Marga's POV
“Marga?” naalimpungatan ako sa boses ni Yaya Paning sa gilid ng kama. Marahan niyang niyuyogyog ang balikat ko. Ang bigat-bigat pa ng pakiramdam ko. Antok na antok pa din ako.
“Marga, bumangon ka na diyan” pagulit niya ng gising sa akin. Ayokong bumangon dahil isang buong araw na naman ang iindahin ko kasama si Andrew. Kelangan ko na namang makipagplastikan sa kanya para lang hindi damhin ng anak ko ang gap sa pagitan namin ng Daddy niya. Iniisip ko pa lang eh ang hirap na huminga, ang hirap na buumangon sa kama, ang hirap na ibuklat ng mga mata ko para sa bagong umaga.
“Marga ano ba, kanina pa gising ang mag-ama mo, pinapagising ka na sakin ni Andrew, may mga bisita daw kayo” naiirita nang tono ni Yaya.
“Hmmm” pagsagot ko sa kanya.
“Dali na anak, bumangon ka na” mas malakas na ang mga pagyugyog niya sa akin. Hinahampas na nga ata niya ako.
“Marga, kapag hindi ka bumangon diyan tatawagain ko si Andrew para siya mismo gumising sayo” seryoso na ang tono ni Yaya Paning.
Agad naman akong umupo sa kama. Shucks! Andrew is the last person I want to deal with this early in the morning.
Nang tingnan ko ang wall clock sa gilid ng office table ni Andrew, asdfjk!!! Hjklyuiop!!! 10 o’clock na pala.
“Yaya, seryoso ba yang sinasabi ng clock, 10 na?” gulat kong tanong kay Yaya Paning habang tumatayo sa kama at agad na sinusuot ang flipflops ko.
“Oo, kaya ka nga pinagising na ni Andrew, may mga bisita raw kayong darating around lunchtime, hindi ka pa kumakain ng breakfast. Eto dinalhan kita” Sabay lahad niya sakin ng food tray na kanina pa pala nakalagay sa gilid ng kama.
“Hindi ba pumasok si Andrew? Lunes ngayon ah. Saka bakit dito niya naisipang magdala ng bisita, napaka unlike him naman” pareklamo kong sabi habang nasa shower. Hindi ko maintindihan si Andrew. Nung bagong kasal kami eh hate na hate niyang pumunta sa mga social functions, o kahit na sumama sa mga kaibigan niya. Kapag pumunta naman siya eh mabilis lang at umaalis na agad, lage nga naming pinagtatalunan noon ang pagiging all glamed up ko at sobrang bihis niya para lang umupo ng isang oras o di kaya makipag kamay lang sa mga associates niya. Mas gusto niyang kasama kami-kami lang ng family or kaming dalawa lang. Ano kayang nakapagbago ng isip niya ngayon.
“Awarded ata siya bilang isa sa mga top businessmen of Asia, may press daw na fefeature siya sa magazine, dito niya sa bahay pinapunta, bilisan mo na para maayusan ka na” sagot ni Yaya Paning sakin.
“WHAT?!?” napapadalas ata ang ‘what’ sa pamilya namin ngayon ah. Pagkatapos ko sabihin yun ay iritado kong hinawi ang shower curtain at nagpunas na gamit ang twalya ko.
“Bakit naman nadamay ako sa pagharap niya sa press?” padabog kong sabi habang pinapatuyo ang buhok ko. Tapos na akong maligo at nakapagrobe na rin.
Nang makalabas ako ng banyo ay bumungad sakin ang 3 bagong tao kasama ni Yaya Paning sa loob ng kwarto.
“Andito na pala siya, pakainin muna natin atsaka niyo ayusan” nangitngiti niyang sabi sa isang baklang posturang-postura.
“Well hello there, Ms. Margaret call me Hope. Mr. Palafargan sent me para ayusan ka.” sabay lapit niya sakin with matching beso-beso pa. Napaka feeling close naman ata nitong gagaitang ito.
“Hope? Good name choice. Does that mean you give hope to helpless women, parang ugly duckling into a beautiful swan lang ang peg” pabiro kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomantikMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...