Chapter 52: Payback time

977 9 2
                                    

Marga's POV

Ilang buwan pa ang lumipas sa routine namin sa bahay, magtatanong si Darell, magsisinungaling kami ni Kyle. At sa araw-araw lumiliit ang mundo namin sa padami at padaming tanong ng anak ko.

DInurog ang puso ko isang araw ng umuwi si Darell na luhaan galing sa kanyang daycare. Pagpasok na pagpasok sa bahay ay nilapag siya ni Kyle sa couch at hinubaran na ng sapatos. “Shhh! Sport, you have got to stop crying, strong and brave remember” sambit ni Kyle habang hinuhubad ang kaliwang sapatos ng anak ko at nagstrong sign pa sabay pakita ng muscles niya sa braso.. Agad naman akong naupo at pinagitnaan na namin ni Kyle si Darell na umiiyak pa rin. Pinunasan ko rin ang luha niya sa bimpong dala ko. “What’s wrong baby? Tell Mommy” nag-aalalang tanong ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata ng mga anak ko na punong-puno ng emosyong gusto ko tunawin sa mga panahong yon.

M—mommyyyy” pambungad ng anak ko sa gitna ng bawat hikbi. “I did not get an ‘A’ for you today, my teacher couldn’t give me one, I’m sorry...” naiiyak niyang sabi habang pinupunasan ko siya at si Kyle naman ay hinahagod ang likod niya.

Agad akong bumaling kay Kyle at pinakitaan siya ng mga nagtatanong kong tingin.

“Hindi siya makasagot daw sa Speaking lessons nila. Panu ba naman kasi, say something about Daddy. Sige nga Marga, kung ikaw nasa sitwasyon ng anak mo, hindi ka ba mafufrustrate?” panunumbat niya sakin.

Awang-awa kong tiningnan si Darell na inconsolable pa din sa kakaiyak habang yakap-yakap ako. “I’m sorry anak” buong lakas kong pinigil ang mga luha na namumuo na sa mga mata ko.

“I want to see Daddy...right now..you said it’s soon, when will soon be Mommy” kinukwestyon na ako ni Darell.

“I don’t know anak. I’m sor..” Mahina kong sagot sa kanya na hindi niya nagawang patapos sakin.

Nagulat naman ako sa ginawa niyang bigla. “I hate you Mommy, you’re a liar, your nose will grow long like Pinnochio, you don’t say the truth” sigaw niya sakin habang tinutulak ako palayo sa kanya. Agad siyang tumalon magmula sa couch at tumakbo papasok sa kwarto.

“Darell, I’m..” hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko. Hindi ko alam anong pwede ko pa sabihin ngayon. Binalingan ko ng tingin si Kyle at hindi ko na napigil ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko.

Agad namang tumayo si Kyle at nagumpisang maglakad papuntang kwarto, “Ako na.”

Ang mga pader na ginawa ko para proteksyunan kami ng anak ko sa loob ng ilang taon ay isa-isang sinisira ni Darell, Nagreretaliate na ang anak ko sa sobrang frustrations niya kaya ginigiba na niya ang mga pader na yun magmula sa loob, ginigiba niya na ako at ang pagtatapang-tapangan ko. Mas lalong pinapaalala niya sakin how more of his Dad he is, kayang gibain ang lahat sa akin sa isang kisapmata lang.

  Nang sumapit ang gabi ay lumabas na si Kyle sa kwarto na kinaroroonan ni Darell. Ako naman ay naghahanda na ng hapunan sa kusina sa mga panahong iyon.

“Kamusta siya?” agad kong tanong kay Kyle.

“Galit pa rin. Pero mas mahal ka niya kaya mas worried siya na sinaktan ka niya” sabi ni Kyle sakin habang tinutulungan ako sa paghahanda ng hapunan. “Dapat naman talaga sayo yun” pasimple niyang panunumbat.

“I know” sagot ko. Totoo naman kasing sinungaling ako, hindi ko naman kasi talaga alam kung kelan.

Tahimik naming hinanda ang hapunan at dalawa lang din kaming kumain sa dining table pagkatapos. Sa sobrang iyak eh nakatulog na si Darell at ayoko na rin siyang gambalahin at baka magbreakdown ulit.

“Marga” tawag ni Kyle sa atensyon ko habang kumakain kami ng tinolang niluto namin.

“Hmmm.”

“Uuwi ako ng Pilipinas next month” sabi niya sakin in between sa kanyang paglunok.

“Ganun ba. Ikaw bahala.” Sabi ko habang tinutusok sa tinidor ang patatas na sahog ng tinola.

Sumama ka, eto na yung chance mo na ipakilala, the new and upgraded version of Margaret Celine” pageencourage niya sakin

Matagal bago ako nakasagot, tinapos ko muna ang kinakain ko. “Kaya ko na kaya Kyle? Bakit ka nga pala uuwi?”

“Oo naman, matagal ka nang ready, napaka coward mo lang kasi, Marga, nakikita mo ang nagiging epekto sa bata habang pinapatagal mo ito, let’s go home. Wala kang ginawang masama, ikaw nga itong inapi diba”  panguudyok niya sakin.

“Panu ko ipapaliwanag si Darell?” pangdadalawang isip ko.

“Anak mo, anak niyo ni Andrew, kahit hindi na magpaDNA test ang mga Palafargan, tayo pa lang ng bata humihiyaw na ang genes ni Andrew. ” pangangatwiran niya habang nililigpit ang mga pinggan naming at isa-isa itong dinadala sa sink.

“ Kasal ni Faithlyn next month, kaya ako uuwi. She invited me. Show up there. They will all be there, your friends, your parents, the Palafargans, Andrew will be there.  Andito ako, kung ano mang buhawi ang humampas sayo doon, sasabayan kita, chance na ito”

“Kyle, hindi na ako makakawala kapag bumalik ako. Hindi na ako makakatakas pa ulit. Lalo na with Darell around, ipaglalaban ni Andrew ang karapatan niya sa anak niya” kinakabahan kong sabi pagkatapos kong uminom ng tubig.

“Eh di mas mabuti, saka bakit ka tatakas, wala silang pwede ibato na panunumbat sayo Marga, ikaw ang inagrabyado dito, ikaw at ang anak mo, natural lang na lalayo ka to protect your son’s welfare after his father has turned out to be a big ass. Remember the other side of  FEAR Marga, the one you haven’t chose yet, Face Everything and Rise, panahon na para lumaban si Margaret” tinapos niya ang mga sinabi niya sa pagkindat sakin. Kumikindat lang si Kyle kapag alam niyang tama siya eh.

“Payback time” pabulong kong sabi.

Nang gabing yun, hindi ako nakatulog, Gumawa ako ng listahan sa utak ko ng mga gagawin ko kung uuwi man talaga ako, sa sobrang dami eh hindi ko na namalayang umaga na pala, naramdaman ko lang ito ng gumalaw na si Darell sa gilid ko at kinukusot na ang mga mata niya.

“Good morning anak” sabay yakap at halik ko sa tuktok ng ulo niya.

“Mommy?” tanong niya habang bbinubuklat ang mga mata niya at naupo sa kama.

“Yes baby, good morning”

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya pagkatapos. Niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit. “I’m sorry Mommy, I said I hate you, you are Mommy I cannot hate you, I will have no parent if I will hate you, No Daddy, no Mommy, poor Darell” sabi niy habang sinusuksok ang ulo niya sa leeg ko.

“No anak, it’s Mommy’s fault,”

“I just want to see Daddy, even for 5 seconds, I want to see if I really look like him. Because Mommy, my eyes are dark unlike your browns, my hair is straight but yours is wavy, my lips are pink and yours are red, I want to know if Daddy looks like me”  pagpapaliwanag at pakikiusap niya sakin. Natameme ako sa maturity na pinapakita sakin ng anak ko ngayon, kahit for 5 seconds daw eh gusto niya makita ang Daddy niya. Tama naman siya, he resembles his father, hindi na ako magugulat kung balang araw he will also be a heartthrob like his Dad.

“You won’t need to wait long anak, we will be home in no time”

“That’s okay Mom, even if it takes years, I will wait, I told you 5 seconds is enough” pagbitiw niya sa usapan. Nasanay na siya na ganito ang sinasabi ko, pwede na niya atang irecord nalang para hindi ko na ulitin at rewind nalang niya. Lageng soon, later, in time...yan ang mga linya kong walang finality.

“No son, I mean it this time, just a few more days” nang sabihin ko yun ay kitang-kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Darell at ang pagbuo ng mga ngiti sa labi niya.

“Thank you Mom” sabay yakap niya sakin.

Uuwi na ako, for Darell. It’s also payback time.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon