Chapter #5- Condition

1.4K 52 4
                                        

>Yuhan's POV<

"Hoy! sa tingin mo ba maniniwala ako sayo unggoy ka?" sigaw nung baliw na babae.

Maraming nakarinig sa sinabi nya at yun ang hindi ko matatanggap.

Pinalagpas ko pa nung pahiyain nya ako sa harap ng mga kaibigan ko, tinawag nya akong mokong,. Yung pagtapon ng cake sa damit ko at yung pagsakal nya sakin sa kotse, lahat nun pinalagpas ko pa pero ang hindi ko matanggap itong kanina na sinigawan nya ako sa harap ng maraming students at tinawag pa akong unggoy.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa tambayan naming magkakaibigan.

Baka hindi ako makapagtiis mapatulan ko pa ang baliw na yun.

Wala pang kahit sinong nanumbat sakin dito sa school, sya palang.

At wala pa akong naging kaaway, sya palang.

Pero salamat dahil naiwan nya ang bag nya sakin kaya nalaman ko kung anung meron sakanya.

And good think may paraan ako para makaganti sakanya.

Marahil mahalaga sakanya yung scholar nya kaya yun ang gagamitin ko para makaganti sakanya.

Pero hindi ko tatanggalin sakanya yung scholar nya, dahil ang school ang nagbigay sakanya nun.

Pero kung ipatanggal ko, magagawa ko pero hindi ko gagawin yun.

Kahit bad boy ako, hindi ko naman gawaing magpatalsik ng students dito.

Atsaka kahit naiinis ako sa babaeng to natutuwa din ako dahil may mabubully na ako.

1year narin kasing wala akong nabubully.
And now she's my new toy.

"Huy Dude nandito ka pala, nahanap ka nung babae kanina?" tanung ni Divon na nakahawak sa sikmura nya.

"Oo, hinahanap ko rin sya eh" sagot ko.

"Grabe ang babaeng yun!" nakasimangot nyang sabi.

"Bakit anu bang ginawa sayo?"- ako.

"Kanina hinahanap ka nya, sasabihin ko rin naman kung saan ka pero gusto ko lang syang paglaruan kaya lang siniko nya ako sa sikmura, angsakit parin eh!" paliwanag nya.

Haayyyss lumelevel up na talaga ang babaeng yan, samantalang hindi pa umabot ng 1week dito.

Tumayo na ako para hanapin ang babaeng yun pero napahinto ako bigla at nagulat dahil nandito na sa pinto yung hahanapin ko.

Nakatingin lang sya ng diretso sakin. Walang sinung nagsasalita pero sa huli nagsalita rin sya.

"Sorry!" sabi nya sabay iwas ng tingin.

Anu daw? Nagsosorry sya, anung nakain ng babaeng to.

"Hmm?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Sorry sa inasta ko sayo kanina at nung nakaraan" sabi nya na sakabilang dako nakatingin.

Tsk, hindi naman sya sinsir. Saka sapalagay ba nya patatawarin ko sya ng ganun lang? No way, dadaan muna sya sa butas ng karayom bago mangyari yun.

Siguro naniwala na sya na anak ako ng may-ari nitong school, kaya sya nagsosorry.

"Gusto mo bang patawarin kita? Well sa isang kondisyon" sabi ko at ngayon tumingin na sya sakin.

"Nagsorry na nga ako, may pakondisyon kondisyon ka pa jan, kung ayaw mo edi wag!" sabi nya at ayun umalis na.

Aba! Ibang klaseng babae yun ah, magsosorry tapos biglang aalis pag di napatawad agad?

Kaya sinundan ko sya, hindi nya ako maaareng talikuran eh.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon