Chapter 14: Wedding Night kuno.

1.1K 5 0
                                    

Andrew’s POV

Kanina ko pa hinahanap si Marga, pero hindi ko pa rin siya makita dito sa reception.  Nasaan na kaya yun? Hindi kay tinakasan na ako nun?

“Dude, akalain mo nagpatali ka talaga, akala ko after Chantal, hindi ka...”

“Shut up Pete, h’wag natin pag-usapan ang taong wala dito ngayon. Saka kung saan man siya, I’m sure masaya na siya sa mga naging achievements niya” putol ko kay Pete. Naiirita ako kasi dinamay pa niya sa usapan si Chantal na nananahimik na ngayon sa kung saang lupalop ng mundo.

“okay okay, chill man, masyado kang nag-iinit diyan, mamaya pa ang wedding night mo.”

“Wedding night? Ulol! Uminom ka ngang kape dun para kabahan ka diyan sa sinasabi mo” nabibwisit na talaga ako dito sa best friend ko, ubod ng kulit.

Nakita ko ring pumasok si Marga kasunod ng best friend niyang si Faith. Nagretouch lang siguro ito ng make-up niya. Pero kahit hindi na, maganda pa din naman siya. I should remember to compliment her later. Ay wait! Ano ba ‘tong sinasabi ko.

Nagtuloy tuloy ang kasiyahan ng lahat, halos mag aala-una na ng madaling araw when we all called it a night. Everybody gathered around us, hugging us and congratulating us for our marriage.

“Marga anak, yung stuff mo pala, pinahatid ko na sa bahay niyo ni Andrew.” Biglang sabi ni Tita Stella.

Marga’s POV

“Ano ho Mom? Hindi na ako uuwi sa bahay after dito? Pero bakit?” nagrereklamong tanong nito.

“Natural Ate Marga, husband and wife na kayo ni Kuya Andrew ngayon, so most likely you will be living in the same house, sleeping in the same room, things normal married people share.” Aba may dila din pala ‘to si Philip. Lubos na tahimik kasi ‘to.

“Ah eh, kasi...Namamahay ako, hindi ako nakakatulog ng maayos pag wala ako sa bed ko, yun, tama, dahil dun” ano ba ‘tong pinagsasabi ko.

“Then we’ll have your bed moved to our house babe, it’s really that easy” kinindatan pa ako ni Andrew. 

Leche tong lalaking ‘to, supportive pa sa gusto mangyari ng pamilya namin.

“Anak, dun ka na muna kay Andrew. Pwede mo naman kaming dalawin ng Mommy mo anytime sa bahay eh.” Biglang pangaral ni Daddy.

“ (hikab hikab) Let’s all call it a night, matulog na tayo at bukas nalang ulit natin ‘to pag-usapan inaantok na po kasi ako.” Sabat ni Andrew.

“Ayan na, mapapalaban ka na brad.” Biglang sabi ni Peter. Best friend daw ‘to ni Andrew eh, sabi ni Ela. Ewan ko bakit may ganitong kalseng kaibigan si Andrew, hindi marunong magseryoso.

“Let’s go up to our room na,” sabay hila sakin ni Andrew papasok sa malaking bahay.

Asawa ko na ‘to. Kaya ko ‘to. Bahagi ng pagaasawa ang gagawin namin ngayon. Kaya ko ‘to.

Napatingin nalang ako sa mga mahal namin sa buhay habang inaakay ako papasok ni Andrew, nasa bewang ko pa ang mga kamay niya.

Pagpasok namin ng bahay ay umakyat kami sa hagdan hanggang sa maabot namin ang tuktok nito. Nasa tuktok kami ng bahay, akalain mong may kwarto pa pala sa attic ang bahay na ‘to. At in fairness mas maganda ang view dito sa itaas. Hindi mo na nga rin kelangan mag aircon sa sobrang ginaw.

“Mauna ka nang magshower, I’ll open my e-mails first” biglang pamukaw ni Andrew.

Hindi naman ako makasagot. Ang tanga tanga ko talaga, kasi naman, panu ako lalabas sa wedding gown ko, kelangan meh tumulong sa zipper ko sa likod. Di ko naman maabot ito. Bahala na at pumasok na ako sa banyo.

After 15 minutes...

Lahat ng posisyon nasubukan ko na, di ko talaga mabuksan ang likod ng damit ko. Kainis naman ‘to. Sinadya ba talaga na maging ganito ang mga wedding gowns para pahirapan kaming mga babae?

No choice. Lumabas ako ng banyo.

“Ahh ehh kasiii, Andrew” natawag ko rin siya.

“Yup?”

“Kasi kasi ah kasi, di ko maibaba yung zipper ko patulong naman, Sorry alam mo kasi ngayon lang ako nakapagsuot ng gown na meh ganito ka hirap na zipper, noon naman nagagawa ko to mag-isa pasensiya ka na pero kailangan...

*chuckle

*chuckle

Aba tumawa si Andrew. Kasi naman ang dami ko pang explanation magpapatulong lang ako magzipper.

“Come here” tawag niya sakin.

Lumapit naman ako sa kanya, namamawis na ako sa kaba.

“Pumikit ka, wag kang maninilip” teka! Saan galing yun.

Tawang tawa naman si Andrew saying “panu ko mabubuksan ang zipper mo kung nakapikit ang mga mata ko?”

“Ah basta wag moko silipan” pagrereklamo ko.

“Sabi mo eh, pero sana naisip mo na lahat ito, mula ulo hanggang paa, akin na” sabay baba sa zipper ko hanggang sa level ng bra ko.

Akin na...akin na...akin na...napasok na ulit ako sa banyo pero nag eecho pa din yung sinabi niya. Sa kanya na daw katawan ko. Shet! Baka nga eto na yung sinasabi nila na isusuko ko na ang Bataan. Naku naku!

Pumasok na ako sa shower at pilit na nilimot lahat ng pangamba ko, asawa ko na si Andrew, at wala siyang kukunin na hindi naman talaga kanya.

Tumagal pa ako ng 20 minutes sa loob ng banyo kahit bihis na bihis na ako sa pajamas ko.

*knock knock knock

“Matagal ka pa ba diyan?” si Andrew habang kumakatok sa banyo.

“Ha? Eh sandali nalang” ano nang gagawin ko.

Kaya ko ‘to. Lumabas ako ng banyo, takip takip ang magkabilang dibdib ko.

Dinatnan ko si Andrew na nakatayo sa gilid ng pinto na may hawak na twalya. Natawa naman ito ng makita ako at pumasok na sa banyo. Masyado ba akong obivious?

Andrew’s POV

Di din masyado halata na tense si Marga sa presence ko. Kung anu-ano iniisip ng taong yun, natatawa naman ako sa itsura niyang halos di magkamayaw sa pagtakip ng katawan niya palabas ng banyo. Haay buhay, makapagshower na nga. Tinamasa ko ang hot and cold shower, niligo ko lahat ng cares ko sa nangyari buong magdamag, I can perfectly remember the message sa wedding ceremony namin kanina:

Take responsibility for making the one feel safe, and give the highest priority to the tenderness, gentleness and kindness that your connection deserves. When frustration, difficulty and fear assail your relationship as they threaten all relationships at some time or another, remember to focus on what is rightbetween you, not just the part that seems wrong. In this way, you can survive the times when clouds drift across the face of the sun in your lives, remembering that, just because you may lose sight of it for a moment, does not mean the sun has gone away.

Ngayon pa lang nag sisink in, I’m no longer a free man, status: Married.

Pinatay ko na ang shower at nagpalit na rin ng damit ko pantulog.

Paglabas ko ng kwarto eh nakahiga na si Marga sa kama, naisipan ko nalang humiga sa sofa dahil baka kung ano pa ang isipin niya. She had enough for one day. 

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon