Marga’s POV
Tuwang tuwa si Kyle sa mga picture na kuha niya kasama si Andrew. Heto naman ako kabadong kabado pagkatpaos kong marinig si Andrew kanina na may galit pa sa tono.
... it so happens na my wife is also a student from this school, I wonder where she went, I have to go baka kasi NANLALALAKI NA SIYA eh hindi ko pa alam”
Sinabayan niya pa ito ng walkout.
Bartolina na naman ako nito pag-uwi ng bahay. Si Andrew ang huling tao na gusto kong magalit sa akin. Masyado kasi itong mahirap paamuhin kapag galit, alam ko ‘to kasi dinanas ko na ang ilang linggong 500 ang baon dahil may hindi siya nagustuhan sa akin.
“Okay ka lang ba girl? Muntik tayo dun ah.” May pagaalalang sabi ni Faith.
“Hindi ko alam panu ko susuyuin si Andrew pag-uwi” sabi ko sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na aasta ng ganun si Kyle. Saka I never really found the need to tell the world I was married until today. At hindi ko pinlanong sabihan ang mundo sa sitwasyon na ganun kanina. Ang pangit din naman ipangalandakan sa ibang tao na may asawa na ako. Anu yun kung sinong tao lang makasalubong ko sasabihan ko na may asawa na ako. Napakaprivate ko kasing tao.
Lagot na, panu ko susuyuin si Andrew nito. Para ba kasing niloloko ko siya. Ang laki ng kasalanan ko. Bakit pa kasi pinapaasa ko ‘tong si Kyle eh kahit ano pa wala naman nang pwede mangyari sa amin.
Nagiisip ako ng biglang nagring ang cellhpone ko. Unregsitered number ito. Nagantay pa ako ng ilang sandali bago ko sinagot.
“Hello”
You have 5 minutes to get from where you are to the parking lot, kapag wala ka dito, magcocommute ka pauwi
Sabay baba ng tawag.
“Faith, lagot na, si Andrew yun, galit nga siya. Anong gagawin ko?” nababahala kong tinanong ang best friend ko.
“Mahirap yan girl, hindi ako makarelate. Pero try mo kaya aminin na diyan sa sarili mo na may nararamdaman ka na towards him, alamin mo din kung ano nararamdaman niya sayo, nang magkalinawan na at maayos na ang lahat.”
“Panu ko gagawin yun?”
“natural mag-uusap kayo, magtatanong ka. Kahit magsigawan kayo, basta alamin mo. Sige na, uwi na.” Sabay bigay niya sa bag ko.
Ang maglakad ata papuntang parking lot ng school ang pinakamahirap na ginawa ko sa tanang buhay ko. Naghahalo kasi ang mga damdamin ko. Kinakabahan ako na natatakot. Ano ba kasi Marga? Mahal mo ba o hindi?
Nagtatalo pa din ang isip ko nang abutin ko ang sasakyan ni Andrew na nakaparada sa parking lot. Agad namang bumaba si Kuya Ernie para pagbuksan ako. Mabuti nalang wala pa masyadong tao sa parking lot, busy pa ang lahat sa auditorium.
Nakita ko naman si Andrew na may kausap sa cellphone, nang makita niya ako ay umurong siya para bigyan ako ng lugar sa likod ng sasakyan.
“Sir, saan po tayo?”
“Sa tagaytay tayo, dun sa family house”
“Andrew anong gagawin natin doon?” naguguluhan kong tanong.
“yung matagal na natin dapat ginawa” sagot niya sakin na pabalang. Agad naman akong kinabahan. Alam ko kasi kung ano yung tinutukoy niya. Eto ba ang parusa ko dahil sa nalaman niya sa school kanina? Sobra naman ata ‘to.

BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
RomanceMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...