Chapter 7: Explanation

1.1K 5 0
                                    

Windang na windang ako sa mga nangyayari sa akin, napagisipan kong mag-isip muna bago umuwi kaya nagawi ako dito sa bahay ng bestfriend kong si Faith.

"Okay ka na ba talaga friend?" nababahalang tanong ni Faith sa akin. "talk to your parents, baka may magandang reason sila kung bakit ka nila ipapakasal dun sa anak ng family friends niyo." sinabi ko na rin ang lahat sa best friend ko kagabi nung inistorbo ko sila ng oamilya niya para makitulog. Maasahan ko talaga ‘tong best friend ko kahit nung mga bata pa kami, baliw lang ‘to ng kaunti pero reliable naman.

"Yan nga ang gagawin ko ngayon," sagot ko sa kanya. "Thank you talaga Faith friend ha, Best friends talaga tayo."

"Anytime, basta ba maid-of-honor ako sa kasal mo, Aray!" binatukan ko siya.

 "Salamat sa support ha, pagiitimin kita sa kasal ko, makauwi na nga at kagabi pa siguro ako hinahanap ng parents ko" tumayo na ako.

"Sige papahatid na kita sa driver namin, mamaya pa namang lunch time pasok ko".

Sinamahan ako ni Faith hanggang garahe nila, sumakay na rin ako sa sasakyan ng kaibigan ko at itinuro sa driver nila ang daan pauwi sa bahay ko. Gaah! ang sakit na ng katawan ko, di pa ako nakakapagbihis magmula kagabi at suot ko pa din ang pumps ko.

 Mga kalahating oras din ang byahe galing sa bahay nila Faith hanggang sa bahay namin, ng makarating ako, may mga police cars sa labas ng bahay namin at ang mga bodyguards ni Daddy ay full swing "Dito nalang po ako Kuya, salamat po sa paghatid" sabi ko sa driver nina Faith.

Pagpababa ko ng sasakyan ay natataranta namang tinawag ng isang guard ang mga magulang ko at si Yaya Paning.

"Sweetheart, you're home, are you okay? We’ve been worried sick, don’t walk out on Mom and Dad like that again, ha anak." sabay yakap ni Mommy sa akin sumunod na rin si Daddy. Pinaalis na ni Yaya Paning ang mga pulis.

"I'm sorry I walked out on you Mommy, Daddy, I was just confused, please tell me everything so I'm not blind-sided by all these. Sino sila Tito Lino at Tita Carrey? Sino si Andrew?  Make me understand." wika ko sa malungkot na tono.

Inakay nila ako sa kusina at pinakain ng breakfast, hindi pa nga pala ako kumakain magmula kagabi, may asungot pa na muntik akong mabundol, well katangahan ko rin naman yun, pero napaka rude niya, gwapo pa naman sana siya, super gwapo in fact. Actually, nakita ko na yung mga matang yun eh, kung mangusap ay nakaka hypnotize, ‘di ko lang talaga maalala kung saan at kelan.

Habang kumakain ako ay nagpaliwanag na sa akin ang parents ko. Utang daw namin kina Tito Lino at Tita Carrey ang posisyon ni Daddy sa senado, sila daw nag finance ng campaign nito at pati na rin ang naging capitalist sa negosyo ni Mommy. Napagkasunduan na pag-21 ko ay ipakasal ako sa pangay na anak nila dahil sa tuwang tuwa si Tita Carrey sakin, nung bata pa ako. Para na rin daw masecure ang assets namin at kapalit ng pagpirma nila ng pagbibigay ng stakes nila sa kumpanya namin ay ako, na dapat ipakasal ako sa panganay nila.

"I'm sorry anak, naisipan na rin namning tumanggi kaya lang napa ka laki ng utang na loob natin sa kanila, sila ang dahilan kung bakit na establish ang pangalan natin sa lipunan anak. Senador ang Daddy mo, masama sa pangalan niya kapag hindi tayo tumupad, at maghihirap tayo kapag kinuwanan nila tayo ng negosyo. Mabait naman ang pamilyang 'yon anak. At si Andrew, mabait na bata yun. Alam ko dahil nakita ko ang paglaki niya. alam kong aalagaan ka nila, aalagaan ka niya. Kayang kaya ibigay sayo ng pamilyang yun at ni Andrew lahat ng gugustuhin mo in a snap of a finger. Please, for us" Pagmamakaawa ni Mommy.

Wala na nga akong takas dito, desperado na ang magulang ko, mahikbi hikbi ko pang sabi, “Okay Mom,” and after that, I knew there was no turning back.

Hindi pwedeng mahirapan ang pamilya ko dahil sa pagiging selfish ko. Naging mabuti sa akin ang parents ko, naiintinidhan ko na ngayon kung bakit ingat na ingat sila sa akin. For when this day comes, kung kelan kelangan na nila akong ibigay sa pamilyang nagmamay-ari sa amin, para mabayaran ang utang na loob nila.

Haay! Kung sino man ang umimbento ng “utang na loob”, screw you...

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon