Marga’s POV
"No no no no no," sabi ko habang gulat na gulat pagkatapos kong makita ang lalaki sa harap ko.
"Magkakilala na pala kayo? Andrew, Margaret?" dinig kong sabi ni Tito Lino.
This can't be. Eto yung rude na lalaking nagdala sa akin sa hospital last week. Binagbintangan pa akong magpapakamatay, di ba pwedeng may pinagdadaanan muna. Shet!
"Andrew anak, this is Margaret, she's the girl we've been wanting you to meet, your fiance" dugtong ni Tita Carrey. Tutok na tutok pa din siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha? The last time I checked wala naman ah.
"Uyyy. Ayiee..Speechless si Kuya, picture picture, minsan lang matameme si Kuya" tawang tawa na sabi ni Ella.
"Hahahaha. oo nga, woi kuya kurap naman diyan” sabi ni Phil.
Natauhan lang siya ng magflash na yung camera ng iphone ni Ella.
"ah ano ba.." bumalik na rin siya sa ulirat niya. "Hi, I'm Andrew, you must be Margaret?" sabay offer ko sa kamay ko for a handshake.
"Ah e e e, Marrrrga nalang." Tanggap ko sa handshake niya.
Nakatitig lang ako sa gwapong mukha niya, hindi ko namalayan na matagal na palang magkahawak yung kamay namin.
"Ah Kuya yung kamay ni Marga, pakibitawan na" pagbabalik ni Ella sa senses namin sa loob ng restaurant.
Shet! Pareho kaming nagsaspace out. Ano ba ‘to? Eto na ba yung love at first sight? Echos! Hindi ah!
"ay oo pala, have a seat..." offer niya sa akin.
“So, we all know why we’re here, since both parties agreed for this union, let’s talk about the details” pambungad ni Tita Carrey.
“Me. Me. Me.” umpisa ni Ela “How about a wedding in Tagaytay, dun sa family house natin overlooking the taal lake? Ang ganda ng sunset dun sa cliff, It will be solemn and intimate, just family and close friends, flowers everywhere, we can have them planted for the occassion sa landscaping department ng company, all the girls will be in off white flowy dresses tapos the men will wear same off white chinos, tapos si Marga, she will be in a dazzling white dress na kapag humangin, breathtaking...what do you think?” natahimik ang lahat mukhang iniimagine ang eksenang binubuo ni Ela.
“Well of course, that’s still for the disposal of the bride and groom? What do you think guys?” Napatingin naman siya samin ni Andrew.
“That would do. Ikaw na bahala Ela, I’m the type of guy who just likes to show up on his wedding day, basta pagmukhain mokong tao at hindi fairy tale moron ha” paninigurado ng binatang katabi ko.
“Kahit basahan suot mo gwapo ka pa rin naman....” OMG! Bakit ko sinabi yun. Ganito na ba talaga ka distorted ‘tong utak ko at nakakapagblurt out na ako ng mga iniisip ko. Napatingin naman sakin si Andrew.
“So you think gwapo ako? Really?” panunukso niya sakin.
Nagtawanan naman ang mga magulang namin at ang kambal, mukhang gustong gusto nila ‘tong eksena namin ni Andrew na ganito.
“Well, since si Ela naman ang madaming ideas, she will be the master in-charge of the preparations, tulungan mo nalang siya Marga.” Dugtong ni Tita Carrey.
“Kelan naman natin gaganapin yung wedding?” tanong ni Daddy.
“Kung kelan free ang schedules natin, how about 2 Saturdays from now?” sagot ni Andrew.
“That soon?” gulat na tanong ni Mommy.
“Stella, wala na rin naman tayong inaantay pa, bakit pa natin papahabain.” Dugtong ni Tito Lino.
Nagtuloy tuloy ang dinner na pinagusapan ang details ng magiging kasal namin ni Andrew. Nagbabatuhan ng mga ideas at mukhang ala-gypsy princess ang motif ng wedding na ito sa ideas na rin ni Ela.
At si Andrew, minsan nakikinig pero mas madalas nakaharap sa BB niya na may negosyo atang pinagkakaabalahan.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...