Tanghali na ng magising ako. Nakapasok na raw si Daddy at si Mommy naman ay pinuntahan daw yung catering na maghahanda ng dinner namin mamaya sabi ni Yaya.
Ang busy sa loob ng bahay, gumagana ang vacuum cleaner namin at lahat ng mga katulong namin ay busy sa kaka linis at arrange, samantalang may mga tao namang naghahanda ng garden namin para sa dinner mamayang gabi.
Bigatin siguro talaga ang dinner na ito dahil sa sobrang abala ng mga tao.
"Marga anak, gising ka na pala, maligo ka na at maglunch, ihahatid ka na namin pagkatapos" biglang putol ni Yaya Paning sa pag-iisip ko.
Ginawa ko na din ang pinagawa niya sa akin at pumasok na, wala masyadong traffic kaya 20 minutes lang eh narating na namin ang school ko. Nagbilin ako kay Yaya na sunduin ako before 5pm at bumaba na ng kotse.
Pagpasok ko sa building ng college namin ay agad kong hinanap si Faith sa tambayan namin, agad ko naman siyang nakita sa isa sa mga umbrella tables na kasama ang iba naming friends na sila Nica at Leena. "O anjan na pala si Marga," pamukaw ni Faith.
Agad naman akong nakipagbeso sa mga friendships ko. "Hi guys, anong meron?" bati ko sa kanila. "Friend, they cancelled our afternoon classes, may meet daw yung basketball varsity natin sa gym with their archrival. Friendly games lang daw" explain ni Leena.
"Makikita mo na naman si Papa Kyle mo Marga, ewan ko ba kung bakit hindi mo pa sinasagot yun, may looks na pamatay, mabait, matalino kasali ata yun sa Dean's list lage syempre second lang sayo pero matalino pa din yun, captain ng basketball varsity, mukhang may pera pa" Panunukso ni Leena. "Type mo, o sayo nalang" painis kong sinabi sa kanya.
"Ang arte mo neng, haba ng hair mo, ikaw na nga tong nililigawan ng jock next door ng campus ikaw pa 'tong aayaw ayaw, babae ka ba talaga?' putol ni Nica.
Natawa naman ako sa kanila "Opo, babae po ako, babaeng babae" sabay ayos ng buhok ko na parang commercial ng shampoo "eh kasi po wala pa sa isip ko yang boyfriend boyfriend, kahit 21 na ako mas maganda pa rin yung may diploma muna akong iaabot kay Mommy at Daddy, oo inaamin ko gusto ko si Kyle pero hanggang dun nalang muna yun..." pagmamaktol kong sermon sa mga kaibigan ko. Wala na ni isa pa sa kanila na sumagot sakin, lahat sila nakatingin nalang sa likod ko na gulat na gulat. Nilingon ko nalang din kung ano yung tinitingnan nila sa likod ko.
Gulat na gulat din ako nang makita kong andun na si Kyle, laki ng ngiti niya. Naka basketball jersey na siya at yung duffel bag niya eh naka hang sa balikat niya.
"Ka.ka.kanina ka pa ba diyan, narinig moko?" Tanong ko sa kanya nga nauutal pa.
"Medyo, enough para madinig na gusto mo pala ako, naks! pa hard to get ka pa sakin, 3 years kitang nililigawan, may dahilan ka pala, kala ko naman ayaw mo talaga sakin, pero sige, nag antay na rin naman ako ng ganito ka tagal, magaantay pa ako ng isa pang year, para sa diploma mo na yan hanggang sa handa ka na. See you in the gym, para sayo lahat ng points ko Marga." may ngiti ngiti at panunukso pa na sabi ni Kyle.
"Uh okay!" wala na akong ibang nasabi.
Lumapit naman siya sa akin sabay bulong "mapapaganda laro ko ngayon, inspired ako eh. I love you Marga, since the day we met in P.E. class 3 years ago" pagktapos niyang sabihin yun eh umappear na siya sa 3 kong kaibigan at umalis.
Wala na, ako na si Rapunzel sa haba ng hair ko. Kinikilig talaga ako, pero dahil dalagang Pilipina ako, relax and keep calm...*snorts hindi bagay sakin pagkatapos ng revelation ko na yun.
"Walanghiya ka friend, blooming ang lovelife mo, shet! si Kyle Santa Maria yun." naeexcite na sabi ni Faith.
"Kainis kayo," sabay palo ko sa mga balikat ng 3 kong kasama "hindi niyo sinabi sakin na andun na pala sa likod ko si Kyle, napaamin tuloy ako ng wala sa oras, eiii!?! Patay na, wala akong mukhang maihaharap sa kanya."
"Ano ka ba friend, 21 ka na, okay lang yan. Saka MU pa lang naman yun, di pa official na kayo, sa kanya na rin galing na aantayin niya yang diploma mo para masagot mo siya. Shet ka friend, ikaw na. ikaw na talaga. Nasayo na ang lahat... (ala Daniel Padilla song)" sabi ni Faith.
"So kilig naman friend, pero mas kilig if we watch his game now noh, baka sa pinaka likod na tayo mauupo, mukhang langgam nalang yan si Papa Kyle mo sa malayo sayang di natin makita ang mga 3 points niya for you" sabay hatak ni Nica samin nila Faith at Leena.
Pagdating namin ng gym ay naupo na kami sa bleachers, 5 rows behind their bunk kami nakaupo. kitang kita kami ng team nina Kyle magmula doon. Nang makita niya kami eh may flying kiss pa siyang nalalaman sakin, sabay tukos naman ng team niya samin dalawa, at of course hindi papa zero ang friends ko na kinurot kurot pa ang mga pisngi ko para daw mas lalo akong magblush.
Katulad ng inaasahan, highest pointer na naman si Kyle at panalo ang kupunan nila. Ganun na ata yung team ng university namin kahit pa noon, mahirap talunin dahilsa sobrang solid ng mga play.
nagtagal ng mahigit 40 minutes ang game, pagktapos nito ay lumabas na kami ng gym nila Faith, Nica at Leena. Agad naman akong nagpaalam na dahil andiyan na ang sundo ko at naalala kong may dinner pa kami sa bahay.
Ang saya ng araw ko, maswerte ako sa mga kaibigan ko at inspired pa ako dahil kay Kyle.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomansaMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...