Marga’s POV
Nakita ko na ang lahat ng dapat ko makita. Ang panloloko, ang pananakit...lahat-lahat. Tama nga siguro ang mga kaibigan ko, magna cum laude ako pero napaka clueless ko pagdating sa pag-ibig. Ang tanga ko.
Tanga!
Malinaw na lahat sa akin ngayon. Sobrang linaw! Si Chantal pa din all along. Walang naging ako, walang naging kami, rebound ako. Pinilit niya lang paniwalain ako, na ako lang, akala ko rin ako lang. Pero it was all a show. Marahil para sa mga magulang namin na pinangakuan niya ng forever with me...ang sakit, just as I was beginning to believe that it was me. Yes it was me, I was the big joke.
Pagkatapos kong ibagsak sa mukha nilla ni Chantal ang pintuan ng traumatic na Room 607 na yun ay agad akong tumakbo papunta sa elevator, hindi ko na alam saang banda ng floor na yun ko nabitawan ang mga maleta ko. Tanging pouch bag ko nalang ang dala-dala ko.
Mabuti nalang at hindi pa nakakaalis sa 6th floor ang elevator, mukhang nakikisama ito sa sakit ng pakiramdam ko ngayon at hindi nagiinarteng umakyat ng 19th floor.
Pagdating na pagdating ko sa ground floor ay agad bumungad sakin ang reception, nakatingin sa akin ang receptionist na may ‘I told you so’ na tingin.
Wala nang hiya-hiya...nilapitan ko ang kausap ko kanina.
“Do you fuckin’ know what’s in room 607?” matigas kong tanong.
“Yes Ma’am the room of Mr. Andrew Palafargan and his wife Mrs. Chantal.” Dirediretso niyang sagot sakin.
Pagkarinig ko ng mga salitang binitawan niya ay isa-isang gumuho ang mga pader ng pagmamahal ko para kay Andrew.
Tinanggal ko ang engagement at wedding rings ko, sabay abot sa kaharap ko na receptionist. Ramdam na ramdam ko ang mga naguunahang luha sa magkabilang mata ko ngayon.
“Well then, would you be so kind to give these rings to the Mrs. Palafargan you mean to say, ‘cause I’m through being Mrs. Palafargan” buong tapang kong sinabi sa kaharap ko. Napanganga naman siya sa gulat nang makita ang mga singsing na inabot ko sa kanya.
“You are the real Mrs. Palafargan, oh shit!” ang huli kong narinig sa kanya bago ko siya tinalikuran at patakbo na lumabas sa mala impyernong hotel na yun.
I’m done.
Agad akong pumara ng taxi at sinabihan ang driver na dalhin ako sa airport.
Nang makarating ako sa airport ay ramdam na ramdam ko na ang hirap ng paghinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Patuloy pa rin ang waterfalls ng luha ko. Wala akong matakbuhan ngayon, mag-isa ako sa banyagang lugar na ito.
Nakatayo lang ako dun sa kawalan, tinitingnan ang board para makita ang schedule ng mga flights. I’m so confused.
Nanlalabo na ang mga mata ko sa luha nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sakin.
“Marga? Margaret Celine Javier?” kilalang-kilala ko ang boses na yun.
Pagtalikod ko ay hindi nga ako nagkamali, hindi pa rin pala ako pinapabayaan ng Diyos.
“K-KYLEEE!” humihikbi kong tawag sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Lumabas na lahat ng luha kong pinipigil, mas dinig na dinig ko na ang mga hikbi ko. Binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya.
“Kyle, ang sakit-sakit na.” Yung lang ang paulit-ulit ko na sinasabi sa kanya.
“Walk Away Marga, walk away” yun lang ang sinabi niya sakin at alam kong yun ang dapat kong gawin ngayon.
Hinarap ko siya at tinanguan. Sana si Kyle nalang ang minahal ko, mas madali yun. Walang ibang taong involved. Pero nagpakatanga ang puso ko at minahal ang isang katulad ni Andrew na ang daming baggage, ang daming history, akala ko kaya ko. Hindi pala, hindi ko pala kayang lumaban.
I’m sorry Andrew...sorry for caring. Sorry for trying. Sorry for it all. But most of all, I’m sorry I let you in.
Andrew’s POV
“Goddamit Chantal! What are you doing?” tiningnan ko siya ng masama, agad kong sinuot ang button down shirt ko at hinabol na si Marga.
Nakasunod pa din si Chantal sa akin pero pinagtutulakan ko siya.
“I love you Andrew, hindi moko mapapaalis sa buhay mo basta basta” pinupulupot niya sakin ang mga braso niya pero nagpupumiglas ako habang inaantay na bumalik ang elevator.
Sobrang tagal nito kaya naisipan ko nang maghagdan. Kelangan ko abutan si Marga, kelangan ko magpaliwanag na wala nang namamagitan samin ni Chantal.
Na umalis ako para sa meetings talaga at hindi para makipag tagpo kay Chantal.
“You belong with me Andrew” nakasunod pa rin sakin si Chantal kahit ang bilis ko nanng bumababa sa hagdan.
“I love you Andrew, I love you” hindi talaga ako titigilan nitong isang ‘to eh.
Nang abutin ko ang dulo ng hagdan eh tinakbo ko hanggang lobby ng hotel. Pinasadahan ko ng tingin ang buong entrada nito. Walang Marga. Nasaan na siya?
Lumabas ako pero wala rin siya. SInilip ko ang resto, ang mga comfort room, ang bar, ang poolside...No sign of Marga.
Nagbaka sakali akong nakita isya ng receptionists kaya lumapit ako sa front office.
Hinihingal pa, “Miss, Have you seen my wife,” binigay ko sa kanya ang description ni Marga.
“Mr. Andrew Palafargan, right?” tanong niya sakin.
“Yes, that’s me” hinihingal ko pa na sagot sa kanya.
“I’m sorry Sir, you’re wife left you these” para akong sinaksak ng makailang beses sa puso nang makita ko ang mga singsing ni Marga na inaabot sakin ng receptionists.
“I’m really sorry Sir, a woman came before your wife did, she said she’s your wife, Mrs. Chantal Palafargan, and then your wife showed up, I thought she was...”
“Wait-What?” naiirita kong sabi sa kanya na kahit di pa siya natatapos.
At sinabayan pa nitong ni Chantal na nakasunod na sa akin.
“Andrew, umalis na siya...wala na siya.” Hinihngal din na sabi ni Chantal sakin.
Bwisit! Tangna! Ano bang kasalanan ko sa past life ko para danasin ito.
“Really Chantal? kasalanan mo lahat ng ‘to. Nag-aral ka lang sa Milan eh nakalimutan mo na ang delikadesa. FACE IT!!! I am never ever eveeeer gonna be yours again. Step another inch closer to me at baka makalimutan ko na babae ka...” iniwan ko siyang nakanganga doon sa hotel reception. Hindi ko Gawain manakit ng babae pero baka mapagbuhatan ko ng kamay ang isang yun dahil sa problemang ginawa niya.
Nasaan ka Marga?
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...