Andrew’s POV
Mag-iisang buwan na mula ng ikasal kami, pero wala akong naririnig na kahit na ano mang reklamo, dahil siguro gabi na ako umuuwi at sobrang aga ko pa kung gumising para magtrabaho.
Magkatabi nga kami sa pagtulog, iisang kwarto ang pinaglalagian, iisang bahay ang tinitirahan pero parang ‘di naman kami magkakilala.
Ang allowance niya eh iniiwan ko lang sa pinto ng ref at kinukuha niya rin ito na may post-it pang dinidikit sa pinagiiwanan ko, thank you. Lage naman yun lang ang sinasabi niya.
Yung labandera lang ata namin nakakausap niya sa bahay.
Sabi ng mga guard eh naglalakad lang daw ito palabas ng village, oo, hindi ako ganun kasama, pinababantayan ko pa rin siya sa mga village guards hanggang makasakay ng jeep o taxi ba, bilin ko na siguraduhin nilang maayos yung sasakyan niya papasok. Dami ko na ring narinig na sabi nila, kesho kawawa raw yung asawa ko, kasi halatang halata sa kanya na hindi siya sanay sa pagcocommute.
Kahit awang awa ako kay Marga ay tinitiis ko siya, kelangan niyang matuto na hindi lahat ng bagay eh makukuha niya porket may pera kami. Kahit sa tuwing nakikita ko siyang natutulog sa kama namin, sa tabi ko, she’s so at peace napaka fragile niya, yung tipong alam mong hindi siya sanay sa magulo, nasasaktan o nahihirapan. Pero ambisyosa nga lang siya. Ano ba yan, ang gulo. Hindi ko makita sa kanya yung pinaniniwalaan kong pagiging ambisyosa niya.
Ako lang ba ‘to?
Pero hindi eh, nakita ko yung magazine sa bag niya. Bakit niya pinalalabas na wala siyang alam sa akin, gayun naman pala eh updated siya. Ang labo ko talaga pagdating kay Marga.
Kelangan kong gawin ‘to para matuto siya. Hanggang kelan? Hindi ko alam.
“Mukhang malayo yang iniisip mo ah, care to share it with me son?” biglang putol ni Daddy sa pagaalala ko.
“It’s nothing really Dad.” Pagsisinungaling ko.
“I may be just your Dad but I know if something is bothering you, is it Marga? nun kasi yang noo mo napapkunot lang kapag lugi ka ng kahit 100 thousand lang sa isang araw, pero ngayon mas madalas kunot niyan umagang umaga pa lang, bago magumpisa mga meetings natin, you seem to be yelling at all the security in your village, laging nagaantay ka mag alas-5 para magtawag ulit kung nakauwi na si Marga o hindi pa” tanong ni Daddy.
Napangiti naman ako sa concern ni Daddy, wala nga akong maitatago sa Daddy ko “So you noticed that, apart from business huh Dad? I guess I can’t really hide anything from you or am I that obvious?” tanong ko.
“well you seem to be more stressed over nowadays, when you got back from New York actually ganyan ka na, you looked bad, but now you got worse, meetings over meetings, projects over projects, you’re busying yourself from pointless things na para bang your life depends on it...remember anak, all these...” sabay turo niya sa mga naka pile sa mesa ko, “...walang kwenta to kung wala ka namang paglalaanan, take a step back and take a better perspective. Your company is growing everyday and nobody can stop it from doing so, what else could you ask for? Baka by now pwede ka naman to focus on your personal life, spend time with Marga, she’s your wife.”
May punto nga naman ang Daddy ko, dahil sa ginagawa kong pagiwas kay Marga eh masyado nang nadagdagan ang pagiging workaholic ko, hindi ko na nga ata mabilang kung iilang tao na sa kumpanya namin ang nasigawan ko mula nung ikasal ako. Alam ko ring hindi ganito ang turo sa akin ng mga magulang ko, lalo na si Dad, lagi niyang ineestablish sa akin na dapat marunong ako mag prioritize ng mga bagay, dapat alam ko yung mga non-negotiables ko, at isa dun ang time sa pamilya at sa sarili, kaya nga siguro successful si Dad sa lahat ng pinapasok niya dahil sa value niya na yun. Kasi nga raw kapag nawala ang lahat, pamilya at sarili lang matitira sayo.
“I know I’m walking a straight line Dad, no stop overs and enjoying the view, or I don’t share my journey with somebody, truth is I dunno how to, I’m the best businessman, I can’t even be a good person, sinasaktan ko si Marga sinasaktan ko kayo” iniisip ko yung pagpapahirap na ginagawa ko kay Marga, pero kasalanan niya rin naman kasi kung ‘di siya ambisyosa. at alam ko na ginagawa kong failure ang mga magulang after nurturing me sa kung panu ako umasta ngayon sa buhay. I’m better than this, pero bakit sarado ang sarili ko, bakit ang numb ng puso ko? Chantal ano ba ‘tong ginawa mo sakin. Ibalik moko sa dati.
“Listen son, I don’t really know how you are with Marga at home, but here’s the deal about marriage, if you want things to work, you have to remember to trust your wife and actually do so. At least openly talk about things, about what really concerns you, it’ll clear some air between the 2 of you. Spend time. Open yourself to the world son, hindi panay negosyo ang iniisip mo. May asawa ka na, make her your priority”
Sa lahat ng payo na vinavalue ko, pinaka priceless ang lahat ng payo ng Daddy ko sa akin. Alam ko kasi na once sinabi niya, lahat yun by experience at galing sa puso.
“okay, i’ll try to be more around” pero sa loob loob ko hindi ko pa din alam kung papanu ko gagawin yun, lalo na kay Marga. Bakit ba kasi hindi ako nagisip ng maayos bago ako nagpakasal, ginawa ko lang katawa tawa ang sarili ko. Ang talitalino ko sa diskarte pagdating sa negosyo, pagdating naman sa personal life bopols ako. Haay ewan!?! Basta susubukan ko.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomantikMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...