Marga’s POV
Lumapit naman na ako gazebo kung nasaan andun ang pamilya ko. Inabot ko kay Andrew ang pagkaing kinuha ko para sa kanya,
“Thanks Babe” at tumayo ito para paupoin ako at naupo sa siya sa arm ng silya habang kumakain.
“Eat up, natatalo ka na sa charades” panunukso ko sa kanya.
“Kaya nga eh, I didn’t have time to practice” natatawa nitong bulong sakin.
“Happy ka ba Babe?” bulong niya sa akin sabay halik sa ulo ko.
“Super! Thank you” at hinalikan ko siya sa lips.
“Before anything else,” pagputol ni Ela sa lahat ng tao
“Congratulations Sis, kasi graduate ka na at natame mo na ang dragon...Yes KUya ikaw yun” panunuya ni Ela.
Tumaas naman ang mga kamay ni Andrew in surrender. Ang cute lang nila magkapatid. Tawang-tawa naman kaming lahat.
“Dahil in high spirits naman tayong lahat” pagtuloy nito. “KAntahan na” at binuksan na niya yung tv sa Gazebo, mag vivideoke kami. Akalain mo sila na ang isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bansa pero ginagawa din pala nila ang mga ganitong bagay.
“Sinong gusto mauna?” sabay taas ni ELa ng microphone.
“I have an idea, Andrew. Andrew. Andrew” biglang suggestion ni Daddy Lino. Nabigla naman ako, si Andrew talaga kumakanta.
Andrew Andrew Andrew
In unison na kaming lahat. Una tumatanggi pa ito pero nadala na rin sa emotions namin kaya kinuha na ang mic.
“Yung dati ba Kuya?” tanong ni Philip.
“I know” biglang idea ni ELa sabay pindot ng combo sa remote.
Natatawa naman ako kasi bago pinlay ni Ela eh nanghingi pa si Andrew ng tubig.
“Walang sisihan ha” pabirong sabi ni Andrew sa microphone.
<yung kanta ni Andrew sa right side, WITHOUT YOU by David Guetta>
Tawang tawa kaming lahat. Isa sa mga nadidiscover ko kay Andrew lately ay ang pagiging kengkoy niya.
At nagumpisa na yung kanta.
I can't win, I can't reign
I will never win this game
Without you, without you
Humahagalpak na ako sa kakatawa. Bago ‘to ah, si Andrew kumakanta, in fairness may boses with feelings pa. Tinuturo pa ako mid-song.
I am lost, I am vain,
I will never be the same
Without you, without you
I won't run, I won't fly
I will never make it by
Without you, without you
I can't rest, I can't fight
All I need is you and I,
Without you, without you
May pasayaw sayaw pa itong nalalaman. Kinuha niya ang kamay ni Mommy Carrey at pinaikot ikot ito.
Can't erase, so I'll take blame
But I can't accept that we're estranged
Without you, without you
I can't quit now, this can't be right
I can't take one more sleepless night
Without you, without you
Ibang klase, ibang level lang ‘tong energy niya ngayon. Ang saya lang. Hindi seryoso, hindi nakakatakot. Eto yung Andrew na hands down mamahalin ng kahit na sinong babae, I’m lucky to have him.
I won't soar, I won't climb
If you're not here, I'm paralyzed
Without you, without you
I can't look, I'm so blind
I lost my heart, I lost my mind
Without you, without you
Pagkatapos ng kanta ay nagtayuan naman kaming lahat at nagpalakpakan. Standing ovation. Tawang-tawa kaming lahat kasi may pa bow bow pa itong nalalaman. Sumisipol pa si Philip at Peter.
“Encore, isa pa” sabi ng Daddy ko habang pumapalakpak.
“Tama na, baka pagsawaan niyo agad” natatawang sabi ni Andrew at lumapit na sa akin sabay baon ng mukha niya sa balikat ko. Nahihiya pa siya sa lagay na yun ah.
Pinunasan ko naman na yung pawis niya at uminom na siya ng tubig.
Sumunod na si Philip kumunta hanggang sa nagsunod sunod na kaming lahat.
Magaalas-dos na ng madaling araw ng matapos kaming lahat. Isa-isa naman naming hinatid sa mga sasakyan nila ang mga bisita naming.
Huli kong hinatid ang mga magulang ko. Nauna na si Andrew sa loob ng bahay kasi may skype meeting pa siya sa staff niya sa Switzerland.
“Thanks po for everything Mommy and Daddy” sabi ko sabay yakap sa kanila. Alam kong sa umpisa ay pare-pareho naming inakala na mali ang pag-aasawa ko, pero it turned out okay. I’m at my happiest.
“Pinapakitunguhan ka ba niya ng maayos anak?” may pagaalalang tono ni Daddy.
“MAbait po si Andrew sakin Dad, eto nap o ata ang isa sa mga tamang desisyon na ginawa niyo para sa aking, ang maging asawa ko siya. I love him Dad, and I know he feels the same way” at niyakap ko si Daddy ng mahigpit, reassuring him that I meant what I said.
Pagkatapos ay sumakay na sila sa sasakyan kasama si Yaya Paning.
Tinulungan ko magligpit si Rina ng kalat namin at umakyat na rin ako sa kwarto namin ni Andrew.
Inabutan ko naman siya na kakapatay lang ng laptop niya. Nakaligo na ito at nakapantulog.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
Pinulupot ko naman yung mga braso ko sa leeg niya at ang kanya sa bewang ko.
“Alam mo ba kung sino yung pinaka malas na tao sa buong mundo?” pagtatanong ko.
“Sino?” at may pahalik halik pa ‘to sa akin.
“Ako kung wala ka” sabi ko sabay sagot sa mga halik niya.
Hindi ako kumawala sa pagkakayakap niya at ganun din siya, mas humigpit pa nga ang hawak niya sakin. At ang mga swabe niyang halik ay nagiging mas mapangahas na ngayon. NAgtuloy ito hanggang sa marahan niya na akong hiniga sa kama.
Bigla siyang tumigil. HApong hapo na kami pareho. “Babe, you know I love you right?” paniniguro niyang sabi sakin.
“Yes I don’t only know but feel and breathe it every waking day we are together” tinuloy ko yung mga halik niya sakin.
Sinuko ko ang buong pagkatao ko ng gabing iyon kay Andrew. Ramdam ko ang tindi ng pagmamahalan namin sa bawat haplos at halik.
Wala akong pagsisisihan, si Andrew lang ang pwedeng magmay-ari sa akin ng ganito. Ang buhay ko, ang Andrew ko.
<Saka na tayo magdetail ng love scene, mahaba pa 'tong kuwento. Hehe!?!>
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...