Si Chantal nga ang kaharap ko ngayon. Dahil tumayo si Lyka para ipakilala siya sakin, best friend niya raw ito. Ramdam ko naman ang higpit ng pagkakahawak ni Andrew sa kamay ko.
“Hi Marga” bati niya sakin sabay abot ng kamay niya. Tumayo naman ako para tanggapin yun.
“Hi Chantal” damang-dama ko ang nakakapatay na katahimikan sa paligid. Napapatingin pa si Chantal sa engagement at wedding rings ko.
“Kain na, Chantal umupo ka sa bakanteng upuan sa tabi ni Peter” pagaaya ni Mico para basagin ag namuong awkwardness.
Nagpatuloy naman ang kainan at kuwentuhan. Pagkatapos ay nagswimming na ang ibang mga kaibigan ni Andrew, samantalang naiwan kaming 3 ni Chantal at Andrew sa mesa.
“Babe, hindi mo ginagalaw ang strawberry ice cream mo. Eat up para mailigpit na ng mga kasambahay” pagpapaalala ko kay Andrew.
“Hindi siya kumakain niyan Marga, I mean ng strawberries.” Paninita ni Chantal sa akin.
Kukunin ko na sana ang basong may strawberry ice cream nang hablutin ito ni Andrew sakin para at umpisahang kainin.
“A lot have changed really” sabi ni Chantal habang nakatingin kay Andrew.
Sobrang tahimik na ni Andrew mula nung dumating si Chantal. Nahahalata mo talaga ang epektong nagagawa nito sa asawa ko.
Napapaisip tuloy ako ng hindi maganda sa bawat pagsubo ni Andrew sa hindi niya raw kinakain na strawberry flavoured ice cream.
Buti nalang ay dumating si Peter para makipagkuwnetuhan at napagisipan na rin naming ni Andrew na bumalik na muna sa kwarto naming para makapag siesta.
Pero wala siyang ginawa kundi magbasa ng e-mail niya maghapon. At ako lang ata ang nakatulog sa sobrang bored ko.
Hindi ko maintindihan ang bumabalot na katahimikan keh Andrew ngayon. Para bang meh dark cloud na nakatakip sa kanya. Napapansin ko naman kung anong pilit niya na makipagtawanan sa mga kaibigan kahit sa presence ng ex niya na si Chantal.
Nang magdapit hapon ay nagtulungan ang lahat na maghanda ng hapunan, si Andrew at ang mga kaibigan niya ay nagiinuman habang nagsisiga para sa inihaw na lulutuin.
At kaming mga girls ay naiwan sa kusina habang nagtutuhog nga pambarbecue.
“Teka lang girls, kukuha lang ako ng foil,” at iniwan umalis na si Lyka. Kaming dalawa lang ni Chantal ang naiwan sa bahaging yun ng bahay.
Si Chantal, laging nagkukuwento ng mga experiences niya sa ibang bansa at at kaibahan ng kultura nila sa Pilipinas. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Andrew. Gayung makakasundo niya naman talaga ito.
Nakakahiya mang aminin pero mas malapit pa ito sa mga kaibigan ni Andrew at halata namang mas kilala niya si Andrew kesa sakin. Ultimo strawberry nga na lagi namang nasa ref namin sa bahay eh hindi pala kinakain ni Andrew.
“Marga, how did you and Andrew meet?” parang wala lang na tanong ni Chantal habang pinagtutulungan naming ang pagmarinate ng mga iihawin for dinner.
Napansin ata nito na nagtataka ako, “I hope you don’t mind, curious lang ako.”
“Family friends, our parents introduced us” pasimple kong sagot.
“I knew it, his parents had a hand in this, noon pa man ayaw na sakin ng parents ni Andrew. They never stopped at making me feel what a misfit I am for their son.” Naiiritang sabi niya.
“What are you trying to say?”
“Marga, ganu ka kasigurado na mahal ka nga ni Andrew? Na hindi lang siya pinipilit ng mga magulang niya na mahalin ka?”
Nagpipigil na akong masampal ang babaeng nasa harap ko ngayon. Antipatika pala ito eh. Oo alam ko na pinagkasundo lang kami ng mga magulang namin, pero ramdam ko, alam ko na mahal ako ng asawa ko, napatunayan na namin sa isa’t-isa yun.
“We wouldn’t be in this situation if we didn’t love each other Chantal. Look, I’m sorry if you and Andrew didn’t work out. Face it, Andrew is married to me, I’m the wife and you are just the woman in his past” nagpupuyos na ako sa galit. Ramdam ko na pulang pula na ang mukha ko sa inis.
Pak!
Nagulat nalang ako nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Nasampal niya ako.
“HOW DARE YOU! Kung hindi ka pumasok, ako pa rin ang mahal ni Andrew hanggang ngayon, kinuha mo ang lahat sa akin Marga, Andrew was all I had” umiiyak na sa galit si Chantal.
Ako naman ang hindi makapagsalita. Napahawak lang ako sa pisngi ko na nasampal niya.
Pero hindi pa tapos si Chantal, hinatak niya ang kaliwang kamay ko mula sa pisngi ko
“At ito Marga, itong diamond engagement ring mo, sakin dapat yan 3 years ago, sumalo ka lang ng dapat ay sakin, hindi ko tinanggap yan noon kaya ipapamigay niya nalang sa unang babaeng magkagusto sa kanya.” Namalayan ko nalang na umiiyak na rin ako.
Asan ka ba Andrew? Ilayo moko dito.
“Ngayon sagutin moko Marga, MAHAAAAL KA BA NIYAAA?!!!” humahagulgol na si Chantal sabay sigaw sakin.
“Hindi ko alam okay” napaupo na ako sa sahig at niyayakap ang sarili ko habang umiiyak.
“REBOUND, yun ang tawag sayo. Naniwala ka naman na mahal ka niya, pilit niya akong kinakalimutan, pinilit siya ng magulang niya na kalimutan ako, kaya siya nagpakasal sayo, ang mga tipo ni Andrew kaya mambilog, kaya nga sila successful magaling sila magpaikot ng tao”
“Stop it Chantal, please stop” nagmamaka awa kong sinasabi sa kanya.
“Rebound ka lang, hindi siya talagang sayo, alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng rebound, panakip butas, hindi talaga iyo, ginamit ka lang”
“What do you think are you doing Chantal?” ramdam ko na may mga brasong pumulupot sa akin sabay akay patayo, mga braso ni Andrew.
“sabihin mo sa kanya Andrew, kelangan niyang malaman ang totoo, para hindi na siya umasa na prinsesita pa din siya na nakapag asawa ng prince charming”
“Wala siyang kelangan malaman Chantal, tapos na tayo, hindi mo ba maintindihan yun? Do this to my wife one more time and all hell will break loose, ”
Inakay na ako ni Andrew papasok sa kwarto namin. Nakarinig din ako ng mga yabag ng paa, malamang nagdatingan na ang iba pang kaibigan ni Andrew.
“Are you okay Babe?” parehong hawak ni Andrew ang magkabilang pisngi ko. Inconsolable pa din ako sa paghagulgol. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko.
Naglalaro sa isip ko ang mga sinabi ni Chantal, Mahal nga ba talaga ako ni Andrew? May punto naman siya nang sinabi niyang rebound ako, ganun naman talaga kami sa umpisa, pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ang totoo.
Buong lakas kong binaklas ang mga kamay ni Andrew sa pisngi ko “I want to go home”.
“Okay, we’ll go home” sabay impake nito sa mga gamit namin.
This weekend getaway is turning to be of the masterpieces from hell.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...