Marga's POV
Ang 2 oras na exposure namin na yun sa press ay parang 2 araw. Sobrang tagal at sobrang bagal. Bored ako pero hindi ko pwedeng pahalata. Kung tutuusin, chance ko na yun na isiwalat sa madla kung ano talagang klase ng tao si Andrew at sabihin sa kanila ang kalbaryong dinanas ko. Pero nag coup d etat ang puso ko kasama ang bibig ko kaya hindi na nagawang manalo ng utak ko.
Kami daw ang cover ng next issue at fefeature daw kami sa isang sikat na lifestyle talkshow sa isang popular na tv network. Sa sobrang pagod ko kakangiti at pose eh si Andrew na ang naghatid sa mga bisita namin palabas. Si Darell naman ay pinaliguan na ni Yaya Paning dahil nangangamoy araw na siya.
Tinatamad kong tinungo ang couch na nasa loob ng kwarto namin. Pabagsak na akong umupo at sumandal. Sa sobrang boredom eh hinihipan ko ang naligaw na buhok mula sa ponytail na inayos ni Hope kanina.
Pagbukas ng pintuan ay napabuntunghininga ako. Here we go again.
Naupo si Andrew sa kabilang dulo ng couch na inuupuan ko. Pinahinga niya ang kaliwang kamay niya sa arm rest at nilagay sa tiyan niya ang kanang kamay. “Thank you for behaving today”
Talaga lang ha. Akala mo lang yun. Pero sa totoo lang gusto talaga kitang hiyain kanina. Kaya lang dinamay mo pa ang Daddy ko sa mga kalokohan mo kaya hindi tuloy kita pwedeng ilaglag. Yun ang mga salitang pinipigil ko sabihin sa kanya dahil masyado akong pagod para makipag bangayan sa wala.
“That was intended for what?” pasimple kong tanong.
“Intended for the world to notice you and identify you with me” sagot niya sakin.
“Identify with you???” pagulit ko out of confusion.
“Yes. Para hindi ka na makatakas. Kahit saang lupalop ka ng mundo pumunta, mas madali ka nang hanapin, because you are identified with me, people know you as my wife, you have nowehere to go but here Marga” nanunuya niyang sagot sakin. Tumaas baba naman ang kilay niya.
Aba lokong ‘to. Pinlano niya pala talaga ito. “Tse, I hate you. Grrrr. Ang sama-sama mo talaga. Sinasabi ko nab a, may hidden agenda ka eh” inis na inis kong reaction. Arghhh! Naisahan na naman niya ako.
“Itaga mo diyan sa kokote mo, I AM NEVER GONNA GET BACK TOGETHER WITH YOU, NEVER!!! Kahit malaman pa ng buong mundo. NEVER!!!” sigaw ko sa kanya labas tonsils pa. Inis na inis ako. Ramdam ko ang mga pawis ko na namumuo na. Bwisit talaga.
“Kung makasigaw ‘to parang nasa kabilang bukid ako ah” May patawatawa pa siya. Kainis lang. Kutosan kita eh. “Alam mo Marga, hindi ko na kelangan itatak pa sa kokote ko na mahal moko, it has already been stuck in hippocampus” kalmado niyang sabi na may tono ng pangaasar. Urghhhh! I swear hindi ako makapaniwala na Chairman CEO ng Palafargan Indsutries ‘tong kasama ko. Parang high school teenager kung mamilosopo.
“Mahal mo mukha mo. Hindi kita mahal ano. Noon yun. Ngayon hindi na. Awa. Tama. Awa lang ang nararamdaman ko for you. Awang-awa naman ako sayo kasi habol ka ng habol sakin eh ayoko na nga sayo” sapol. Natahimik siya. Nag-iisip siguro ng magandang rebuttal sa sinabi ko. Mahaba na yun ha. Sana naman wlaa na siyang maipambara pa sakin.
“Alam mo Marga, what’s also good with our brain’s hippocampus?” bigla niyang tanong sakin. Tumingala siya at tinitigan ako gamit na naman yang mga mata niyang nakakatunaw. Tanaw na tanaw ko na naman yung mukha niyang tulad na tulad nung Greek Mythology, the face who can launch a thousand ships.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...