Marga's POV
Pinaulanan ako ng tanong ng mga Palafargan. Sa sobrang daming emotions na sabay-sabay ko naramdaman eh hindi ko na alam kung tama pa ba yung nasasagot ko.
Normal Delivery ka ba?
Ilang pounds?
Anong blood type niya?
Suplado rin ba siya like Kuya?
Kelan birthday niya?
Gusto ko lang ngayon tanggapin nilang lahat ang anak ko na walang pagdadalawang-isip, kasi he is definitely a Palafargan, ang Daddy niya lang, si Andrew, ang kaisa-isang lalaking minahal ko at pinagbigyan ko ng buong pagkatao ko.
Hindi na binitawan ni Andrew si Darell. Ramdam ko naman na gustong-gusto ng anak ko ang atensyon na nakukuha niya mula sa Daddy niya na ngayon lang niya nakilala.
Sa inakto nilang pagsalubong kay Darell eh mukha naman talagang tanggap nila ito at alam nilang kadugo nila siya. Pagkatapos nito ay wala pa akong sagot sa tanong ni Kyle, where do I go from here?
“Marga, thank you” naramdaman ko naman si Mommy Carrey na lumapit sa akin at pinulupot ang isang kamay niya sa bewang ko.
Aktong inakbayan ko siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. “No Mommy, it’s me who’s supposed to thank you guys, na tinanggap niyo pa rin po ako, at kinilala niyo si Darell, saka Sorry din po ha, sa mga ginawa ko in the past”
“Ay naku Marga, kalimutan na natin yun, what’s important is that you’re here, you’ve finally decided to give all these another shot”
“Mommy Carrey, hindi ko pa po alam yung tungkol samin ni Andrew, pero with Darell, maybe we can really be parents for him, dun pwede kaming partners.”
“Sana you also give Andrew another shot anak. He went to hell and back para hanapin ka, saka kung nagkamali man siya, baka pwede namang for Darell’s sake eh ayusin niyo.” Natahimik kami sandal. “He still loves you, am not saying this because I’m his mother, I’m saying this because I was witness to all that he went through nung nawala ka” pagkatapos niya sinabi yun eh hinalikan niyo ako sa ulo.
Gusto kong sabihin na pagkatapos ng lahat ng masasakit na nangyari, mahal ko pa rin si Andrew sa mga panahong yun. Mahal na mahal. Pero sa sobrang daming nangyari eh hindi ako sigurado kung sapat pa ba yun pagmamahal. Sa mga taong nawala ako sa tabi nila at nagmature, alam ko, galit pa rin ako at hindi sapat na mahal ko lang siya.
Kinalas na ni Mommy Carrey ang sarili niya sakin pagkatapos ng usapang iyon at tinawag ang lahat para magpahinga.
“Let’s all call it a night, bukas ulit, let’s go to our rooms na, Kyle you can stay with Phillip and Andrew”
“No Tita, I need to drive back na rin sa Manila, may appointment pa ako dun. But thank you for the offer” sagot ni Kyle.
Pagkatapos kong ihatid si Kyle sa sasakyan niya ay umakyat na ako sa kwarto na tutulugan ko. Malamang eh naihatid na ni Andrew si Darell dahil nakatulog na ito sa bisig niya kanina. Habang binubuksan ko ang pinto ay Napangiti ako habang iniisip na napaka antukin ni Darell lately.
“Ang ganda siguro ng usapan niyo bago mo siya hinatid ano? Sarap ba ng goodbye kiss?” nagulantang ako sa mga sinabing yun ni Andrew. Nakahiga na siya sa gilid ni Darell habang hinihimas ang ulo nito.
“Ano bang pinagsasabi mo. Saka bakit andito ka?” padabog kong sagot habang tinatanggal ang sneakers ko.
“Baka nakakalimutan mo, kwarto ko ‘to” supladong sagot niya.
“And so? Dito kami ni Darell ngayon matutulog kaya tsupe, labas” parang nasa high school lang kami na kinulong ng mga kaibigan sa kwarto na pinagtutulakan ang isa’t-isa palayo. Pero dahil si Andrew ito, ay prenteng nakahiga pa rin siya sa tabi ni Darell.
“Ayoko nga! Mamaya niyan tumakas ka ulit, eh di dalawa na kayong hahanapin ko na naman” aniya.
“Bahala ka na nga!” sagot ko na padabog pang inayos ang unan sa kabilang side ni Darell. Gusto ko mang yakapin si Darell eh tinalikuran ko nalang dahil ayokong magpang abot ang mga tingin namin ng ama niyang wala talagang balak lumabas ng kwarto. Ayoko rin iencourage baka mamihasa.
“Marga” tawag niya sakin. Hindi ko sinagot.
“Marga, Marga”
“Marga” sabay tapik sa balikat ko.
“ANO!!!” iritadong sagot ko sabay bangon sa kama. Ang touch niya, ganun pa rin ang epekto sakin, para pa din akong kinukuryente.
“Ah...Kasi umurong ka, malalaglag na ako dito oh, kapag umurong naman ako maiipit na si Darell”
“Tsss, ewan ko sayo, ayan o” sabay tayo ko sa kama. “Diyan na kayong dalawa, dito na ako sa sofa” padabog kong nilatag yung kumot at unan ko sa sofa, kahit hindi ako kasya basta malayo lang ako sa nakakainis na taong ito.
“HAHAHAHAHA!!! Para kang bata” at may gana pa talaga siyang pagtawanan ako.
“Kung ako parang bata, eh ikaw ano?” pagtataray ko sa kanya. Ramdam ko na sobrang pula ko na at sobrang salubong na ng kilay ko.
“Shhh!” sabay lagay niya ng index finger niya sa bibig niya para tumahimik ako. “Tulog na si Darell, tumahimik ka nga”
Padabog akong humiga. Nakakainis ka talaga Andrew, ikaw tong nanggugulo sa pananahimik ko kanina tapos ngayon ikaw pa ‘tong pinapatahimik ako. Leche lang.
“Marga” ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!?! Ano na naman kayang gusto nito.
“ANO?!?” napasigaw na talaga ako.
Paglingon ko eh kitang-kita ko na talaga ang malaking ngiti niya, “Good Night Babe”
BABE!!!
Shit!
At natigilan ako...
Kinikilig ako.
What? Ako kinikilig?
Diba dapat galit ako?
Oo galit ako.
Compose yourself Marga...pasimple akong humiga na ulit at pilit tinago ang namumuong ngiti ko.
Psssh! Bakit ba natutunaw pa rin ako kay Andrew, sobrang tagal na nun.
Nakatulog nalang ako eh hindi ko pa rin naresolve ang issue ko na yun sa loob ko.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...