Chapter 28: Mr. and Mrs. for real.

1.2K 6 0
                                    

Marga’s POV

“Uwi na tayo, mamaya niyan gabihin tayo sa daan, mahirapan ka magdrive” panunuya ko kay Andrew.

Andito pa kasi kami sa viewdeck ng bahay nila sa Tagaytay, pinagmamasdan ang sunset. Ngayon lang ako nanood ng sunset na tuwang-tuwa ako. Sino ba naman kasi hindi matutuwa eh nakapulupot si Andrew sakin magmula pa kanina. Nakailang halik na siya sakin. Oh diba ang swerte ko lang?

“Later” mahinahong sagot niya.

“Okay, ikaw bahala”

“Babe, I’m thinking we should go on our honeymoon, how does Portofino sound?” pagtatanong sakin haban nakatanaw sa palubog na araw.

“Huwag muna ngayon, may pasok ako eh. Maybe sa sembreak pwede na. We’ll find time” sabay halik ko sa pisngi niya.

“Huwag mo akong sanayin sa mga ganyan mo baka hanap-hanapin ko ‘di ka makawala sakin agad-agad.” Panunukso niya. Natawa naman lang ako. Sana ganito nalang kami habang buhay, Masaya.

Ang sarap ng feeling na we both got to unload how we truly feel towards each other. All along, mutual pala yung nararamdaman naming. Minsan communication lang talaga ang kulang sa mga tao para magkaintindihan.

Tuluyan na nagbago ang lahat samin. Mas sweet na kami sa isa’t-isa. Pag gising sa umaga ay sabay kaming kumakain ng breakfast. Hinahatid niya pa rin ako sa school. Sa gabi naman ay sinisiguro niya na nasasabayan niya ako maghapunan, at kapag hindi ay naguiguilty itong tumatawag. Basta sa gabi napapalagay lang ang loob ko kapag may Andrew na akong kayakap at may goodnight kiss pa.

Ang sarap lang ng buhay misis eh.

At ngayon, Saturday pagkatapos ng prelimenaries namin ay andito pa din kami ni Andrew sa kama. Kanina ko pa gusting bumangon pero ayaw pa ako pawalan ng asawa ko. Masunurin na misis kaya ako, sige lang. Hehe.

Nasira lang ang moment namin ng magring ang cellphone niya. Nakapagtataka lang at hindi niya ito pinapansin ngayon.

“Babe, sagutin mo na yung tawag.” Nasasanay na rin akong tawagin siyang Babe. Hindi kasi ito sumasagot na kapag simpleng Andrew lang.

I don’t wanna. If I do, that would be work again, trying to take me away from you, would you like that?” parang bata na pagsagot nito.

“baka mamulubi tayo niyan kapag humiga ka nalang dito maghapon, malugi negosyo mo.” Natatawa kong angungutiya.

Okay okay” sabay bangon at  kuha niya sa cellphone niya sa side table. “Hello”

“I’m kindda beginning to think na you kindda forgot to invite me, I was waiting for you since last night.” Pagsesermon nito. Minsan may topak din ‘to si Andrew. Kanikanina lang ayaw niya sagutin kasi work daw, tapos ngayon nagagalit kasi hindi agad siya tinawagan.

“Okay, I’ll be there, 3 o’clock it is then.” Sabay baba ng phone niya.

“Duty calls” sabay lips to lips niya sakin at pumasok na sa banyo.

Matagal tagal maligo si Andrew kapag weekend. Kaya napagisipan kong tumayo na rin at iligpit na ang kama namin.

Kakatapos ko lang magtupi ng mga kumot at maglatag ng comforter nang ang cellphone ko na naman ang tumunog.

Kyle calling...

Nagdadalawang-isip ako sumagot dito. Pero dahil mukhang pursigido itong makausap ako ay sinagot ko na after 3 missed calls.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon