Marga’s POV
Isang linggo na ang lumipas magmula nung dinner meeting namin. ‘di ko na rin nakita si Andrew ulit. Madalas kong kausap si Ela, yung younger sister niya na punong abala sa wedding namin. Napagalaman ko na 19 years old na ito, hilig niya talaga magplan ng events. Marketing ang kinukuhang kurso nito sa Paris kasama si Phil na architecture naman ang course. Summer daw ngayon sa kanila kaya nasa Pilipinas sila for vacation. Mabait at masarap kasama si Ela, malayong malayo sa Kuya niya na napaka mysterious.
“Earth to Marga, Helloooooo! Friend ano ba, kanina pa ako nagkukuwento dito, wala ka naman sa planeta kung nasaan ako. What’s on your mind?” Halatang inis na si Faith sa akin. Kanina pa kasi siya nagkukuwento about sa hirap ng World Literature subject niya dahil hindi naman daw siya writer o poet.
Hindi ko rin masabi sa kanya ang totoo na ikakasal na ako dahil siguradong uulanin ako ng tanong nito at hindi pa yata ako ready magkwento.
“Sorry lang friend, may iniisip lang.” Sagot ko.
“Si Kyle yan ano? Eiiii. Si Kyle nga.” Panunukso ni Faith.
“Hindi ah, ibang bagay” totoo naman kasing hindi si Kyle ang naiisip ko.
Ting! Biglang tumunog ang entrance nung coffee shop na kinaroroonan namin, sa loob lang ng campus. At pumasok si Ela, wait si Ela??? Anong ginagawa niya dito?
“Marga, thank goodness you’re here. I’ve been looking all over for you” sabay posing pa with her Michael Kors handbag at wave ng shades na kakatanggal niya lang. Pinagtitinginan na nga eto, mukha kasi siyang celebrity. Siyempre mayaman nga diba.
“Kilala ka nung babaeng kasing puti ng espasol friend, tawag ka nga o” sabay tulak ni Faith sa akin.
“Hi Sis” beso beso niya sa akin. Hilig niya nang tawagin akong ‘sis’ tutal daw magiging sister in-law na niya ako very soon.
“Ginagawa mo dito sa school?” tanong ko.
“Well you see, I’ve been busy preparing for the wedding and all, tapos nakalimutan ko it’s in less than 9 days tapos you don’t have a wedding dress yet..”
“WEDDING DRESSSSSS!?!?” biglang putol ni Faith sa amin na may kasamang gulat na tono naluwa pa nito ang iniinom na mocha frappe.
“Yes, I believe you are one of Margaret’s friends, I’m Phoemela by the way, call me Ela, sister ako ng fiance ni Marga.” Sabay beso nito kay Faith. Ikaw na ang masyadong FC Ela. Hindi ko man lang napagisipan na pwede palang sabihin ni Ela ang plano sa so-called wedding ko.
“Panu ba yan Sis, am gonna call you after your last class, 5pm daw yun sabi ni Yaya Paning, I’ll take you to Rajo Laurel, you need to get fitted with a wedding dress. Tahtah!!!” at tumayo na palabas ng coffee shop.
Tiningnan ko si Faith paglabas na paglabas ni Ela at nakikita kong confused na confused ang mukha nito, nakakunot pa ang noo at nakangaga ng kaunti “Explain all these Margaret Celine Javier” alam na! Ganun ang tono ni Faith kapag may hindi siya nagustuhan sa akin eh.
Pinaliwanag ko sa kanya ang buong sitwasyon ko na walang iniiwang detalye. Best friend ko naman siya after all at wala akong mas pinagkakatiwalaan na ibang tao kundi siya bukod sa mga magulang ko.
“Wait lang friend, so engaged ka na? Andrew ang pangalan niya? May kapatid siyang kambal, anak nung Lino at Carrey na kinukuwento mo. Yun lang ang alam mo sa kanya?” naguguluhang tanong ni Faith.
“Oo, diba nga I told you, yun na yun nga lang ang alam ko tungkol sa kanya.” Confused kon na ring sinasagot si Faith.
Nagkuwentuhan pa kami ng ibang bagay patungkol sa napipinto kong wedding, pinakiusapan ko naman siyang maging secret lang namin yun at kung papayag siya na maging maid of honor ko. Kelangan ko rin naman ng friendly face dun. Pumayag naman siya kahit sinasabing may toyo na ang mga magulang ko at kahit na rin ang pamilya ni Andrew.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...