Marga’s POV
Parang kailan lang eh akala ko magiging impyerno ang buhay ko kay Andrew, biruin mong kasalungat pala at 10 months mahigit na kaming mag-asawa. Hindi naman pala masyadong maselan ito si Andrew. Ang babaw nga ng kaligayahan niya kung tutuosin, mas mababaw pa sakin. Kahit palpak na hilaw o sunog yung luto ko kakainin niya pa rin. Nagtiyatyiaga siyang antayin ako sa parking lot kapag ginagabi ako ng uwi para na rin sa requirements ko before graduation. Sinisiguro niya naman na nakakasama namin ang mga magulang ko at niya ng mas madalas.
At ngayong graduation day ko, siniguro niyang isa ito sa mga pinaka Masaya at memorable na araw sa buhay ko, sa buhay namin.
Andito ngayon ang mga magulang namin, si Yaya Paning at pati na rin ang kambal ay pinauwi niya mula Europe to celebrate with us.
Hindi na rin sikreto sa mga kaibigan ko ang aking pag-aasawa. Panu ba naman kasi nung graduation retreat eh nag truth or dare kami sa room, ayan tuloy napa amin ako kina Nica at Leena. Tulad ng dati, supportive pa din naman si Faith, ang walang kupas kong bestfriend.
Margaret Celine Javier-Palafargan, cum laude, recipient of the swords of St. Ignatius award
Tinawag na ang pangalan ko. Tumayo na ako para umakyat sa stage. Kinamayan na ako ng dean of college at ng iba pang mahahalagang tao na kabilang sa stage party.
Nang tumayo na ako sa podium para ikabit ng mga magulang ko ang awards ko eh rinig ko naman ang hiyawan ng crowd.
Shet na malagket. Kinikilig ako, Si Andrew ang tumayo para magsabit ng medals ko at pati na rin mag-abot sa akin ng award ko galing sa dean na halatang gulat din.
Dinig ko naman ang bulong-bulungan ng ibang students nasa harapan banda ng stage
*Siya pala yung asawa na tinutukoy ni Mr. Andrew noon
*Si Margaret, kaya pala Palafargan na ang last name niya sa attendance
*Ang swerte niya naman
“Congratulations babe you did it” bulong ni Andrew sakin sabay halik sa temple ko, Agad naman kaming ngumiti para sa picture taking at inalalayan niya na ako pababa ng stage.
Sinalubong naman kami ng ibang faculty at kinamayan na ako at si Andrew. Nangingiti naman ako hindi lang sa thought na graduate ako kundi dahil open secret na ang pagiging Mrs. Palafargan ko. Kilig!
Nagpatuloy pa din ang bulungan hanggang sa nakaupo na ako
*Bagay naman, talino kaya niyan ni Marga, maganda pa
*swerte ni Ate nakabingwit ng Prince Charming
Hindi ko nalang sila ininda pa dahil nasanay na rin ako, alam ko na ang pagiging Misis ko ay ganito ang kaakibat na consequence kapag ang isang tulad ni Andrew ang Mister.
Pagkatapos ng ceremony ay nagpicture taking na rin kami lahat. Nahahalata ko nga na yung camera ng ibang guests at graduates samin na nakatutok. Power family ata kami akala nila. Hehe.
Pagkatapos ko makipagpicturean sa family ko at kay Andrew ay sa mga kaibigan ko na naman. NAgiiyakan kami kasi super totoo na ‘to graduate na kami.
“Friends sabihan niyo ako saan kayo mag-aaply ha, susundan ko kayo” naluluhang sabi ni Nica sabay yakap samin nina Leena at Faith.
“Madrama ‘to, daig mo pa si Marga,” sabi ni Faith sabay pahid din ng sarili niyang luha.
“So ano bang itinerary niyo pagkatapos?” tanong ko sakanila.
“Magbakasyon naman na muna tayo bago tayo sumabak sa job hunting” suggestion ni Nica.
“Ay gusto ko yan, tuloy natin. Planuhin natin ha” si Leena.
Natigilan naman kami ng dumaan si Kyle kasama ang family niya, nakalimutan kong graduate na din pala siya. Dirediretso lang ito at pasimpleng tumango sa direksyon namin. Hindi pa din pala kami okay. Nakakguilty pa din, pero alam kong sa tama lang yung ginawa ko.
Pagkatapos ng picturean ay dumiretso na kami sa bahay naming ni Andrew. May party kasi siyang pinahanda para sa akin, pero ang bisita eh kami kami lang din na pamilya. Mas gusto ko ‘tong ganito, mas intimate, mas Masaya.
Kumukuha ako ng pagkain sa buffet nang lapitan ako ni Mommy Carrey. Niyakap niya ako saka binalot ang isang kamay niya sa bewang ko sabay tingin sa kinaroroonan ng iba pa naming kasama.
“Thank you Marga” masayang sabi ni Mommy Carrey.
“Ha? Ano po? Bakit po? Dapat nga ako magthank you sa inyo po, dahil andito kayo”
“No Marga, thank you. For making Andrew laugh again.” Niyakap na niya ako ulit.
Sinilip ko naman si Andrew, kasama niya ang mga kapatid niya. Andun din si Peter at sina Daddy. Naglalaro sila ng charades. Ang saya-saya niya tingnan.
Wala na akong mahihiling pa. I have everything right here.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...