Andrew’s POV
“Pare, unang araw ng asawa mo sa bahay ninyo, iniwan mo mag-isa dun, hanep ka din, what were you thinking? “ Panunuya ni Peter sa akin.
“I have my reasons.” Sagot ko sa kanya.
Naalala ko bigla ang inis ko nang makita ko ang isang magazine na nakita ko sa loob ng bag niya nang aksidenteng masagi ko ito habang nagbibihis ako sa kwarto namin sa Tagaytay, ako ang cover page ng magazine na iyon.
Matagal na pala akong kilala ng babaeng yun, nagmamaang maangan pa siya. I thought she was different, she looked so damn innocent, pero mali pala ako ng inakala. Napaka fragile niya umakto, plastik pala.
Gagamitin niya rin ako balang araw, lalo na ngayon na kasal siya sa akin. Pero pahihirapan ko muna siya, para marealize niya na nagkamali siya ng taong binangga, nagkamali siya ng iniisip na dahil siya na ngayon ang asawa ko, ay magbabago na ang takbo ng buhay niya, na makukuha na niya ang yaman at karangyaan na dala ng pagiging Palafargan, magbabago nga, dahil isasadlak ko siya sa kahirapan ng loob.
Marga’s POV
Pagpasok ko sa bahay namin---ngayon pa lang nagsisink in sakin, bahay namin ni Andrew, ay sobrang gulat ko dahil sa ganda nito. Halatang ang mga muebles ay galing pa sa iba’t-ibang bansa, pero ang higit nakapukaw sa atensyon ko ay ang portrait sa gitna ng salas, larawan ito ng isang lalaki na nakatanaw sa napakabughaw na dagat, malayo ang iniisip nito. Ang ganda lang.
Pagkatapos ay inikot ko rin ang kusina, halatang state-of-the-art ang mga gamit dito, automatic lahat at panay stainless magmula sa ref, kalan at kahit na counter table na nasa gitna. Ang dining table ay mayroong mahabang lamesa na pwede magpaupo ng 12 ka tao. Sa gilid ng dining room ay may sliding door na magpapatuloy sayo sa garden at poolside. Lahat maganda dito.
Pag akyat ko ng second floor, ay mayroong 3 kwarto. Tulad ng sinabi ni Andrew kanina, yung pinto sa dulo ang kwarto namin. Pagbukas ko nito ay bumungad sakin ang master’s bedroom, mayroon itong king-sized na kama, may maliit na sala set at may 2 pang pinto, ang isa dito ay pinto ng walk-in closet at banyo, closet pa lang kasing laki na ng kwarto ko sa luma kong bahay. At sa kabilang pinto naman ay ang home office ni Andrew. Matatanaw mo ito pag akyat mo ng 2nd floor dahil gawa ito sa salamin.
Agad ko namang nakita ang mga gamit ko pagpasok ko ng closet, niligpit ko na ang mga ito sa espasyong tinira para sa akin. Bigla kong naalala si Yaya Paning na laging ginagawa ang lahat para sa akin, napaka swerte ko talaga noon. Pero bawal na siya dito ngayon, mag-isa nalang ako.
Matapos kong magligpit ay naisipan ko nang magshower at magbihis. Ang haba din ng binyahe namin pauwi kaya medyo malagkit na rin ang pakiramdam ko.
Nang matapos akong magbihis ng pambahay na leggins at simpleng t-shirt ay bumaba na ako sa kusina para tingnan kung anong pwede kong kainin sa ref.
Kapag minamalas ka nga naman, talbos ng kung anong gulay, karne at kung anu-ano pang bagay na di ko kilala ang nasa loob nito. Panu ko naman lulutuin ang mga ‘to? Ni magsaing nga ata sa rice cooker hindi ko pa nagagawa.
Kumuha nalang ako ng gatas at tinapay, napagdesisyunan ko na yun na muna ang kakainin ko.
“EWAN KO BA SAYO ANDREW!?! ANG SUNGIT SUNGIT MO!?! ‘YOU’RE IN MY HOUSE, MY RULES KA DIYAN, PWES SINASABI KO SAYO PANGIT NG BAHAY MO, ITS EMPTY AND DARK TULAD MO” bwisit kong sinigaw sa paligid nung naupo ako sa counter table para kumain.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto para matulog, maaga pa ako sa school bukas, I need to figure a way to get there from here.
Hindi ako magpapatalo sa’yo Andrew. Hinding-hindi. Never!
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...