Marga's POV
Friday afternoon nang dumating kami dito sa family house nila Andrew sa Tagaytay. Kasama naming dumating si Faith sa pangungulit ko na rin sa mga magulang ko na isabay siya sa akin. Umikot muna kami dahil bighaning bighani kami sa laki ng property na ito nila Andrew. Mayroong makakapal na grupo ng puno pagpasok mo sa gate ng bahay at may brick road leading you to the main house, ang ganda din ng bahay na ito, 2 storeys ito. May 5 bedrooms sa 2nd floor at mayroong maliit na guest house sa labas na may 2 rooms, doon daw kami tutuloy ni Faith at ng mga magulang ko. White at red ang motif ng bahay na eto. Parang ranch house kung tawagin sa ibang bansa. Sa gilid ng guest house ay may infinity pool din ito overlooking the taal lake. Doon may podium na nakamount sa well manicured grass, doon daw kami ikakasal bukas sabi ni Ela. May malapad din ito na garage kung saan andun ngayon ang van ng catering at ng decorators. Mukhang napaghandaan talaga ito ng mabuti ni Ela ah. Bilib na ako sa kanya!
Ang mas pumukaw pa sa atensyon namin ay ang decours that Ela managed to prepare with her team, ang ganda ng background for the wedding bukas. Iba’t-ibang kulay ng flowers na literal na nakatanim nga sa ground at maraming maraming lace confetti. Mukhang macacapture din ng scene na ito ang sun set bukas. Kung masaya lang talaga ako sa gaganaping kasalang ito eh masasabi kong, wedding made in heaven talaga. Pero hindi, ni hindi ko nga alam panu ako maglalakad patungo sa kinatatayuan ni Andrew bukas. Pwede kayang dumiretso nalang sa cliff sabay talon? Haay naku! What have I gotten myself into.
Nang kinagabihan nun ay sabay-sabay kaming nagdinner sa loob ng bahay. Wala pa din si Andrew, sabi ng parents niya eh hahabol daw ito bukas sa kasal. Naku talaga kapag ako hindi sinipot ng lalaking yun bukas kakalabuhin ko siya hanggang sa pumangit siya. Naiinis ako dahil sila naman may gusto ng lahat ng ito diba? Bakit siya pa ‘tong may gana malate sa pagpunta dito? Asar!?! Papresyo pa!?!
Nag bridal shower pa kami nang gabing yun, sa guest house kung saan niregaluhan ako nina Ela at Faith ng mga gamit ng babaeng may asawa. Ang gegreen talaga ng mga ‘to.
Magmamadaling araw na ng makatulog kaming 3 side by side sa bed ko. May consolation din pala ang kasal na ‘to, I gained a sister in Ela. Ang saya ko sa thought na may kapatid na akong instant. At andiyan pa din si Faith kahit ayaw niyang magpakasal ako ay supportive pa din siya sa akin, true friend talaga.
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZ sarap ng tulog naming tatlo
“Wake Up Sleepyhead...” nagising ako ng hinalikan ni Daddy ang noo ko. Pagdilat ko ng mata ko ay ang taas na pala ng araw. Si Faith, Mommy and Daddy nalang ang andun, wala na si Ela.
“Dad, anong oras na po?” inaantok kong tanong.
“Oras na para mag-ayos ka friend. Kanina pa daw dumarating ang Groom mo sabi ni Ela, kaya pumasok na siya sa bahay nila para batiin yun.” Tuloy ni Faith.
Pagkatapos ay pumasok na ang team na pinadala ni Ela para mag-ayos sa akin. Andun na din ang wedding gown ko, ang ganda nito. Simple pero maganda. Flowy ito, kakaiba sa mga mala ball gown na dresses na madalas makita natin sa mga bride. Short sleeved kasi sabi ni Rajo Laurel bagay daw sa akin to emphasize may shoulders. Bagay na bagay sa isang outdoor wedding.
Nang matapos na akong ayusan ay ihinarap na nila ako sa salamin, nagpipigil ako ng luha, ang ganda ganda ko pero bakit hindi ako masaya.
“Sweetheart, you’re so breathtaking, ang ganda mo, mana ka talaga sa akin” pabiro na sabi ni Mommy.
<Look ni Marga sa kanan? :)
Tiningnan ko ang engagement ring na bigay sa akin ni Andrew nung gabing nagkasama kami sa The Renaissance hotel
Flashback...
Patayo na ako ng lamesa ng biglang tawagin ako ni Andrew, may sasabihin daw siya sa akin. He led me to an empty corner sa loob ng hotel.
“I want you to have this, its nothing really, just for formalities, you are after all my fiance right?” sabay abot sa akin ng royal blue na box.
Agad ko naman itong binuksan.
Isang diamong crusted ring ang laman ng box na yun, may solitaire diamond pa itong nakaumbok on top. This must cost a fortune sa isip-isip ko.
“That’s all really, bye I gotta go.” And he kissed me on the cheek.
Nagulat naman ako sa ginawa niya at napahawak sa pisngi ko.
...................................
”Are you ready anak? Let’s go?” sabay pulupot ng kamay ko sa braso ni Daddy.
It's now or Never...
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...