Chapter 2: Fun Fun Muna

1.3K 6 0
                                    

Nasa mall kami ni Faith dahil sa napagkasunduan naming mamasyal pagkatapos ng klase namin, sumabay na ako sa sasakyan niya at tinext nalang si Yaya Paning at ang driver na sa mall na ako magpapapsundo.

  "Friend, halika sa bookstore, I need to buy the latest issue of MEN magazine" hila hila ni Faith sa akin.

"Alam mo ikaw, sabi mo naman maganda ka, second place nga lang ako sa beauty mo lagi mong sinasabi, pwede ka namang magka matinong boyfriend, bakit diyan ka pa talaga nahuhumaling sa mga cover boys ng magazines na yan?" reklamo ko sa kanya.

"Ay maldita ka talaga. hayaan mo na nga ako, kasi masaya akong nakakakita ng gwapong lalaki at sa school natin, mga totoy pa yung mga boys dun, sa magazine, mga eligible bachelor sila ng Pilipinas, may mga hot bodies, makakapal na bank accounts at may character, malay mo naman makilala ko sila sa mga soiree na hinahanda ng parents ko for their business partners at least may alam ako" haay! ang daldal ng friend ko.

"O sige na nga hanapin mo na yung magazine mo, ikot lang ako"

"Kay!"

Umiikot na ako sa loob ng bookstore, hinahanap ko yung books sa booklist ko para mabawas bawasan na rin ang papabili ko kay Yaya Paning. Medyo makakapal at mabibigat din pala ang mga req ko na books this sem.

"Waaaaah!?! Marga Marga...," ano na naman tong nagpapaexcite kay Faith, sabay pakita sakin ng cover ng MEN magazine.

"kilala mo ba kung sino 'to?" tanong niya sabay halos kiskis na ng magazine cover sa mukha ko. Nakita ko dun ang gwapong lalaki na nakatayo sa likod ng isang napakataas na building sa Makati. Ang ganda ng red lips niya at ang mga mata niya parang charcoal sa sobrang black na parang ang galing galing mangusap at naka pang executive attire pa siya with matching hard hat...astig ng itsura!  kahit sino atang babae mauutal sa presence ng lalaking ito.

"Sino ba siya?" tanong ko.

"Siya lang naman ang future ng real estate and construction industry natin dito sa Pinas friend, si Ivan Andrew Palafargan, sabi dito he is one of the most eligible bachelors of Asia, take note Asia hindi lang dito sa atin, he's making a name for himself sa construction industry friend, he is a multi-Billionaire, with the B. Eldest of 3 kids, may younger twin siblings siya, he is 26 years old, he is one of the youngest CEOs, his family owns Palafargan Industries. Why he's still single, 'saving myself for the right one', gosh! mahal ko na siya, hindi lang siya gwapo at mayaman, sensitive pa".

Hinawakan ko sa magkabilang pisngi ang best friend ko at kinuyog sabay sabi "gumising ka Faithlyn Chan, I bet that guy is not what the magazine says he is,"

"Echosera! Ikaw bubble breaker ka talaga, kontrabida sa illusion ko. tatandang dalaga ka talaga friend, mark my word" sabay taas ng magazine tas paharap sa mukha ko. "halika na nga bayaran na natin 'to at pati na rin yang mga libro na bitbit mo, mas makapal pa ata sa Bibliya yang mga yan"

Pagkatapos namin sa bookstore ay nagtungo kami sa ibang botiques,need na daw kasi namin ng new wardrobe dahil new beginnings na for us sa last year namin sa college. ayaw lang talaga aminin ng best friend ko na shopaholic siya. hehehe!?!

Mga 8pm na rin ako nagpasundo sa mall dahil 2pm pa naman ang pasok ko kinabukasan at malapit lang naman ang bahay namin sa mall na pinuntahan namin ni Faith.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon