Marga's POV
Pagbalik namin ng Manila ay halos hindi ko na mahagilap si Andrew. Sobrang aga ng hinihiling na mga breakfast meetings ni Mr. Lastimosa para maestablish ang framework ng contract na papasukin nila together minsan ay pinapapunta pa siya sa mga salu-salo na kinaroroonan nito para daw lumawak pa ang connections niya sa business world. Minsan hindi ko na alam kung nanunuya lang ba talaga itong matandang ito or talagang ganun siya magtrabaho. Kapag paiiralin ko naman ang pagiging selosang asawa ko eh I would think of Chantal’s grin at the back of my head. Pero tiwala lang ang pinanghahawakan ko and what motivates me everyday is Andrew’s never ceasing text messages and calls in between his appointments.
“Ano ba yan textmate mo or asawa?” andito kami ngayon sa school na nirekomenda ng pamilya ni Andrew na pwedeng pasukan ni Darrell.
Kanina pa din putak ng putak itong si Kyle, sumama sa akin dahil may ideya din siya sa mga kakayanan ni Darell. Di naman na nagtanong pa si Andrew dahil ayon sa kanya “He doesn’t pose as a threat to me anymore”.
“Hindi daw makakarating, humingi nalang daw tayo ng kopya ng test results ni Darell” sagot ko sa kanya sabay buntong hininga.
“Alam mo Marga, kung alam ko lang na magiging single parent ka pa rin pag uwi natin ng Pilipinas eh pinagpatuloy nalang sana natin ang buhay ni Darell sa Gibraltar. Doon he had friends, a whole community who worships and loves him. Ang dami niyang na achieve. Pero dito kailangnan niyang mag start over again.” Litanya ni Kyle na halatang iritado na sa hindi na naman pagdating ni Andrew.
“Pero doon wala siyang pamilya. He had no Daddy. Wala siyang mga Lolo’t Lola and Tito and Tita.” Pagputol ko at pagtatanggol na rin kay Andrew.
“Pero nasaan? Hindi naman makaalis sa business meeting niya.” sabay bulsa ng cellphone niya pagkatapos tumingin ata sa oras.
“Kyle tama na. Sinusubukan naman ni Andrew eh. Saka hindi mo maiaalis na ito ang pinaka malaking break niya sa trabaho. Dito he can really stabilize their company. Hindi naman habambuhay kami ganito. Ngayon lang to.”
“Sabi mo yan eh. Nung kelan lang halos isumpa mo yang asawa mo, ngayonkunbg ipagtanggol mo astig ah. Halika ka na nga. Pumasok na tayo at sunduin na natin si Darell. Ako ang taya sa celebration nya pagkatapos. Pasado yun I’m sure.”
“Weeh! Talagang bilib ka ha.” Nangingiti kong sabi dahil sa pagbabago ng mood ni Kyle.
“Syempre! Ako kaya nagturo sa kanya ng numbers and letters niya. Pinagtiyagaan ko siyang turuan magbasa”
Hindi nga nagkamali si Kyle. Darell aced his test at dahil doon ginrant naman ng so-called Fairy god Tito Kyle niya ang kanyang request na pumuntang Star City, kumain sa labas at bumili ng toys. Hindi ganito ang gustong upbringing ni Andrew kay Darell dahil mas pinipili niyang hindi maging spoiled ang anak pero dahil masyado nang sabik lumabas ang bata ay hinayaan ko nalang.
Nangingiting nakatulog si Kyle sa kandungan ko ng pauwi na kami. Mag aalas-dyes na rin ng gabi ng tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Bukas na ang gate at kakapatay lang ni Andrew ng sasakyan niya nang tinulungan ako ni Kyle na ibaba si Darell galing naman sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...