Chapter 53: Move over, she's definitely back!

953 8 1
                                    

Marga's POV

Ladies and gentleman

 napahawak ako kay Kyle habang nagsasalita ang head stewardess para sa kanyang in flight announcement . Hinawakan niya rin ang kamay ko, “It’s all gonna be okay” sabay halik niya sa ulo ni Darell na nakatulog na sa side niya.

Welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 45 minutes past the hour of 3 in the afternoon and the temperature is 34 degrees Celcius.

For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign.

Gusto ko nang masira ang seatbelt para di na ako makaalis dito sa inuupuan ko. Nagpatuloy ang nagsasalita sa kanyang mga sinasabi. Ramdam na ramdam ko naman ang kalabog ng puso ko, gusto na nitong kumawala sa chest cavity ko sa sobrang kaba.

On behalf of GulfAirlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice afternoon. Mabuhay!

Pagkatapos sabihin ng head stewardess ang kanyang closing remarks eh tinakasan na ako ng ulirat ko. Wala na ako sa sarili ko. Ang tanging nararamdaman ko nalang ay ang pagakay ni Kyle sa akin palabas ng eroplano.

“Keep it together Marga, for Darell” bulong niya sa tenga ko habang buhat-buhat si Darell sa balikat niya at ang backpack nito.

“tulad nang usapan natin, mauuna kami ni Darell sa sasakyan, hindi ko na pinababa si Mama at Papa” alam naming pareho na may mga mata ang pamilya ko at si Andrew sa palibot ng airport. Malamang nga ay alam na nila na dumating na ako.

Sa eroplano nalaman ko na bumukod na sa kumpanya ni Andrew ang pamilya ni Kyle, naguumpisa na rin sila ng sarili nilang construction firm, hindi ito kasing big time nila Andrew pero napapakain ito ng sapat ang mga Montelibano.

Laking pasalamat ko dahil naiintindihan nila ang sitwasyon namin ni Darell at handa silang tumulong samin. Malamang ginagawa nila ito dahil alam nilang mahalaga kami kay Kyle.

Pagkatapos naming kunin ni Kyle ang mga bagahe sa conveyor ay sinuutan na ni Kyle ng jacket si Darell at inabot na sakin ang mga aviator sunglasses ko. Tulog na tulog pa din ang anak ko, masyado atang napagod sa byahe. Nakikisama siya dahil hindi ko rin masasagot ang mga tanong niya sa mga panahong ito.

“Mauuna na kami Marga, antayin ka namin sa sasakyan, this is it” nabalik lang ako sa ulirat nung naramdaman ko nang binitawan ni Kyle ang kamay ko at humakbang na palayo sa akin kasama ang anak ko.

Inayos ko ang shoulderbag ko at sinoot na ang aviator sunglasses ko. Pinasadahan ng ayos ng mga kamay ko ang buhok ko. “You can do this Marga” isang buntong hininga ang binuga ko at tinahak na ang exit ng arrival area.

Sa 4 na taon ng pagkawala ko eh madami nang nagbago. Paglabas na paglabas ko pa lang ng airport eh bumungad na agad sakin ang nagtataasang mga building na gawa ni Andrew.  Talagang pinangatawanan niya ang pagventure sa construction ng mga hotel at casino. Mukhang hindi niya naman ininda ang pagkawala ko, napisip tuloy ako kung may kapatid na rin kaya si Darell sa kanila ni Chantal. Sarap bigwasan ang sarili ko sa mga iniisip ko eh.

Hinanap ko ang itim na SUV nila Kyle. Natagal pa akong makita ito dahil nasa medyo malayo ito nakapark. Napapraning na ata ako dahil pakiramdam ko lahat ng tingin ay sakin nakabaling. May mali ba sa suot ko? Nakakaagaw ba ako ng atensyon? Nagmadali agad akong makapasok sa sasakyan nang binuksan na ni Kyle ito para sa akin.

“Welcome Back Marga” nangingiting bati sakin ng Mama ni Kyle na nasa shotgun seat habang ang Papa niya naman ang nagmamaneho.

“Thank you po Tita Claire, pasensiya na po, pati kayo nadadamay pa sa mga nangyayari samin ng anak ko.” Paghingi ko ng paumanhin sa Mama ni Kyle.

“Ano ka ba iha, wala yun, kung mahalaga kayo kay Kyle eh mahalaga din kayo sa amin” giit niya sakin.

“Pa, sa Sofitel tayo, dun muna si Mama at Darell habang pupunta kami ni Marga sa wedding ni Faith. Ma, ikaw na po munang bahala kay Darell, huwag kayong lalabas ng kwarto” putol ni Kyle.

“Tandaan mo Marga, Face Everything and Rise, FEAR” pagpapaalala sakin ni Kyle.

Thank you talaga kay Kyle at mukhang napaghandaan niya ito, dahil kung ako lang eh malamang nasiraan na ako ng bait sa sitwasyon ko ngayon. Set aside the fact na wala pa akong ilang oras sa Pilipinas eh haharapin ko na ang mga taong tumalikod sa akin at tinalikuran ko sa wedding pa ng best friend ko. It’s a lot to take in.

Sa drive papuntang Sofitel eh kitang-kita ko ang laki ng pagbabago sa PIlipinas. Nakita ko rin ang mga pagbabago sa ugali ng tao, ito yung mga pangarap ni Dad noon na implement kapag Senator na siya. Masaya ako dahil napapatupad na niya ngayong paupo siya bilang Senate President. Hindi ko rin nakaligtaan ang mga billboard ni Ela sa kanyang sariling clothing line , talaga palang sikat na model slash designer slash stylist na siya, at hindi lang basta-basta, kilala sa ibang bansa dahil yung pangalan ng line niya eh nakikita ko rin kapag nagbabakasyon kami nun sa Monacco at Madrid, nakakaproud lang. At Syempre mas kinukurot ang puso ko kapag napapadaan kami sa mga naglalakihang Skyscraper na meh gold plate sa labas na ‘courtesy of or brought to you by Palafargan Industries’ ang laking tao na ni Andrew, kapag nabubunutan ka nga naman ng tinik eh ano.

Nang makarating kami sa Sofitel eh meh kwarto nang nakareserve para samin ni Darell. Dun na rin kami magbibihis ni Kyle para sa wedding ni Faith. Sa isang sikat na event hall ito gaganapin, mukhang may pera din itong husband to be niya, Peterson daw ang pangalan, laking abroad.

Nilapag ni Kyle si Darell sa kama at nagbigay na ng instructions sa Mama niya na bantayan muna ang anak ko. Nang umambang maliligo na siya eh hinawakan ko ang braso  niya “Kyle, huwag nalang kaya.” Pagdadadalawang isip ko.

Napakamot naman siya sa ulo niya. “Ano ba Marga, eto na ‘to o.”

“Baka kasi masira ang kasal ni Faith ng dahil sakin, sa ibang araw nalang” pagdadahilan ko, pero ang totoo’y kabadong kabado ako at halos isuka ko na lahat ng nakain ko sa flight.

“No Marga, this is what we came here for, pupunta tayo, pupunta ka, I already told Faith I’ll bring  a date, huwag mokong ipahiya doon.” Wala na akong nagawa at sumunod nalang keh Kyle. Afterall, I’m at his mercy, wala akong ibang katuwang sa gyerang susunguin kundi siya lang.

Tinuloy ko na ang paghahanda ko para sa kasal na pupuntahan ni Faith. Pagkatapos na raw ng ceremony kami papasok para di masyado ako maka agaw ng atensyon. Nagsuot ako ng isang mullet dress na medyo fit sa katawan ko, kulay peach ito na mas lalong nagpaputi sakin. Nagayos ako ng buhok ko at naglagay ng isang simpleng headband. Light make-up  para hindi masyado makatawag ng atensyon. Nagsuot naman ako ng kulay puti na pumps. Nang matapos ako nagayos eh humarap na ako kina Kyle.

“Witwit.” Napasipol si Kyle. “Ngayon ka lang ulit nagayos ng ganito Marga, ang ganda mo pa rin, hindi halata na may anak ka na”

“Dressed to kill” simpleng comment ng Mama ni Kyle na nakabantay pa rin sa natutulog na si Darell.

“Ready?” sabay lahad ni Kyle ng kamay sakin.

“It’s now or never. Let’s go” at tinaggap ko ang kamay niya.

“Uh oh! Move over, she’s definitely back” ani Kyle bago kami lumabas at nagtungo na sa kasal ni Faith.

Babalik na ako, at this time sisiguraduhin kong ako na naman ang mananakit. Ipapatanda ko lahat ng sakit na naramdaman ko noon, ibabalik ko, wala akong palalampasin na kahit na isang luha.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon