Tight ang security sa pinagdausan ng kasal ni Faith. Halatang magarbo ito dahil sa dami ng uniformed men na nakabantay sa labas. Ang dami ring mamahaling sasakyan ang labas pasok sa venue. Madaming kilalang tao ang pumunta, mukhang influential talaga ang asawa niya. Kung hindi ako nataong date ni Kyle eh hindi talaga ako makakapasok dito kung wala ako sa RSVP list.
“Tapos na ang ceremony, mukhang picture taking na Marga, shall we go?” pagbasag ni Kyle sa katahimikan na kanina pa namuo saming dalawa. Andito kami ngayon sa loob ng SUV nila. Siya na ang nagmaneho papunta dito dahil sinundo na ng driver nila ang Daddy niya, at ang Mommy niya ay naiwan para kay Darell sa hotel.
Bumuntong hininga ako, “Let’s go” at umabang bababa na ako ng sasakyan ng hinawakan niya bigla ang braso ko. “Marga, sandali”
“Yes?” nang hinarap ko siya ay kitang-kita ko ang mga takot sa mga mata niya. Para akong guguho then and there, pero hindi, tutuloy ko na ito.
“Pagpasok mo diyan, there’s no coming back, kelangan mong lumaban para sa anak mo at sayo, I can no longer protect you, you are at his mercy. Please Marga, kayanin mo, para kay Darell” nababahalang sabi niya sakin.
“Of course” I faked confidence.
“That’s good, Tara na!” at binuksan niya na ang pinto niya sa driver’s seat at pinagbuksan na rin ako.
Humawak ako sa braso niya habang humahakbang kami papasok ng venue. “Kalma! Nanlalamig ka, fake it ‘til you make it” pagpapaalala niya sakin.
“Fake it ‘til I make it” inulit ko.
Tama nga ang hunch ni Kyle, pictorial na ng dumating kami. Tapos na ang ceremony. NAkaupo pa din ang lahat dahil busy pa sa pictorial ang bride at groom, kitang-kita ko sa malayo ang best friend kong si Faith, kasama ang kanyang, what? Kilala ko yung groom niya ah. Sobrang kilala ko, si Peter yung bestfriend ni Andrew.
Pinisil ko ang braso ni Kyle “Kyle, si Peter pala yan, best friend ni Andrew, yung asawa ni Faith”
Binalingan niya ako ng tingin “Hindi ko alam Marga, sorry. Ang alam ko lang sikat na account executive yan”
“Oo, account executive, best friend yan ni Andrew, kanang kamay niya sa Palafargan Industries” nang bitawan ko ang mga salitang yun ay kumakabog na ang puso ko. Andito nga siguro silang lahat.
Inakay ako ni Kyle sa gilid ng venue, malapit sa pinto papunta sa isa pang tent kung saan andun ang reception.
Nagpatuloy pa sandali ang pictorial. PAgkatapos ng family ni Faith ay lumapit na naman ang family ni Peter. Ang saya ng lahat. Kitang-kita ko sa singkit na mata ni Faith ang kaligayahan.
Masaya ako para sa best friend ko dahil hindi niya nakatuluyan yung jerk niyang ex na si Bryan at napunta siya kay Peter. Alam kong paliligayahin siya nito.
“Marga? Margaret Celine Javier...ahhh ah Palafargan?” natigil ang lahat ng may sumigaw sa audience ng pangalan ko. Bumalandra sakin ang isa ko pang kaibigan na si Nica, nakatayo na sa audience habang hinaharap ako.
DInig ko naman ang bulong-bulungan na namuo. Natigilan ang photographer sa pictorial dahil naka awang na ang bibig ni Peter at nakatakip na ng bibig si Faith sa sobrang gulat.
“Marga, ikaw nga” at tumakbo na si Nica papalapit sakin.
“Eto na yun Marga, fake it ‘til you make it” bulong ni Kyle one last time bago ako binitawan.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...