Chapter 34: Invitation

557 3 0
                                    

Marga’s POV

“Ulitin natin yun girls” suhestiyon ni Faith habang naglalakad kami papalabas ng arrival area sa airport.

“Oo nga girls, I had super fun especially sa K-Pop museum” masayang sabi ko sa mga kaibigan ko.

“Next thing we do is job hunting” sabi ni Nica.

“Haay! Back to reality. Don’t wanna think of the procedure ahead of us, interviews after interviews na” tila tinatamad na sabi ni Faith. “Hey guys, may sundo ba kayo? Si Bryan kasi susunduin ako, anybody need a ride?”

“Me” – Leena

“Me” – Nica

Sakto namang nakalabas na kami sa sliding door ng airport, “ikaw Marga?” tanong ni Faith.

Hindi na ako nakasagot dahil nakita na namin si Andrew, nangako itong susunduin niya ako, at mukhang tumupad nga siya kasi andito siya ngayon. Nakasandal sa Volvo v40 niya na nakashades pa.

Sa loob-loob ko, ano bang ginawa kong mabuti in my past life at binigyan ako ng ganito kagwapong asawa. Hindi lang pala gwapo, kasali na din dun ang matalino, mabait, masipag, maalalahanin lahat na.

  “Shet friend, ingatan mo yan kundi aagawin ko yan sa’yo” pabirong sabi ni Nica sabay siko sakin.

“Akin siya, asa ka pa!” nangingiti ako habang nagtataray.

Agad naman akong tumakbo sa kinaroroonan ni Andrew at agad na pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. “I missed you” sabay halik sa lips.

“I missed my baby too” sinagot niya rin ako ng isa pang lips sabay hawak sa bewang ko.

“PDA lang, pwedeng sa bahay niyo na gawin yan” pagputol ni Faith sa amin.

Nagtawanan lang kaming lahat.

Binati naman nila ang asawa ko at pinakilala na rin ni Faith si Bryan kay Andrew.

“Napagod ba kayo? Anybody care for late lunch? Papakainin ko rin kasi si Marga?” pagaaya ni Andrew sa mga kaibigan ko.

“Naku Andrew hindi ka namin tatangihan, gutom na rin kami, kulang yung kain naming sa plane” pagsagot ni Leena.

Pagkaraan ay dumiretso kami sa isang restaurant sa MOA. Ang daming inorder ni Andrew para sa amin.

“Anong balak niyo pagkatapos? Saan kayo magaapply?” tanong ni Bryan bago isubo ang steak.

“Syempre Hon maghahanap kami ng prospect companies na pwede kaming makapasok, yung competitive yung pay saka maganda ang learning environment” sabi ni Faith.

“Oo nga, sa dami ng graduates ngayon, ang hirap makapasok sa magandang company or makahanap man lang ng matinong trabaho, baka tumulong nalang muna ako sa coffee shops business naming” si Nica naman ang sumagot.

“Ikaw Marga?” tanong ni Bryan

“Ah eh hindi pa kasi namin napag-uusapan ni Andew yan,” simpleng sagot ko.

Nagulat naman ako na ang tahimik ko na asawa ay nagumpisang magsalita, “Girls, if you want, I can ask our HR to give you a call, we need new blood with our expansion sa East Asia, new blood means fresh ideas.”

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon