Andrew’s POV
After eating, I went up to my room and changed into my sleep clothes, I also decided to go to my office and answer some of my e-mails.
Naririnig ko pa mga harutan ng girls sa kabilang kwarto. They sound so happy. I’m glad Ela and MArga found each other. Pero syempre there has to be limits pa din, kahit sa bahay umiiral pa din yung pagiging businessman ko, nothing is too good to be true, lahat may limits, kaya hindi ako pumayag na matulog si Marga sa guestroom, I kindda got used to having someone sleep beside me na din kasi.
After 5 e-mails eh naisipan ko nang humiga. Kanina pa ako nilalamig magmula ng umahon ako sa pool. Mukhang sisipunin ata ako ah. Itutulog ko na ‘to at baka mahulog pa ‘to sa sakit.
Pinatay ko na ang ilaw ng office ko at pumasok na ng kwarto. Inilawan ko na ang lamp shade sa side table at pinatay na ang main switch. KAhit naka low ang aircon eh sobrang giniginaw pa din ako. Itutulog ko lang ‘to.
Pero pagkalipas ng ihalos 2 oras ay paikot ikot pa din ako sa kama, kahit ata ang allocated space for Marga eh nadevour ko na sa kakaikot.
Ang pangit na talaga ng pakiramdam ko. Nakatalukbong na ako ng kumot sa sobrang ginaw. Ang hirap na ding huminga. Uhaw na uhaw ako. Ang sakit ng ulo. Hinang hina ako. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Ang sama sama.
Hinang hina ako kaya hindi ko rin makuha ang cellphone ko para maidial ang digits ni Ela. Mamamatay na ata ako. Ayoko pa mamatay, ngayon na mag-isa ako, Ayoko mamatay mag-isa.
Pati yung kumot ni Marga ay buong lakas kong binalot sa katawan ko. Ang ginaw pa din. Sobrang sakit ng ulo ko na sa tuwing kumikilos ako eh nahihilo ako. Ano ba ‘to. Ayoko pa mamatay.
Diyos ko ano ba ‘to, ang sama sama ng pakiramdam ko. Biglaan naman ‘to. Ano ba ‘to.
Pagod na ako. Hinang hina ako.
Hindi ko na malaman kung ganu na ako katagal na ganito, wala ako sa ulirat na.
Biglang may mga maiinit na palad na dumapo sa noo ko. Salvation.
“Andrew? Are you okay? I’m here Andrew. What’s going on? Anong nararamdaman mo?” si Marga
“Help” nanginginig ko pang sabi.
Marga’s POV
Mag-aalas dose na ng naisipan namin ni Ela na magpahinga na. Tutuloy nalang bukas ang usapan total weekend naman. Dami na naming na cover, ang high school lives namin, first crush, unang dating ng monthly period. The likes. Masaya talaga kasama at kausap si Ela. Parang meron akong ikalawang Faithlyn.
Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin ni Andrew at baka tulog na ito. Patay na nga ang ilaw pagpasok ko, at ang night lamp nalang sa gilid niya ang nakabukas. Nakahiga na rin ito. Napagod siguro ‘to sa trabaho. Kanina kasi nakabukas pa ang ilaw ng office niya nang bumaba ako para uminom ng tubig.
Papasok na sana ako sa banyo para magpalit ng damit nang napansin kong may mali kay Andrew. Nakatalukbong ito ng kumot at nanginginig. Niagdadalawang isip pa akong lumapit pero ramdam kong wala sa ayos si Andrew.
Hindi na ako nagatubili pa at lumapit na kay Andrew. Hinaplos ko ang noo niya, hala! Sobrang init niya. Nilalagnat si Andrew.
Agad ko naman siyang tinanong “Andrew? Are you okay? I’m here Andrew. What’s going on? Anong nararamamdaman mo?”
“Help” lang nagawang sabihin nito.
Alam kong kailangan kong pababain ang lagnat niya. Ano ba ‘to kanina lang nagswimming pa ito.
Kumuha naman ako ng maliit na face towel at planganita sa banyo. Kinalimutan ko ang hiya ko at pinunasan si Andrew . Hindi naman ito nagpumiglas. Pagkaraan ay kumuha ako ng gamot at thermometer sa medicine kit sa meh kusina.
Pinilit ko namang pabangunin si Andrew para uminom ng paracetamol. Hindi ko na ininda ang bigat niya. Tinuloy ko ang pagpunas sa kanya. Pinalitan ko ang t-shirt na suot niya ng mas kumportable at hiniga na siya ng maayos. Pinalibutan ko siya ng unan at kinumutan.
Pagkatapos ng parang ilang oras ay tumigil na ang panginginig ni Andrew. Kumportable na itong nakatulog. Pagtingin ko sa thermometer ay bumaba na rin ang lagnat niya.
Hindi naman ako makaalis na dahil hawak hawak niya ang kamay ko at nilagay pa sa dibdib niya.
Buti nalang at maayos na siya.
Takot na takot akong baka mapanu siya. Ayoko siyang mawala sakin.
Oo aaminin ko na, may kung ano na akong nararamdaman para sa asawa ko. Kung ano man ito, hind ito simpleng crush o infatuation lang.
PAgsabi niya ng help kanina, para akong makinang de susi na umandar. Hindi ko ata alam anong gagawin ko kapag meh nangyari kay Andrew. Kapag meh nangyari sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...