“Haay!” napabuntong hininga ako nang Makita ko na halos alas-5 na ng hapon, bakit kaya di pa nakakauwi si Andrew? Malamang magkasama pa din sila nung may gawa ng painting na ayoko pangalanan dahil pangalan pa lang bwisit na ako.
Kanina pa ako nakaharap dito sa ipad ko. Nasilip ko na ata lahat ng friends ko sa facebook sa sobrang tagal ko na nag-aantay.
Bakit ba kasi ako nag-aantay? Clearly, hindi na ako mahalaga for Andrew, hindi ko naman kailangan maging matalino para maintindihan yung mga pinagsasabi nung babaeng eskandalosa sa akin, siya naman talaga ang mahal nitong si Andrew. Kumbaga pampalipas oras lang ako habang wala pa siya, at ngayong andito na siya, echapwera na ako.
Kakain na nga lang ako. Bukas pupunta ako kay Mommy para sabihing gusto ko magtrabaho sa kanya.
Tumayo na ako at humarap sa direksyon ng kusina nang muntik ko na mabitawan ang ipad na hawak ko.
“Andrew, kanina ka pa ba diyan?” dinatnan ko siyang nakatayo sa bungad ng main door, meh hawak siyang mga roses na iba’t-ibang kulay, mas naging makulay pa ito dahil sa pamatay niyang smile.
Ano ba talagang ginawa ko para pahirapan ako ng ganito, sobrang gwapo nitong kaharap ko. Pero dapat galit ako sa kanya, hindi ko naman magawang magalit. Baliw na ata siguro ako. Umayos ka MArga, umayos ka!!!
Nangingiti pa din si Andrew nung lumapit siya sakin. “Hindi ko kasi alam panu yung intro ko sayo, galit ka kasi sakin kasi nasaktan ka nang dahil sakin”
“Hindi naman ako galit sayo, hindi naman ikaw yung nanampal sakin saka nagsabi ng mga ill meaning words”
“Kahit na, ako pa rin yung dahilan…kaya eto peace offering” at inabot niya sakin yung isang piraso na medyo cream na yellowish na rose.
“Isa lang? para kanino ang ibang hawak mo” naiinis kong sabi.
“Here’s the pink rose, sabi nung babae sa flowershop, if I give you this, I’m asking you to believe me, so please believe me and the things I’m going to say” at inabot niya sakin.
“Here’s the yellow rose, it represents the joy and cheer you brought to my life, waking up with you next to me everyday, napakasaya ko.
The blue rose, it means the unattainable the impossible, I never knew I could be this happy again, until you happened, ikaw yung blue rose ko.
And here, the red rose, my heart, my love. It’s for you to keep, sayo lang.” Pagkatapos niyang iabot sakin yung panghuling rose eh hinalikan niya ako sa forehead.
He let out a chuckle, “say something, ang korny ko na dito o”
“uh, Thank you” parang nagtatanong ko pang sabi.
Natawa naman si Andrew sabay yakap sakin at halik ng temple ko. “It’s moments like this that I thank God for you, yung kainosentehan mo, buti nalang asawa kita at hindi client, ang hirap mo ispelingin malulugi negosyo ko sayo”
Pero syempre dahil babae ako nasaktan, pride pride muna.
“Bitawan mo nga ako” nagmamaldita kong sabi sabay tulak sa kanya. DI pwedeng ganun ganun nalang yun.
“What did I do now?” gulat na tanong niya.
“Siguraduhin mo muna sa sarili mo yang nararamdaman mo, baka galit ka lang kay Chantal kaya nagkakaganyan ka, o di kaya naaawa ka lang sakin. Kasi ako Andrew, I’m not playing games here, nung sinabi ko sayo na I love you, walang sale yun na 70% off sa iba yung 30% o di kaya with warranty na pwede mo lang ibalik, take all yun, kaya sobrang sakit na kinakailangan mo pa maguluhan.” Tapang ko din pala.
“Andrew, totoo naman kasi yung mga sinabi ni Chantal sakin. Rebound naman talaga ako, ang cold mo nga when we first met diba, mas matindi pa sa glacier sa antartica yung coldness mo sakin, at ang masakit pa, hinayaan mo akong paniwalaan na you wanted to start again with me, pero yung engagement ring naman ni Chantal ang binigay mo sakin, hindi naman sa nagpapapresyo ako, pero siya yung naaalala mo sa ring na yun, sana man lang may warning nung binigay mo yun, para naman alam ko kanino ko dapat isauli diba” hindi ko alam saan galing ‘tong tapang ko ngayon.
“It’s your engagement ring Marga, hindi yun for Chantal, hindi porket sa kanya una binigay eh kanya na, wala naman siyang tinanggap” nabibwisit na na sabi ni Andrew.
“Big deal sakin yun, kasi kaya nga may ganun, kasi you commit yourself to me,”
“gusto mo bang palitan ko, sige papalitan ko, hindi ko na naisip na magiging issue pa pala yun, kasi Marga, mas mahalaga naman sakin yung nararamdaman ko, that ring is nothing if I don’t feel anything”
“Well Andrew, that ring is something for me, it meant a promise of forever with you”
“Babe okay, mahina ako sa pagtanda ng mga ganun, hindi ko na naisip na palitan, kasi that ring, it was me, promising myself to the woman I love, ako yun, ngayon kung ibabalik mo yun sakin kasi you insist it belongs to Chantal, you’re also telling me na bumalik ako kay Chantal, ako yung ring na yun eh, It’s my promise of forever. Tinanggihan ni Chantal yung forever ko, tinanggap mo, hence, sayo yun, hindi sa kanya o kanino man”
“Huwag mo nga ako gamitan ng logic Mr. Andrew Palafargan, mas lalo mo lang pinaparamdam sakin what a rebound I am, na tumanggap lang ako ng mga hand me downs ni Chantal.”
“Eh di rebound ka kung rebound, pero know this…ikaw yung pinaka maswerteng rebound kasi MAHAL NA MAHAL KITA” galit na sabi ni Andrew sabay labas ng pinto papunta sa kotse niya.
Kudos Marga. Bravo! You just made matters worse.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...