Chapter 46: The best kind of friend.

991 7 0
                                    

Isang linggo na nang napagdesisyunan kong talikuran ang lahat-lahat ng tungkol samin ni Andrew. Galit ako sa kanya dahil pinaglaruan niya lang ako, galit ako sa mga magulang ko dahil sinaktan nila ako ng sobra para ipakasal ako sa lalaking minsan naging dahilan ng pag gising ko araw-araw at ngayon ay pinakamumuhian ko. Hindi rin ako makalapit sa mga kaibigan ko dahil alam kong ipagkakalulon din nila ako sa pamilya ko. So I decided to just turn my back and walk away.

All my life wala akong ibang inisip kundi silang lahat, pero sinaktan nila ako. Kung mapapatawad ko man sila ay hindi iyon ngayon.

Sa buhay siguro ng tao, darating ka talaga sa isang kasunduan sa sarili mo na you have to do what’s best for you and your life, not what’s best for everybody else...at ito yun. Ang lumayo.

“Pwede na ba kitang makausap? Tapos ka na bang umiyak? Isang linggo ka nang naka glue diyan sa kama eh, lighten up Marga.” Si Kyle. Ang aking knight in shining armor, malamang hindi man siya ang itnikadang prince charming para sa akin, pero siya naman ang nagligtas sakin sa lahat ng sakit, inilayo niya ako sa kahibangan, inilayo niya ako sa sakit, dinala niya ako sa isang lugar kung saan hindi ako si Marga na anak ng Senator, si Marga na asawa ni Andrew Palafargan, dito wala akong identity, I’m just a face in the crowd.

Naupo ako sa kama at niyakap ang mga binti ko habang nakaharap sa kanya. “Thank you Kyle, for giving me the time to get my act together, ang sakit lang talaga”

“You know I’d do anything for you Marga, alam mo namang walang ibang laman ‘to magmula pa nung College tayo, ikaw lang” sabay turo niya sa dibdib niya kung nasaan ang puso.

“Kyle, alam mo namang hindi ko na yan masusuklian, meron nang nagmamay-ari sakin” hindi ko alam kung bakit sa gitna ng lahat ng galit at sakit eh nagagawa ko pa din aminin sa sarili ko na pag-aari na ako ni Andrew. Literally, oo nga pala, ipangkasundo na ako sa kanya. Hence, I am a property of the Palafargans.

“Tsss” simple niyang utal habang naupo sa dulo ng kama ko at tumingin sakin ng diretos.

“Bakit nga pala andito tayo sa Gibraltar?” tanong ko.

(Trivia: ang Gibraltar ay isang bansa north of morocco at nasa paanan ito ng Spain. Kahit sakop ito ng pulo ng Spain eh pag-aari ito ng United Kingdom at pinamumunuan ng British Crown.)

 “May offer ako na trabaho dito, nag-apply lang ako sa internet isang araw at boom nagulat nalang ako pinadalhan na ako ng requirements to comply para sa employment ko dito” sagot niya habang tumatayo para buksan ang drapes para makapasok ang sinag ng araw.

Agad ko namang tinaas ang mga kamay ko at tinakpan ang mga mata ko dahil nasisilaw ako. Ngayon lang nagsisink in sakin na ang tagal ko na palang hindi naaarawan. Pero wala akong pakialam, masyado na akong manhid para makaramdam pa ng kahit na ano ngayon.

“Sorry...” sambit ni Kyle bago bumalik sa pagkakaupo sa dulo ng kama. “Eh ikaw Marga? Bakit ka andito? Bakit ka sumama sakin? Anong nangyari sayo sa Macau?”

Iniisip ko pa lang ang mga sasabihin ko sa kanya eh sunod-sunod nang bumalik ang waterfalls ng luha ko. Sa dami nito ay hindi na siguro mamomorblema ang Maynilad na punuin ang La Mesa daw.  Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa aking mga binti.

“It’s okay if ayaw mo pa ding magkuwento” tatayo n asana si Kyle pero pinigilan ko siya sa paghawak sa braso niya.

“No, stay!” at kinuwento ko na sa kanya ang buong pangyayari. Wala akong tinago sa kanya, magmula sa pinagkasunduan ng mga magulang namin, ang mga hirap na dinanas ko, how I fell inlove, how the real girl in his life returned, how I thought we both fought for the pseudo-love we had hanggang sa eksena sa Macau.

Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Kyle eh alam kong napakabuti niyang kaibigan, kaya maaasahan ko siyang itago lahat ng sikreto ko at dinanas ko sa piling ni Andrew.

Nang matapos akong magkuwento ay inconsolable na ang ako sa kakaiyak. Para bang kapag kinuwento ko ng paulit-ulit ay mas lalo pang pinipino ang puso ko na gutay-gutay na.

Niyakap nalang ako ni Kyle habang humihikbi ako sa sakit at kawalan. Alam kong ramdam din niya ang pagiging helpless ko sa mga panahong ito.

Sana talaga si Kyle nalang, mas madali yun.

“You are free to stay with me until you are strong enough to go back Marga, ako, hindi kita iiwan, I will always be here. I can’t promise to solve all your problems but I can promise you won’t have to face them alone.” at hinalikan niya ang noo ko.

Ayokong paasahin siya kasi alam kong hindi na ulit ako magmamahal ng katulad nang binigay k okay Andrew, friendship, yun nalang ang meron kami ni Kyle ngayon.

“Minalas man ako sa pagpili ng mamahalin, at least I get to keep you, you are not just my best friend, you are the best kind of friend” nasabi ko in between tears.

“I know” sabay hagod niya sa likod ko.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon