Marga's POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, gosh! 11:30 na pala. Ba't hindi ako nagising agad. Nagtetext na ang mga magulang ko, inaaya nila akong sumabay magsimba sakanila, sumagot naman ako kay Mommy, dali-dali tumayo at pumasok na sa banyo, haay! Ayan na naman yang amoy ni Andrew pagkatapos maligo, amoy pa lang magkakacrush ka na sa kanya, panu nalang kaya pag nakita mo yung mukhang yun, red lips at super gandang smile, ay tsupe! Ano na naman ba 'tong iniisip ko.
Teka lang! panaginip lang ba yung kagabi? Niyakap niya ako diba? Hala totoo bay un? Hala na. Ano ba naman kasi 'to, kapag pagod ako eh ang bilis ko antukin, totoo ba kaya yun?
Ay ewan! Makaligo na nga. Ikaw Marga kung anu-ano yang iniisip mo. Ni hindi ka nga pinapansin nun yayakapin ka pa kaya. Ambisyosa lang!
Binilisan kong maligo dahil magluluto pa ako ng kakainin ko. Pagkatapos ay Nagdesisyun naman ako na simpleng slacks at blouse lang ang suotin dahil mahaba habang commute na naman ito hanggang simbahan. At least pag andun na ako eh magpapahatid nalang ako kina Mommy at Daddy pauwi.
Agad ko nang sinuklay ang buhok ko, naglagay ng kaunting powder sa mukha at lip gloss. Viola! Ready to go na. Napagisip isip ko na tinapay na naman ang kakainin ko, dahil katulad ng inaasahan, palpak na naman yung lulutuin. Hehe. Sorry naman sinusubukan ko kaya.
Bumaba na ako, tulad ng dati, mag-isa na naman ako sa bahay. Buti hindi ako nababaliw sa sobrang tahimik dito. Tinungo ko na ang kusina na pasipol sipol pa.
Pagdating na pagdating ko sa pinto nito ay laking gulat ko nalang
"Andrew? Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ko.
"Malamang kasi bahay ko rin 'to."
Umuulan ba ng milagro ngayon sa langit o di kaya nanalo ako ng jackpot sa make a wish foundation at napapirmi ko dito sa bahay si Andrew. Kahapon ang aga niyang umuwi, ngayon naman andito siya. Wow first time.
"Woi! Hellooo!?!" sabay wave ng kamay niya sa mukha ko.
"Ay ay...oo nga bahay mo nga 'to. Wala ka bang lakad at andito ka?" tanong ko sa kanya. Mukhang wala nga itong lakad dahil naka jogging pants lang ito at t-shirt. Grabe gwapo pa din.
"Naah! I felt like staying home today. O ikaw mukhang may lakad ka? Saan tungo mo?"
"Ah kasi sasabay ako magsimba kay Mommy at Daddy, more than 1 month ko na rin silang hindi nakikita."
"Ganun ba, 'lika. Join me, nagluto ako ng beef steak. Kumain ka na muna bago ka umalis." aya niya sakin.
"Weeh! Ikaw, nagluluto? 'di nga" pangaasar ko. Feeling close lang eh.
"Oo naman. May I remind you that I've been living alone abroad since my parents sent me to boarding school in Italy and when I went to New York. Marunong ako kaya. Wala naman akong katulong dun, wala akong YAYA!" with emphasis pa talaga sa word na 'yaya'. Maka pagsalita 'to. Marunong din kaya ako magluto, sunog nga lang. At kasalanan ko bang may Yaya Paning ako at siya wala. Hmp!
"O salubong na naman yang kilay mo, kain na." sabay upo niya sa head ng dining table. Agad naman akong umupo sa meh kanan niya.
Masarap talaga yung luto ni Andrew, napadami pa nga yung kain ko. Hihi! Ako na ang naghugas ng mga pinagkanan namin, nakakahiya naming pati paghuhugas paggawa ko pa, baka isipin niya masyado na naman akong nagpapaka prinsesa gawing 300 nalang allowance ko. Maglalakad na ako papuntang school nun.
"San ba punta mo? Hatid na kita" tanong ni Andrew pagkatapos ko maghugas ng pinggan.
"Hindi na, alam ko na rin naman anong linya ng MRT sasakyan ko. Thanks sa offer though." Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/16195058-288-k761911.jpg)
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
Lãng mạnMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...