Marga’s POV
“Go” “present Ma’am”
“Gaudencio” “present Ma’am”
“Goson” “present Ma’am”
“Ignacio” “present Ma’am”
“Javier” *silence
“Javier” *silence
Nasaan na siya? Napa-mouth ng salita si Leena kay Faith.
Nagkibit balikat nalang ang isang kaibigan ko dahil hindi niya rin alam kung nasaan si Marga
“Nasaan ka na ba Marga, napasarap ata honeymoon mo, wala ka na sa 1st period pati ba naman sa second period ni Ma’am Ocampo” bulong ni Faith sa sarili.
“Javier, Margaret Celine” *silence
“Wala ba si Ms. Javier?” tanong ni Mrs. Ocampo.
“PRESENT MA’AM!?!” hapong hapong sagot ko. Hagard na hagard akong dumating sa classroom.
“So you finally decided to join us Ms. Javier, take a seat” naiinis na sagot ni Mrs. Ocampo.
“Sorry Ma’am, traffic sa Edsa”
Pagupo na pagupo ko ay agad naman akong siniko ni Faith.
“Hoi loka-lokang babae, saan ka galing? Ayaw ka ba sana papasukin ng asawa mo at late na late ka, napaka polluted pa ng suot mo, amoy usok ka, at kelan ka pa dumaan ng EDSA, taga Loyola Garden Heights ka kaya, diba likod ng school lang yun?” bulong niya
“Makati na ako galing ngayon. I’ll explain later Friend, nakatingin satin si Mrs. Ocampo”
At nagumpisa na ang 80 minutes class ni Mrs. Ocampo. Tinuro niya ang micro-financing at mga basics nito sa klase niya.
Nakinig naman ako ng husto kahit gutom na gutom na, dahil isa ito sa mga major subjects, kapag binagsak ko ito ay hindi na ako makakapag 2nd semester. Iniisip ko lang, dati-rati mag-aral at pumasa lang, ngayon kasama pa ang mga rules and regulations ni Andrew at kung panu ko pagkakasyahin ang 500 sa isang buong linggo. “Kainis talaga yung asungot na yun, gwapo ka lang, sama naman ng ugali mo”
“as you were saying Ms. Javier?” Natigilan naman ako ng bigla akong tawagin ni Mrs. Ocampo.
“I’m sorry Ma’am, I was just talking to myself, I agree with how you said that the British East Indies company started micro-financing centuries ago...” buti nalang andun pa siya sa topic na yun Shut up! Marga. Pagsermon ko sa sarili.
“Okay good,” tuloy ni Mrs. Ocampo
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
“Okay class dismissed”
Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko, gutom na gutom na ito. At paniguradong nag-aantay na si Yaya Paning sa gate para maghatid ng lunch.
Dali-dali akong pumunta sa gate kung saan siya madalas naroon. Pero nang makarating ako ay wala ni anino ng matanda, napagisipan ko mag-antay ng ilan pang minuto, pero 10 minutes na ang lumipas wala pa din siya.
“I HATE YOU ANDREW!?!” napasabunot ako sa buhok ko at asar na asar na sumigaw sa langit. Kahit pala ang rasyon kong ng tanghalian ay pinagbawal na nito.
“Who’s Andrew?” may pamilyar na boses ng lalaki salikod ko.
Si Kyle.
“uhm! Nobody, just my new driver, nakalimutan siguro nun dalhan ako ng lunch” gulat na sagot ko. Driver daw oh, more like my new husband.
“No worries, halika, join me sa cafeteria, dun na tayo maglunch, my treat” ngiting sabi ni Kyle sabay lahad sa kamay nito.
“She’d love to join you Kyle pero we had plans, so maybe next time” saktong dating naman ni Faith at paghila sakin.
Nagmouth nalang ako ng Sorry, next time habang hatak hatak ni Faith.
Tumango naman ang binata at nakangiting umalis.
“Anong nangyari Marga? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayong araw, iniwan mo pa ako sa classroom?” concerned na tanong ni Faith.
“Ano kasi eh, kasi ganito yun friend, ah, pwede bang ilibre mo muna ako ng lunch tapos dun na ako magpapaliwanag?” kinapalan ko na mukha ko, gutom na din ako at 300 nalang ang natitira kong pera.
Nang maupo na sila sa cafeteria ay kinuwento ko na ang mga conditions ni Andrew sa pagsasama namin sa bahay, pati na rin ang pagcocommute na ginawa ko para lang makapasok sa school to no avail late pa din.
“Tunay ka friend? Sinabi niya talaga yun? Eh ang sama naman pala talaga ng ugali ng asawa mong yan ano? Tama talaga yung sinasabi sa mga teleserye, minsan money can’t buy you breeding and class” bulyaw nito.
“Shhhh! Faithlyn may makarinig sayo. Hinaan mo nga yang boses mo...I know right, ano ba ‘tong pinasok ko. Ang hirap maging ganito forever friend, pero nobody has to know, kaya ko naman eh”
“Pero Marga, hindi ka sanay sa hirap, you were born with a silver spoon, 500 pesos? Panty mo nga lang ata yan eh, ano bang gustong patunayan niyang asawa mo ha. Sabihin mo nang mukhang pera ako, pero you have needs girl, saka yang 500 na yan eh kaya niyang kitain sa isang segundo. May sa demonyo na yata yang si Andrew eh” galit na bulyaw ni Faith.
“Anong magagawa ko? Remember Faith, sabi ko sa harap ng Diyos na I will be with him and accept him with all that he is and all that he’s not”
“Tao ka lang Marga, at yang asawa mo, tao ba yan? Bakit ka niya pahihirapan? Isauli ka nalang niya sa mga magulang mo, this is ridiculous” bwisit na sagot ni Faith.
“Faith, trust me okay, kilala moko, hindi ako marunong sumuko, ilalaban ko ‘to para sa parents ko. Nung magpakasal ako kay Andrew I knew this was gonna happen, that I would be miserable, kaya ko ‘to” I was winning this argument kasi medyo nawala na yung kunot sa noo ng kaibigan ko.
“Okay, pero friend kapag kailangan mo na ng resbak, sabihan moko at pagtulungan nating kalbuhin niyang gwapo mong asawa” dinemonstrate pa nito kung panu niya kakalbuhin.
Natawa nalang ako at saka kumain na. Nagoffer siya na pagbabaon niya na kaming dalawa ng tanghalian magmula bukas at susunduin na ako sa sakayan ng MRT araw-araw. Ayoko pa sana kung hindi lang siya nagpumilit at nagbantang sasabihin sa parents ko ang set-up namin ni Andrew.
Minalas man ako sa asawa eh biniyayaan naman ako ng sobrang bait na mga kaibigan. Pagkatapos naming mag-usap ay dumating na rin sina Leena at Nica na sobrang clueless sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...