Marga’s POV
Tawagin niyo na akong desperada, pero kelangan ko na talagang makita si Andrew. I miss him. Masisisi niyo ba ako, ilang linggo ko na kaya siyang hindi nayayakap, nag-away pa kami nung hui kaming nagkita, kahit meh skype iba pa rin yung kaharap ko siya.
Kaya here I am waiting, waiting for my flight to Macau.
Nagpahatid ako sa driver ni Mommy. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko na susunod ako kay Andrew. Kahit gusto pa nila akong makasama ng mahaba-haba eh alam nilang I belong to my husband, and sa piling lang ni Andrew ako talagang sasaya.
Matawagan nga si Faith, inform lang. Kelangan ko rin ng assurance na hindi ako nagpapakabaliw sa gagawin kong surprise visit kay Andrew.
Hello friendship, buti naman at napatawag ka, kakamustahin din sana kita.
“I’m In the airport” sabi ko sabay clench ng teeth ko. Sisigaw ‘to, sisigaw ‘to.
AIRPORT??? Anong ginagawa mo sa airport?
Sabi ko naman eh, tataas ang sound waves niya.
“Uhm!!! Susunod ako kay Andrew sa Macau. Miss ko na kasi siya. I’ll surprise him.” Mahinahon kong sabi.
SILENCE…
“Faith? Frienship andiyan ka pa ba?” pagtataka ko.
SURPRISES!!! I love surprises. Balitaan mo ako ha. And…while you’re at it, gumawa na rin kayo ng inaanak ko.
“FAITHLYN!?!”
Bakit ba? Kung makapagreact ‘to parang virgin, tigilan moko Margaret Celine dinig ko rin ang bungisngis niya na tawa sa kabilang linya.
“Ang green mo talaga friendship, o sige na, balitaan kita pagdating ko doon” pagrereklamo ko.
Kay, bye!
Ilang oras nalang ay makakasama ko na si Andrew. Balita ko kay Mommy Carrey, nasa isang hotel daw sila sa center square ng Macau tumutuloy. Kelangan ko galingan ang surpresa ko. I miss Andrew.
Ilang sandal pa ay tinawag na ang flight naming for boarding.
Andrew’s POV
Anak ng takte naman! What is going on. Sinadya ba ‘to ni Chantal o talagang coincidence lang ito. Ang pangit naman na coincidence pag nagkataon. Naghuhurmentado na ang lahat ng organs ko sa katawan. Gusto ko nang matapos ‘tong meeting na ‘to para makauwi na ako ng Pilipinas. Goddamit it! Ano na naman ang iisipin ni Marga kapag nalaman niya ito. Hindi pa” nga kami totally nagkakabati eto na naman si Chantal sa moves niya.
“What can you say about the proposal of Ms. Borromeo, Andrew?” biglang tanong ni Mr. Chen na bumalik sakin sa loob ng conference room.
“It’s fine, whatever it is, it’s fine, I trust your judgment Mr. Chen” cold kong sabi na kahit anong tago ko eh may traces pa din ng pagkairita.
“Does it bother you that I’m the one assigned to this project Mr. Andrew Palafargan? Looks to me that you don’t like me here” sabi ni Chantal na kumukunot ang noo at halatang nagpipigil ng ngiti.
“This is purely business Ms. Borromeo, if Mr. Chen thinks you’re fit for the job then who am I to say no…Now, can we get this over and done with, I have other matters to deal with.” I said in a straight face. Keep calm Andrew. Poker face. Poker face.
BINABASA MO ANG
I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBAND
Storie d'amoreMarga came from a prominent family, graduating student siya, head over heels inlove naman sa kanya ang school hottie ng basketball varsity. She had everything any girl could ask for. Pero magbabago ang takbo ng buhay niya ng isang araw, biglang pap...