Chapter 49: Oh no...

986 6 0
                                    

Kakayanin ko lahat, yun ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Pero nagbago lahat yun isang araw, kailangan ko pa palang mas maging matapang pa ngayon.

“Alam mo ikaw, ilang araw ko nang napapansin na dun mo nalang lagi gusto kumain sa Mexican resto, hindi ka na naawa sa mga almuranas ko sa sobrang spicy ng kinakain mo” pagrereklamo ni Kyle isang araw habang naglilinis kami ng apartment.

“You are what you eat, hot!” pabiro kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang mga mwebles at siya nama’y nagmamop ng sahig.

Lumagapak kami sa tawa ng umakto siyang napapaso. Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko kapag wala si Kyle.

“Kasama din ba sa pagiging hot mo ang blue na kurtina? Blue na kulay ng mga kitchen utensils?” pabiro niyang tanong sakin.

“Eh sa dun ako Masaya eh, sa kulay blue” pagtataray ko. Naupo naman kami pareho sa couch nan nagtatawanan.

Natigilan lang kami nang may nagdoorbell.

“Pizza delivery is here” agad siyang tumayo para bayaran na ang pizza na pinahatid niya.

“Pepporoni and cheese, tada” nilahad niya sa harap ko ang isang family size pizza.

Bumaliktad naman ang sikmura ko. Ang pangit ng amoy. Sobrang parang masang sang na isda. Nung kararating lang namin ay eto lage ang uwi niya sa akin galing trabaho, pero ngayon, sobrang hindi ko maatim ang amoy. Ang pangit talaga.

Nang hindi ko na matiis ay tumakbo na ako sa banyo at sinuka ko na ata lahat ng nakain ko nung gabi at kaninang breakfast. Agad naman akong sinundan ni Kyle para hagurin ang likod ko.

“Anong problema Marga?” balisa niyang tanong sakin.

Nahihilo ako kaya inalalayan niya ako sa kusina para makainom ng tubig.

Ilang sandal pa ay medyo gumanda na ang pakiramdam ko.

Saka lang nag sink in sakin lahat. Mexican food. The color Blue. Nasusuka sa pepperoni and cheese pizza na dati naman ay favourite ko. Nahihilo. Kahit sinong babae alam kung anong ibig kong sabihin.

Para akong binuhusan ng limang gallon ng nagyeyelong tubig.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko para tingnan ang digital calendar sa cellphone ko.

Mag tatalong buwan, 3 months na akong hindi dinadatnan.

Bakit hindi ko napansin ito? Masyado ba akong depressed to even pay attention sa monthly period ko.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ako makaiyak dahil naubos ko na ata lahat ito. Ang tuyo ng lalamunan ko.

Napatingin naman ako kay Kyle na nasa meh pinto nakatingin sakin.

“Oh no” natakpan ko ang bibig ko sa halong kaba, takot, tense...I’m lost.

“Bakit?” naglakad na si Kyle papalapit sakin.

Nang tinabihan niya ako ay hindi ko na napigilang umiyak. Bumuhos na ang mga emosyon ko.

“I think I’m pregnant with Andrew’s child”

Hindi nga ako nagkamali.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Kyle sa hospital. Underwent so many laboratory tests na confirmatory nang alam ko nang positive na resulta.

“15 weeks” nangingiting sabi sakin ng Gibraltarian kong OB.

“Congratulations Mr. And Mrs. Javier” sabay tayo niya at kinamayan ako na halos hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

Buti nalang at nagawang magfake ni Kyle ng ngiti at siya ang nakipagusap sa Doctor.

“Confirmed, you will be parents in 25 weeks” masayang Masaya niyang binabalita sakin.

Ni hindi ko magawang magprotesta sa misconception niya na magasawa kami ni Kyle.

“How do I take care of her and the baby?” biglang putol ni Kyle.

“We will give her multivitamins, drinking milk daily will encourage strong bones preparing for delivery. Also, please avoid stressing her out.” mga tips na bigay ng doctor nung nagtanong si Kyle.

Para akong na estatwa sa kinauupuan ko. Hindi na ako muli pang nagsalita.

Inakay ako ni Kyle pauwi.

Nagulat nalang ako na nasa apartment na pala kami at napaupo na niya ako sa couch.

“This can’t be happening” umiiling ako sa kanya.

“Why not? Blessing yan sayo Marga, magiging Mommy ka na” ngumingiti siya habang sinasabi yun.

“No no no...Hindi pwede ‘to. Panu ko siya bubuhayin?  Wala siyang Daddy. panu ko sasagutin ang mga tanong niya? Hindi ko kakayanin ‘to Kyle.” Sinasabunutan ko na ang sarili ko ngayon.

“Gusto mo na bang umuwi?”

“Hell no. Mas impyerno doon” umiiyak kong sabi. Patuloy pa din ako sa pagsabunot sa sarili ko.

Niyakap ko ang mga binti ko. Sa ganitong position ko napapakalma ang sarili ko. Humahagulgol na naman ako. Lagi nalang ganito.

“Hindi ‘to pwede Kyle. Ang daya daya naman eh. Ang daya daya naman eh”

Agad naman akong niyakap ng mga braso ni Kyle.

“Hindi ka mag-isa. Andito ako. I told you, hindi kita iiwan. Tutulungan kita. Kapag handa ka na. Kapag handa na kayo ng baby mo, haharapin mo siya. Mahal ka pa rin ng Diyos. Binigyan ka niya ng isa pang pagkakataon na magkaroon ng dahilan mabuhay”

“Panu Kyle? Panu?” napasandal na ako sa dibdib niya habang niyayakap niya ako at pinapatahan.

“Hindi ko alam Marga. Ang alam ko lang, dalawa na kayo ngayon, kelangan mo maging matapang. Be strong Marga. Hindi pwedeng ganito ka palage, isang pagsubok eh babagsak ka agad. Mas tibayan mo pa ang sarili mo. May maliit na buhay nang umaasa sayo”

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon