Marga's POV
Akward. Yun lang ang word na pwede kong describe sa Sunday na yun. Si Andrew sumama samin mag-anak, nagenjoy pa siya, halatang tawang tawa siya sa mga jokes ni Daddy na sa sobrang daming beses na niyang binanggit sakin eh sabaw na. Pero si Andrew tawang-tawa talaga. Muntik pa nga niyang mabuga yung iced tea na iniinom niya nang magjoke si Dad, yun na daw yung pinaka encore na joke na narinig niya.
Haay minsan ang mga tao sa sobrang busy sa buhay, nakaklimot na sa mga simpleng bagay na nagbibigay ng saya sakanila. Kaya tuloy si Andrew parang bata, para bang he's been missing a lot.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa simbahan. Hindi ko pa rin malimot kung sino yung Chantal, at bakit ganun nalang ang effect niya kay Andrew. Tanong ko kaya kay Ela? Hmmm.
"Mrs. Margaret Celine Javier-Palafargan, handa ka na ba para sa prelims natin?" tanong ni Faith.
"Ha prelims? Tagal pa yun ah, hindi ko alam na nagbago ka nap ala at nerd ka na ngayon, geek!" panunuya kong sabi sa kanya.
"Tange! Meron tayong summit dito sa school, about career at starting your own business. May mga speaker saka mga booths. Meron ding maliit na job fair para sa mga prospective companies na pwede tayong magOJT" pagpapaalala ni Faith.
"ay shunga lang. Oo nga pala. Next month na yun diba, ang alam ko yung prelims natin sa management eh magsulat ng paper about it." Bigla kong sagot.
"Exactly" with conviction pa na sabi ng aking best of best na friend "next month na next week, gagaita ka talaga. Outdated ka na. Masyado mo na atang kinacareer yang pagiging Misis in the house mo"
"tumigil ka nga, mamaya may makarinig sayo" pagpipigil ko kay Faith.
"Ano naman ngayon? Takot kang malaman nila na ikaw si Mrs. Ivan Andrew Palafargan? Gagaita ka, madaming babae ang nangangarap na mapunta sa lugar mo girl, tapos ikaw ikinahihiya mo pa. Unbelievable!"
"Lokaret ka talaga, uma-aura ka na naman sa kabaliwan mo. Tumigil ka na nga at maghanda na tayo ng mga pwede nating gawin sa Summit next week." Eto yung isa sa mga pagkakataong nagtatanong ako kung bakit best friend ko 'tong isang 'to.
Nagpalipas nalang kami ng oras sa Gazebo, pinag-usapan naming kung anong mga kumpanya yung mga pwede naming applyan sa job fair at kung anong notes ang mga kelangan naming kunin para sa summit.
Minsan napapaisip pa din ako kay Andrew, akala ko talaga nung Sunday magiging okay na kami. Pero ngayon pagdaan ng ilang araw, ganun pa din siya sakin. Hindi ko naabutan ang paggising at pagtulog niya. Ang nagbago lang ata eh yung allowance ko. Nilakihan niya na ito. Sobrang laki na hindi na kasya iwanan sa ref, kaya ATM card nalang na nakapangalan sa akin ang binigay niya. Kelangan ko pa pala siyang makausap patungkol dun, gusto ko lang naman maging reasonable yung allowance ko hind imaging over over sa laki.
"Marga, sayo ata yang nagriring na cellphone." Pagpansin ni Faith. Kinuha ko naman yung phone ko sa loob ng bag ko.
Phoemela calling...
"Hello Ela?"
Hi Sis, available ka ba now?
"Wala naman akong ginagawa, tapos na klase ko, kasama ko lang bestfriend ko, why?"
Can we go out? Maybe a little shopping and dinner? Powerplant okay? I asked Kuya if you can come with me, he said okay provided he'd pick you up later.
Talaga lang ha, si Andrew, susunduin ako. "Ah really, okay, pero bigyan moko ng 1 hour, magcocommute pa kasi ako papuntang Powerplant."
No need, am here outside your school, I have my car with me
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...