Nang dumating ako sa bahay eh malinis na ang paligid, may symphony na rin ng violin, saxophone at harp na nagpaplay sa garden kung saan naka set-up ang food for our dinner. Minsanan lang magkabisita sa bahay namin, kaya kapag meron alam kong todo paghahanda ang mga magulang ko.
Paakyat na ako ng hagdan patungo sa kwarto ko ng maabutan kong nag-uusap sina Mommy at Daddy sa dulo ng hagdan sa 2nd floor, di ata nila ako napansin dahil patuloy sila sa pag-uusap.
"Tama ba itong decision natin na ito Romulus? Ilang taon nating iningatan ang prinsesa natin, para lang magka ganito ang lahat." narinig kong sabi ni Mommy na tila maiiyak pa.
"Stella, alam natin sa umpisa pa lang na sa ganito hahantong ang lahat, magmula nang tinanggap natin ang kondisyon nila. Mabuting pamilya sila Lino at Carrey, nameet na rin naman natin ang mga bata, mukhang edukado at mababait din naman ang mga ito, saka hindi natin ipagkakalulon sa mga demonyo ang prinsesa natin, baka nga mas mapaganda pa ang buhay niya, opportunities will open for her dahil sa mga connections nila, tama itong ginagawa natin" paniniguradong tono ni Dad habang kausap si Mom.
"Mom, Dad? ano pong pinag-uusapan niyo?" Putol ko sa kanila.
Gulat na gulat silang dalawa ng makita akong paakyat na ng hagdan, "Kanina ka pa ba diyan sweetheart?" tanong ni Mommy.
"Medyo po, ano pong ipagkalulon? sino po?" tanong ko sa kanila.
"Mamaya malalaman mo lahat sa dinner anak". explain naman ni Daddy. "Magbihis ka na, anytime now darating na ang mga bisita natin," hindi ako matingnan ng mga magulang ko straight to my eyes. Merong mali dito, sabi ko sa isip ko, at maya malalaman ko.
Agad naman akong nagshower at naghanda na para sa dinner party namin. Pagkatapos kong magbihis at ayusin ang buhok ko ay nagsuot na ako ng simpleng earrings at bracelet pati light make-up ay naglagay na rin ako sa mukha ko, at nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ay nakuntento naman ako sa pagaayos na ginawa ko.
Saktong kakatapos ko lang magspray ng cologne ay narinig ko ang pagdating ng mga sasakyan. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa dresser, took one last look of myself sa mirror at naglakad na pababa para iwelcome sa bahay namin ang mga bisita namin.
Pagdating ko sa dulo ng hagdan ay sakto namang bumukas ang pinto ng bahay naman, kasa kasama ng mga magulang ko ang isang babae at lalaki na halos kaedad lang din nila, na sa hula ko ay si Tito Lino at Tita Carrey, kasunod nila ay ang babae at lalaki na parang teenager pa lang, magkamukhang magkamukha ang mga ito kaya sa palagay ko ay kambal sila. Mukhang mayayaman ang mga ito, sosyal ang pananamit at ang dalang bag ni Tita Carrey at nang batang babae ay signature, sa sobrang mahal nito ay palagay ko isang buong taon ko na sa university. Ang gaganda din ng mga kutis nila. Tindig pa lang, mukhang marami nga silang pera.
"Ikaw na ba yan Margaret?" Pangiting pagbati sakin nang matandang babae, napatakbo naman siya sakin at nagspread pa ng arams niya para mayakap ako, "Ako si Tita Carrey mo, maliit ka pa kasi nang huli kitang makita, ang ganda ganda mo naman" dugtong niya. "ahh, thank you po, nice meeting you po Tita Carrey," inabot ko sa kanya ang kamay ko para sa handshake. "No more formalities iha, payakap nga ulit, ang ganda ganda mo talaga" gusto ko na siya, sabi ko sa loob loob ko, gandang ganda kasi siya sakin eh. hehehe.
"Bestfriends namin ang parents mo, eto si Tito mo Lino, yan naman ang kambal naming si Philip at Phoemela. yung panganay namin parating na din, sana magustuhan ka din niya." pagpapakilala ni Tita Carrey sa family niya. Naku! pang hollywood ang itsura ng pamilyang ito, ang gaganda at gagwapo nila.
"Ang ganda mo nga talaga Margaret, what's your beauty secret, belo ba or calayan?" tanong ni Phoemela habang nakikipag beso beso sa akin.
"Soap and water lang, hehehe!" putol ko nung matapos niya akong yakapin.
"Haha! O Ella, soap and water lang daw, di tulad mo na linggo linggo ata nasa spa para magpa facial." panunukso ni Philip sa kambal niya. Napangiti naman ako, typical family din pala sila may magkapatid din na naghaharutan.
"Shut up Phil! I'm not talking to you" inis na sabi ni Phoemela. "don't mind him Margaret, hindi niya ata naimon ang daily dose of medicines niya kaya mukha siyang ewan tonight," sabay irap sa kambal niya.
"Stop that guys, baka ano pa ang isipin ni Margaret at ng parents niya dahil sa pagiging immature niyong dalawa" nagsalita na rin si Tito Lino, pero nangingiti pa din siya.
Bukod sa nagagandahan sila sa akin, eh mabait talaga ang pamilyang ito. Gusto ko na sila.
"Kumpadre, dito na tayo sa garden," pag-aaya ni Daddy sa kanila.
Nakaupo na ang lahat ng magsalita si Tita Carrey "apologies for my son Andrew, may associates siyang hindi niya maiwanan ng maaga kaya he will be a little late, magmula ng grumaduate ang batang yun sa NYU eh wala nang inisip kundi negosyo, kaya tama lang siguro na ipakasal na namin yun para iba naman ang pagka interesan maliban sa negosyo."
"Si Andrew na ba namamahala sa negosyo niyo ngayon" tanong ni Daddy.
"Yes, and I have to say, he's better than me, kahit napaka bata pa lang niya, yun nga lang, kinain na ata ng negosyo ang social life ng batang yun, wala nang panahon sa ibang bagay, panay negosyo nalang, pero kumpadre, let's get the ball rolling, pagusapan na natin to ng maaga, agree naman na si Andrew sa kasalan nila ni Margaret kaya pwede na nating pagplanuhan iyon as soon as possible." Confident na sabi ni Tito Lino.
Nabuga ko ang juice na iniinom ko ng mag sink in sa akin ang sinabi ni Tito lino...pagusapan ang kasal ko, with that Andrew?"...ano daw? Gulat na gulat ako sa narinig ko at napatingin ako sa parents ko.
Concerned akong tinitingnan ni Mommy at Daddy.
"'wag natin madaliin ang mga bata Kumpadre, masyado pang bata si Marga, at mukhang masyado pang busy si Andrew para sa pag-aasawa." nakayukong sinasabi ng Daddy ko.
"Naku! No need. Andrew already agreed to the arrangement, at pareho naman nating alam na this is the right time, 21 na si Margaret. And we long agreed na pag-21 niya eh ipapakasal natin sila ni Andrew, to seal the deal sa mga negosyo ninyo, for those to be all yours." sabi ni Tita Carrey.
Nagdidilim na ang paningin ko, naiiyak na ata ako. Kasal? Andrew? negosyo? tila wala akong naiintinidhan sa mga pinaguusapan nila.
Naramdaman ko nalang na napatayo ako at nag walk out sa dinner table, dirediretso ako sa gate, at kahit na mga body guards ni Daddy ay walang nagawa para pigilan ako, naririnig ko pa ang pagtawah ni Mommy at Yaya Paning sa pangalan ko. Ang gulo gulo na...
Hindi ako papakasal sa kahit na kaninong lalaki, bata pa ako, I haven't even graduated college yet, wala pa akong career, wala pa akong anything.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
רומנטיקהMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...