Marga's POV
Lumipas ang mga buwan na tinuloy ko ang buhay na naumpisahan ko dito si Gibraltar. Kyle was true to his word hindi niya ako iniwan all throughout the trimesters ng pagbubuntis ko, he became my only ally, my only confidant. Dahil alam kong sawang-sawa na siya pakinggan ang kadramahan ko sa buhay, tinago ko sa kanya ang parehong longing at sakit ng pakiramdam ko kay Andrew, kapag mag-isa nalang ako ay natutulala pa rin ako sa kawalan. Lagi kong iniisip, kamusta na kaya siya? Naaalala niya pa kaya ako? Hindi ko maiaalis na sa kabila ng galit ko ay mahal na mahal ko pa rin siya hindi lang dahil alam kong nasa kanya ang kalahati ng puso ko, dahil binigyan niya rin ako ng isa pang dahilan mabuhay, ang batang dinadala ko.
“Baby, ayan na naman yang lokaret mong Mommy natutulala na naman” pabirong sabi ni Kyle sakin isang araw. Kakatapos lang namin maglipat sa mas malaking apartment para sa paghahanda sa pagdating ng baby ko.
Binigwasan ko na. Lokaret daw oh, baka marinig pa ng baby ko.
“Aray naman Marga,” sabay hawak niya sa tagiliran niya “Baby, itong Mommy ko nabuntis lang kelakas na, Amazona talaga” natatawa niyang sabi “Kung hindi lang kita mahal eh” sabay irap.
“Tse! Ayan ka na naman eh. Napagusapan na natin yan diba” sabi ko.
“Sabi ko nga. Lika na nga, kumain na tayo, gutom na ako, baka mapaanak ka diyan bigla” Hinila na niya ako patayo ng couch. Dahil mabigat na ang tiyan ko ay hirap na akong tumayo.
Pinasuko ko na si Kyle sa pag-asa na meh mangyayari pa samin. Nakuntento siya sa pagkakaibigan namin. Kahit di daw kami linked romantically at least best kind of friends naman daw kami.
Maswerte ako dahil kasama ko siya sa lahat ng pinagdadaanan ko. Hindi siya nagtatanong sa tuwing nakikita akong naiyak sa kawalan, pinagtiyagaan niya akong alagaan at binigay lahat ng gusto ko para samin ng baby ko.
Laging perfect attendance sa OB visits at mother’s classes ko. Hatid sundo sa trabaho kaya minsan ay napagkakamalan na kaming magsyota, na hindi ko na rin cinorrect dahil mas mahirap magpaliwang kapag sinabi ko yung totoo.
At ngayon ay kabuwanan ko na. Baby boy daw sabi ng ultrasound kaya Darell ang gusto kong pangalan niya ibig sabihin ‘beloved’. Dahil sa kakulitan ni Kyle na dapat eh may bakas ng Palafargan ang pangalan niya eh pinagpasiyahan ko na ring ibigay sa kanya ang pangalan ng Daddy niya. Darell Andrew.
“Anak naman, mana ka ba sa Daddy mo, ang arte mo, ang sakit mo naman sumipa, ayaw mo ban a nakaupo ng matagal si Mommy” napangiwi ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. Ayan na naman kasi si Darell sa paninipa ng spine ko.
“Hindi ah, kay Tito Kyle yan mana, strong and handsome” sabay pakita pa ng Mr. Pogi sign.
Tatayu na sana ako para mawala ang sakit na iniinda ko pero biglang humilab ng todo ang tiyan ko. Napahawak ako sa braso ni Kyle na katabi ko lang.
“Bakit?” nagaalala niyang tanong.
“Is it time?” sunod niyang tinanong.
Napatango nalang ako dahil sa sobrang sakit ng hilab ng tiyan ko.
Nataranta naman na si Kyle sa kakatakbo at kuha ng gamit ko para sa hospital. Kahit makailang beses kaming nagpractice eh bokya pa rin kami pag totohanan na. Hindi na magkamayaw sa paghahanap ng mga dadalhin.
Pagkatapos ihanda ang lahat ay nagdasal ako ng pasimple at humingi ng tawad sa taong dapat ay nasa tabi ko sa buong experience na ito. I’m sorry Andrew.
Naging mahaba ang labor ko, tinawag ko na ata lahat ng santong kilala ko at minura na si Andrew sa isipan ko ng makailang beses. Hindi pala biro ang panganganak. Kapag tinatanong ako ng nurse kung ganu na kasakit, 1 daw eh hindi pa masyado at 10 ang pinakamasakit, sinasagot ko na siya ng 100, dahil sobrang sakit na talaga. Tama yung sabi na kapag nanganak ka ay isang paa mo ang nasa hukay.
Labingwalaong oras ako naghintay bago ko nagawang isilang si Darell Andrew.
“Congratulations Margaret, it’s a boy” sabay lahad sakin ng Gibraltarian kong OB sa akin ng anak ko. Bumuhos ang walang humpay ko na luha. Salamat sa Diyos at malusog ang baby ko. Masaya ako dahil ngayon kahit hindi kumpleto ang pagkatao ko ay kumpleto na ang pagiging babae ko, isa na akong Mommy. May isa nang buhay na sa akin nakasalalay. Totoo din pala yung sinasabi sa mga lifestyle magazines at blogs sa internet, worth it lahat ng sakit kapag nakita mo na ang supling mo.
Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil ang batang hawak ko ay nagpapaalala sa akin ng isang tao na pilit kong kinakalimutan. Ang features ng mukha niya, lahat yun resemblance ng ama niya. Ang mga mata niya ay sinisigaw ang kay Andrew.
“Smile Mommy, smile Darell” biglang singit ni Kyle na hawak-hawak ang camera. Pinapasok na pala siya ng mga doctor pagkatapos nila akong ayusan. Hinarap ko si Darell sa kanya at pinilit ngumiti.
“Smile naman diyan Darell, ang brave ni Mommy ano, dapat brave ka rin like her, isa pa, isa pa” nagsunod sunod na ang flash ng camera ni Kyle.
Sa likod ng mga ngiti ko, inaalala ko pa rin ang mga what ifs at speculations kung papanu kaya kapag andito ang buong pamilya ko, kapag kasama ko si Andrew...Hindi ko na masasagot yun, dahil ang totoo, andito ako sa isang banyagang lugar, walang pamillya, ang tanging kasama ko lang ay si Kyle at ngayon ang anak kong si Darell. You have to make do with what you got Marga.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
Roman d'amourMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...