the best of me. I’m moving on with my life’ at pansamantala siyang natigilan.
“Hindi ikaw yung Marga na nakilala at minahal ko noon, kung eto yung nakilala ko noon, yang pagkatao mo ngayon, sasabihin ko sa sarili ko, NO THANKS!!!” dinuduro na niya ako at nagtaas na ang boses niya.
Pareho kong tinakpan ng mga palad ko ang magkabilang tenga ko. “Tama na Kyle, tama na” umiiling ako at umiiyak na.
“TAMA NA TALAGA, TUMIGIL KA NA MARGA” sumisigaw na siya.
“Ahhhh! I hate you. Akala ko ba kakampi kita, sasaktan mo rin ba ako tulad nila?” humahagulgol na ako. Nanginginig na ako kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ko.
Natigilan si Kyle at napabuntunghiniga. Kumalma ang nagaalab niya na galit at umaliwalas ang mukha niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sa akin. Tinanggal ang mga palad ko mula sa pagkakatakip ng tenga ko.
“Panu kita tutulungan kung ayaw mo tulungan ang sarili mo? I can only do so much, may hangganan lahat ng pwede ko gawin para sayo, hindi kita pwedeng hilahin araw-araw patayo ng kama mo, hindi kita pwedeng ipagluto at ipag grocery forever, tulungan mo ang sarili mo. Tulungan mo akong tulungan ka. Katulad nung ginawa ko sa Macau, tinago kita, alam nating pareho na hinahanap ka na nila, kaya nga natin binayaran ang desk clerk nung airline diba, to erase us in the manifesto kasi alam natin na hahanapin ka niya. Hindi kita matatago kung hindi ka magpapatago. Tulad din yan ngayon, panu kita patatayuin kung ayaw mong tumayo, kelangan gustuhin mong tumayo.” At bumuntong hininga siya.
“Sana naiintindihan mo ako MArga, ang hirap tingnan na nauubos ka sa galit” iniwan niya ako sa dining table, Nagsuot siya ng jacket niya at lumabas ng bahay.
Binigyan niya ako ng panahon makapag-isip.
Buong hapon eh nag-isip ako. Oo umiiyak pa rin ako, pero laging nasa dead end ako, mahirap mang aminin, I am at the losing end here, hindi ako pwedeng magpatalo sa galit. Tama si Kyle, panu niya ako tutulungan kung hindi ako magpapatulong.
Magaalas-syete na nang narinig kong bumukas ang main door ng apartment. Nakaligo na ako at nakapaginit na rin ng hapunan sa mga tira naming sa fridge.
“K-kyyyle, ikaw na ba yan?” nahihiya kong tanong sa taong kakapasok lang.
Bumungad sakin si Kyle na naka grimace. “Oo andito na ako”
Bumalot ulit yung akward na katahimikan.
“Sorry” sabay pa naming sabi.
Natawa nalang kamng pareho.
“Lika na nga, kumain na tayo” nangingiti kong sabi.
Binubuksan ko na ang mga ulam na tinakpan ko nang bigla niyang pinigilan ang ginagawa ko.
“Is the sun rising Marga?” alam ko na agad ang ibig sabihin ng tanong niyang yun.
“The sun is rising...Brighter” sagot ko.
Natatawa naman niya namang pinindot ng index finger niya ang noo ko at agad itong inalis na para bang napapaso “Aww! Hotter too” sabay kindat at upo na sa mesa.
Oo Kyle, babangon ako. Marga version 2.0 now ready for update...
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...