Tulad nang pinangako ko kay Kyle ay unti-unti kong inayos ang buhay ko. Dito sa Gibraltar ko mas kikilalanin ang aking sarili. Hindi nila ako mahahanap dito, masyado akong matalino para magpahanap. I know I covered all my tracks well.
Hindi ko na minsan pa binuksan ang facebook, twitter at instagram ko, ginamit ang mga credit at atm cards. Kung magbubukas man ako ng internet ay iniiwasan kong ma update sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Humuhupa na ang galit ko sa mga magulang ko, mas naiintindihan ko na sila dahil alam ko tulad ko ay napasubo lang din sila. Namimiss ko nalang sila. Pero balang araw, kapag handa na ako, uuwi din ako at haharapin ko sila.
Namimiss ko na ang pang aalaska sa akin ni Faith, Leena at Nica. Pero alam ko na mas manginigbabawa pa din samin ang pagkakaibigan naming. Maiintindihan din nila ako.
Minsan nadudulas si Kyle sa hapag kapag nakukuwentuhan kami, nasasabi niya na headline si Daddy sa mga bills na nachachampion niya para sa tao, ang Palafargan Industries naman ay mas lumawak pa ang expansion dahil napasok na rin ang Korean market.
Hindi nila iniinda ang pagkakawala ko. Lahat sila ay nagpatuloy sa buhay. Pero hindi ako magpapatinag.
Sa ngayon,
Aayusin ko muna ang sarili ko. Isa-isa kong gagawin dito ang mga Andrew-free, Andrew-proof walls nang sa gayun hindi ako magmukhang Katanga tanga sa pagbabalik ko.
Madali akong nakahanap ng trabaho dito bilang account analyst sa isang finance firm, at ngayong magdadalawang buwan na ako dito ay mas natututo na ako sa tunay na buhay.
Madalas kong sinasabi kay Kyle na kapag sumahod ako ng sapat eh bubukod na ako sa kanya, ang apartment niya rin naman kasi ay isang room lang at ako ang natutulog dun ngayon, lagi niyang pinapalitan ang topic at sinasabing mas Masaya sa couch sa sala kasi kita ang buong apartment, mas napoprotektahan niya ako. Sa gastusin naman ay napilit ko siyang hati na kami kung ayaw niya rin naman akong palayasin.
Ni minsan hindi ginamit ni Kyle ang edge niya ngayon kay Andrew. Hindi siya nagsabi ng mga nararamdman niya sakin. Alam kong mas pinili niyang mahalin ako ng ganito, tahimik. Alam kong unfair yun dahil wala siyang ibang pinakita sakin kundi panay kabutihan, pero hindi ko na masusuklian yun ng pagmamahal pa, wala na akong puso warak na warak na.
Sa trabaho ay nakakilala ako ng mga kaibigang Briton at Espanyol. Madaling makasalimuha sa tao dito dahil napaka private nila. Mind your own business kumbaga. The perks of Western life.
Madalas napagbibintangan nila kaming may relasyon ni Kyle dahil sa pinapakita ni Kyle na concern sakin. Lagi kaming tinutukso kapag napagkasunduan naming kumain sa labas at sinusundo niya ako na may dala pang mga bulaklak na gugulayin.
Ang cute naming magkaibigan kung tutuusin. Magkaibigan lang.
Lagi niya akong pinapapili kung saan ko gusting kumain, laging ako ang nasusunod. Kapag nagiinsisit naman ako na siya naman eh napipikon at sinasabing Masaya siya pag Masaya ako.
Dalawang buwan na ngayon na malayo ako. At binuhos ko ang buong panahon na ito para ayusin ang sarili ko.
Mas matapang pala ako sa inaakala ko.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomansaMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...