Chapter 40: I feel the same way too...

593 4 0
                                    

Marga’s POV

“Alam mo friendship, kung may word pa na sosobra sa tanga, yun yung sasabihin ko sayo, ano pang kuwenta na cum laude ka kung hindi mo naman pala natuturuan magcompromise yang utak at puso mo” utal sakin ni Faith.

Andito kami ngayon kasama si Leena at Nica sa isang coffee shop malapit sa studio ng interior design showroom ni Mommy. Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari samin nung weekend. Ilang araw na akong hindi kinikibo ni Andrew, at ngayon, may flight siya papuntang Macau kasama ang Daddy niya at si Peter, 3 days daw sila doon. Worse, si Rina na kasambahay pa namin ang naginform sa akin. Kelangan ko ng makakausap dahil pakiramdam ko kapag wala akong pinagsabihan ng problema ko ay sasabog na ako. Hindi ko naman makausap ng mga patungkol sa ganitong bagay ang magulang ko dahil baka mas lumala pa at ipatawag si Andrew.

“Moron, imbecile? Diba yun yung word na higit pa sa tanga, stupid yun diba? Ay ang gulo, kasing gulo ni Marga” interrupt samin ni Leena.

“Simple lang naman kasi yun friend, maparebound or not, ikaw yug pinakasalan, ikaw si Mrs. Andrew Palafargan, gets mo? Kasi kami gets na gets namin yun, kahit saang lupalop ng daigdig pa mapunta yang sinasabi mong ex ng asawa mo, ikaw ang asawa at siya isang malaking ‘X’ mark. Kaya wala siyang habol kay Andrew” panenermon ni Faith sa akin. Kung may tao man akong pwedeng kabiliban sa kaprangkahan ay si Faith yun, walang sugar coat of words, diretsong salita na.

Hindi ako makasagot kasi may punto lahat ng sinasabi ng ma kaibigan ko sa akin.

“Huwag mo na kasing pinapahirapan kayo ni Andrew, malinaw naman kasi na itong Chantal eh insensitive moron, hinid makagets, bobita pa rin kahit sa abroad nag-aral, hindi makaintindi” dagdag ni Nica.

“So ano ba dapat kong gawin?” nalilito kong tanong.

“Simple! Batiin mo yung asawa mo, ignore Chantal. Kasi pag pinatulan mo, good luck, mas lalaki ulo niya, ibig sabihin may hope pa siya kay Andrew kasi insecure ka, ibig sabihin may butas siyang pwede pasukan sa relationship niyo.” Suhestioyn ni Faith

“Saka yang pagiging insecure girl, walang gamot yan, kahit yung milyones ng asawa mo, walang mabibiling gamot. “ tuloy ni Leena.

“Hindi pa naguumpisa ang gyera, panalo ka na hoy, sayo nakadugtong yung ‘-Palafargan’ sa dulo ng pangalan mo.” Pagtatapos ni Nica.

Alam ko naman na lahat ng sinasabi ng mga kaibigan ko sakin. Marahil sa pangalan, sa karapatan, sa legalities, ako ang higit na nakakalamang. Pero sa kalooblooban ko, gusto ko walang puwang para sa iba ang puso ng asawa ko, ni Andrew. Tawagin na akong sakim, pero dapat ako lang. Dapat hindi siya nagdadalawang isip, hindi siya apektado sa pagbabalik ni Chantal. Pero eto si Andrew, sinasabi niyang AKO AKO AKO ang mahal niya, pero pakiramdam ko kahit siya nagdadalawang isip kung tama ba yung ginagawa niya o tama ba yung desisyon niya. Bakit kung wala na sa kanya si Chantal, kelangan niya pang paliwanagan ito, bakit kelangan alagaan niya pa ang mararamdaman nito, dapat wala siyang pakialam, balewala na sa kanya si Chantal, pero hindi, ramdam ko yung eagerness niya na maging okay ang lahat, kahit si Chantal na walang ginawa kundi sirain kami, at yun ang hindi ko matanggap. 

Totoo naman kasing ako yung nakisingit sa lovestory ng dalawa, ako yung 3rd wheel at 3rd party. I’m the other woman. Kung hindi lang backer ko ang pamilya ni Andrew eh malamang sila na ni Chantal ang magkasama ngayon. Sinwerte lang talaga ako at ako ng napiling magmahal kay Andrew ng mga magulang niya.

This is bullsh*t! Para akong virus na sinuksok ng mga magulang niya sa kanya para kalimutan si Chantal.  Kaya ngayon ako ‘tong hindi sigurado sa nararamdaman niya, sa nararamdaman namin. Natatakot akong one day, bigang spur of the moment love lang pala ako, and when the dust settles, wala akong Andrew na daratnan.

Letting go is easy. Anyone can do that. Love is fighting for someone to stay. That’s what takes work. Pero nasaan si Andrew? Andun sa Macau nagnenegosyo, at ako, iniwan dito mabulok sa kakaisip kung panu ko aayusin ang sarili ko, kami magasawa.

“You’re pushing him away that way Marga, mas binibigyan mo ng malaking dahilan si Chantal na maagawan ka.” paalala ni Faith sakin.

Andrew’s POV

I can’t stand the silent treatment at home so I decided to come with Dad and Peter here in Macau. I should be happy ‘coz I got to see how my family’s company is growing as we have just finished signing an expansion deal with a construction company that will help extend our influence in East Asia. But none of that seem to matter; my thoughts are afloat, back at home, with Marga.

It irritates me to think how I make her feel uncomfortable with my past. I can’t seem to fight it off. Lahat na ata ng pwede kong sabihin kay Chantal eh nasabi ko na, but I know hindi nagtatapos ang lahat doon for her, I know her well enough to believe that she won’t take no for an answer, she will pursue whatever she wills, kaya nga iniwan niya ako noon diba, to follow her dream and be somebody, and nobody, not even I, was able to stop her from doing so.

I also feel despair with the thoughts of Marga, her heart is in a horrible condition now, and it hurts me more to know I caused all of it. I wish I could cut open her heart and remove all her insecurities towards my past, pero hindi niya magagwang ibaon ng ganun kadali ang mga salitang nabitawan ni Chantal sa kanya, tagos lahat yun. Although she didn’t deserve any of those, masyado siyang affected, kasi masyado niya akong mahal.

I feel the same way, pero bakit hindi ganun kadali yun? Hindi sa simpleng pagbabati namin matatapos ang problema. Hindi ko naman kasi pwedeng kalimutan yung memories ko, yung past ko, kung pwede ko lang irewind ang panahon ay babaguhin ko lahat ng nangyari, mula ng makilala ko si Chantal at si Marga. At kung papanu mas una kong minahal si Marga at hindi si Chantal, mukhang mas madali yun.

“Dude, kanina ka pa tulala diyan ah, what are you thinking?” singit ni Peter sakin.

“Uh! Nothing.Tapos na ba tayo?”

“Oo kanina pa, Tito is just making small talk, nagkukuwneto yung si Mr. Chen about her 1st grandchild, inggit na inggit naman yung Daddy mo at mukhang ipagpipilitan na sayo na bigyan mo na siya ng apo” he explained.

“That’s the least of my concerns now, baka nga paguwi ko wala na akong datnan na Misis sa bahay eh” pasimple kong sabi.

“Because?” gusto niyang dugtungan ko ang linyang yun, pero we both know why.

“KJ mo Dude, the world is at your fingertips now, kaya mo na paikutin ang Asian market, you are gonna be big man, pero here you are, thinking of how a bad husband you have been. Loosen up. Paguwi mo pasasaan ba’t maayos niyo yan. Hindi naman siguro ganun kababaw ang marriage niyo para magpadala kay Chantal.” Sabay lagok ng tubig na sinerve sa kanya kanina.

“She’s just broken hearted. Diba nga may stages of grief, DABDA, Denial Anger Bargaining Depression Acceptance. She has to go through all of it. It’s a freakin’ process. Huwag mo siya madaliin, you owe it to her, for the sake of her history with you. Kahit masalimuot yun sa inyong lahat, let her, para matapos na ‘to. Wala ka naman kasing dapat gawin. Ganun lang yun kasi ngayon niya lang napagdadaanan. Ngayon niya lang hinaharap na hindi na kayo pwede. Huwag mo siyang madaliin…saka ikaw huwag ka masyadong affected, kaya nabibiwisit sayo si Marga eh, unless may feelings ka pa kay Chantal?”

“Wala ah” bigla kong putol. “We have history, that’s all. Ikaw na rin nagsabi, I owe this much to her.”

“Exactly! Cheer up Dude, lika na nga at magCasino na tayo. Maya naman bago ka matulog tawagan mo asawa mo, di kaya text mo, be cheesy or creamy, I don’t care. Just do something, before all hell breaks lose. Broken hearted ka lang sa dalawang babae idadamay mo pa ako. Lika na nga” sabay tayo niya papunta sa elevator ng hotel na tinutuluyan namin dito sa Macau.

I hope you all understand now, why I wouldn’t give up my bestfriend Peter for the world, mukha lang siyang gago pero may sense ‘to kausap. Remember how I said how I keep him around just so I can keep my sanity. It’s moments like this.

I FELL FOR MY UNEXPECTED HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon