Chapter 71: Istorbo

617 14 4
                                    

Marga's POV

Maghahataing gabi na ng naramdaman ko ang antok at pagod kaya pasimple akong nagpaalam sa kanila. Binulungan ko si Andrew na mauuna na ako dahil sisilipin ko pa si Darell sa kwarto ng mga in-laws ko.

Ang saya-saya ko. Walang araw akong maihahambing na mas maganda pa sa araw na ito. Pakiramdam ko ay paborito na ako ni God dahil binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon ituwid ang pagkakamali ko, ginawa niya akong mas wise at matapang, binigyan niya ako ng isang anak at higit sa lahat, hindi niya hinayaang mawala sakin si Andrew even after all these years.

Nangingiti akong sinilip si Darell. Mahimibing na siyang natutulog sa gitna ng king-sized bed ni Mommy Carrey at Daddy Lino. Hinalikan ko siya sa noo at binulungan “Good Night Sweetheart”

Sandali kong pinagmasdan ang natutulog kong anghel. Muli kong inalala ang mga sakripisyo ni Darell sa murang edad ng dahil sa pagiging makasarili ko, he had to spend the early years of his life asking about Andrew. At ngayon, sana panay magagandang alaala nalang ang maalala niya. “I will make sure everyday would be worth it Anak, I will make you forget the emptiness you felt before, hindi na kita ilalayo kay Daddy, I promise”

 

Marahan kong isinara ang pinto at naglakad na papunta sa kwartong inuukopa namin mag-asawa. Nang makapasok ako ay sumandal ako sa pinto, I inhale what’s left of Andrew’s soothing aftershave na naiwan sa loob ng kwarto namin. Naloloka na ata ako dahil napansin ko nalang na ngumingiti na ako mag-isa.

Naisipan kong magipon ng tubig sa bath tub, what better way to end this day than a long lavender scented warm bath. I can soak all these glee into me.

Pagkatapos kong maghanda ng tubig ay tinungo ko ang dresser na malapit sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, kaharap ko ang isang babaeng epitome ng kasiyahan. May kakaibang glow sa mukha at ningning ang mga mata. “That’s more like it” I say to myself.

 

Isa-isa ko nang hinubad ang mga damit ko and sunk myself into the soothing water sa tub. Ang sarap ng feeling, very relaxing. Nakalimutan ko lahat ng pagod ko ngayong araw. Puro saya lang ang mababakas mo sa akin.

 

I raised my left hand and carefully observed my engagement and wedding rings. I will never ever remove this again, no one can make me. I was lost in thought ng biglang may kumatok ng marahan sa pinto.

“Babe, are you there?” kinumpleto ng marahang timbre ng boses ni Andrew ang relaxation ko.

“Yup”

“Can I come in, I would really like to rinse myself too, ang lagkit ng pakiramdam ko” sabi ni Andrew sa kabilang bahagi ng pinto.

Alarm suddenly raised through me. Hindi ko nga alam kung papanu ko muling ibibigay ang sarili k okay Andrew and here he comes right now as if nothing’s happened. Na walang jahe moment. And gosh! I’m naked.

“It’s okay if you don’t want me with you, I’ll wait when you’re done” sagot niya as if he was reading my mind.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon