Chapter 57: Is He Daddy?

983 13 1
                                    

Marga's POV

Pumarada ang sasakyan namin sa gilid ng bahay nila. Pinasadahan ko ng tingin ang ranch house na halos walang pinagbago magmula nung huli ko itong makita, kulay pula at brown pa rin ang combination nito andun pa rin yung malawak na lawn overlooking the taal lake, andun pa din yung swimming pool at yung guest house.  Napansin ko rin na madami ng sasakyan ang andun, malamang andito na nga silang lahat. Natagalan pa bago kami nakababa dahil nagusap pa si Mommy at Daddy, pinag-uusapan nila kung panung gagawin pagpapakilala keh Darell, natatawa ako sa loob loob ko, tingnan mo nga naman, akala ko ako lang ang kinakabahan dito, sila rin pala.

Sinalubong kami ng mga de unipormeng katulong na meh Palafargan crest pa sa suot nila. Isa-isa nilang binaba ang mga gamit namin sa sasakyan. Ang mga body guards ni Daddy ay nakapalibot na rin sa buong vicinity. Tuluyan lang kaming lumabas nang natanaw na namin ang mga Palafargan na isa-isa nang lumalabas.

Ihanda na ang mga batalyon mong ilang taon mo sinanay sa loob-loob mo Marga. Uhaw na sila sa pakikibaka, eto na.

Una kaming binati ni Daddy Lino na inabot ang bag na dala-dala ni Mommy, nakipagbeso siya dito at tinapik ang likod ni Daddy. Binalingan niya ako ng tingin at nangingiting hinalikan ako sa temples. “Marga, nakabalik ka na nga talaga, and you got even prettier.” Masaya niyang sabi na para bang walang nangyaring problema ilang taon na ang lumipas. Inakbayan niya ako at marahang dinala sa patio kung nasaan nakatayo si Mommy Carrey at Ela, nakangiti rin sila na para bang walang nangyari.

“Margaret, I missed you!!!” salubong ni Mommy Carrey nang tuluyan na akong nakalapit sa kanila. NIyakap niya rin ako ng pagkahigpit-higpit. “Saan ka ba nagsusuot na bata ka at hindi ka namin mahanap?” pasimple nyang tapik sa balikat ko na para bang nanunuya. Nahihiya na talaga ako sa kanila. Mas handa ako sa sigawan, sumbatan at sapakan, pero hindi ako handa sa ganito. Pinapaulanan nila ako ng kabaitan na para bang hindi ko deserve.  Hello?!?! Pinagtaguan ko kaya kayo ng almost 5 years, mahabang panahon yun at hindi ako sa Marikina lang nagtago, sa Gibraltar. Akala ko ba kamuntik ko nang sinira ang buhay ng first born niyo. Bakit parang nagbabackfire sa akin isa-isa ang mga ginawa ko noon, na para bang ako yung may problema, ako yung may kasalanan dahil ako yung guiltyng guilty ngayon...sagot??? Nakakainis naman ito. O nakikipagplastikan lang ang mga ito sa akin, na kapag nakahanap ng pagkakataon eh magsastrickback, malamang ganun nga, nakikipagplastikan lang ang mga ito sa akin.

Pero ang galing ah, one team talaga sila, as in literal na silang lahat ang napakabait sa akin dahil si Ela sinalubong din ako ng yakap at halik. “Sis, you have got to tell me the details and all. May kasalanan ka pa sakin, ano nga bang sabi ko sayo?” simple niyang sabi.

“kahit na saang lupalop ng mundo ka pa, if I need you, uuwian mo ako kahit na girl talk lang yan” habang sinasabi ko yun at pinapaalala kay Ela na alam ko ay parang may kung sino ang sumapak sa akin. Hindi ko nagawa ito noon, agad nalang akong nawala na walang pasabi. May kakampi pala ako noon. Why am I turning out to be the evil witch? Bakit parang ako yung nanakit ng todo dito? Hindi ko talaga inaasahang isa-isa magbababackfire ang mga ito sa akin. Leave it to the Palafargans to remind me.

Tinanguan ako ni Ela at muling niyakap. “Huwag na huwag ka na ulit umalis at magpaka layu-layo, this time hindi na kita patatawarin kapag inulit mo”  

Saktan niyo na ako. Mas handa ako na hostile kayo sa akin at hindi mababait. Pinatay na nila ang front line of defense ko at ang special forces kong archers para sa gyera, dinurog nila sa kabaitan. Arggghhh!!! Ito na ba yung sinasabi ni Kyle sakin na sa sobrang tagal na eh limot na ng tao kung ano talaga yung tunay na nangyari? Na ako nalang yung mag-isang hindi pa makapagmove-on? Kasi ganito silang lahat!!!

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon