Chapter 19: Marga's side of the world

1.1K 2 0
                                    

Marga’s POV

Weekend ngayon, Sabado, wala na naman si Andrew, nung isang linggo, golf meeting with breakfast daw sa Antipolo, ngayon sa Subic na naman daw, may ground breaking na naman daw siya para sa hotel na itatayo niya doon. At lahat ng yun alam ko dahil kay Manong guard, yung guard na nagbabantay sa gate namin, oh diba ang saya namin magasawa, mas updated pa si Manong guard samin dalawa tungkol sa whereabouts ng isa’t-isa.

Alam ko lang ata na umuuwi siya gabi-gabi dahil sa tuwing pag gising ko eh nadagdagan na ng mga damit niya yung laman ng hamper namin sa banyo, basa na yung twalya niya at amoy pabango niya na ang paligid, at nagbago na rin ang ayos in his side of the bed. Nakatupi na yung kumot niya at maayos na yung unan niya. Kahit hindi kami nagpapansinan eh inaayos ko pa din yung tutulugan niya. Kahit masama siya sakin eh nagfefeeling asawa pa rin ako at inaayos ang mga maliliit na bagay for him. Napapansin niya kaya yun? Aba ewan di naman yun nagpapasalamat tulad ng mga post-its ko sa tuwing iniiwan niya ang allowance ko, kahit 500 lang yun allowance ko na din yun. Hahaha.

Ang ganda ng gising ko. Halata na masyado. Panu kasi tumawag si Ela na dadalawin niya raw ako dito at magdadala siya nung popular Lasagna niya.

Haay salamat, pahinga muna ako sa overtoasted bread, kanin na tutong, sunog na itlog at hotdog, isama mo na rin yung isdang luto naman sa labas eh hilaw pa sa loob. Ako na ang magaling magluto. Paalala niyo nga pala sakin sa susunod na magbubukas ako ng internet na magreklamo sa google, mali ata yung tinuturo nila sa kung papanu lutuin yung mga binanggit ko eh.

Pagkatapos umuwi nung mga naglilinis ng bahay namin ay napagdesisyunan ko na rin magpalit sa swimsuit ko. Magsiswimming daw kami ni Ela pagdating niya. Subukan niya na rin daw bitbitin si Philip para mas masaya.

Nang marinig ko na ang doorbell eh sinuot ko na yung oversized t-shirt ko at fitflops sabay bitbit sa twalya at bumaba na.

“Siiiis” pambungad sakin ni Ela sabay yakap at beso-beso. Kahit kamakailan ko lang siya nakilala eh sobrang lapit na namin sa isa’t-isa. Siya lang kasi yung lage kong katelebabad at ka facebook.

“OMG! Lagpas 1 month na kitang di nakikita Sis, ang ganda mo pa din, kaso yang bathing suit mo pang 12 years old pa ata yan. One piece? With that body talagang mag ooonce piece ka lang?” May pagka Andrew din ‘tong kapatid niya. Makalait ng sinusuot ko wagas.

“Nahihiya kasi ako magsuot tulad niyang mga suot mo” sabay turo ko sa napaka gandang 2-piece na suot niya. Halatang mamahalin at ang stripe na design nito ay mas lalong nagpaganda sa hubog ng katawan ni Ela na tinakpan niya lang ng long sleeves polo na puti.

“Hay naku Sis, remind me to take you shopping before I go back to Paris” sabay akay niya sakin papunta sa poolside. Sumunod naman samin si Philip na kasama pala pero masyado lang busy sa PSP niya at yung mga maid na kasama nila para ayusin yung dala nilang mga pagkain.

Tuwang tuwa ako maghapon dahil sa may nakausap akong ibang tao dito sa bahay at take not dinalhan pa nila ako ng pagkain. Hehe.

Mag gagabi na kaya napagdesisyunan naming sa gazebo na tumambay at doon magpatuloy magusap.

Ang dami kong natutunan tungkol sa family nila, na kahit lumaki silang may pera ay tinuruan sila ng mga magulang nilang dumiskarte sa buhay. Kaya pala sa ibang bansa sila pinag-aaral. Sabi ni Ela kahit daw may pera sila eh sapat lang ang pinapadala ng magulang nila sa kanila, kaya meh extrang trabaho sila sa Paris. Waitress daw siya sa isang cafe 4-6 hours 3-4 na araw sa isang linggo. Si Philip naman daw encoder sa isang library doon. Para kung gusto daw nilang gumala ay may extra pa sila. Ganun din daw sila kay Andrew nung nag-aaral pa ito.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon