.
>Xyra's POV<
.
Riiiinnngggggg...
Nagising ako sa malakas na tone ng phone ko...kinuha ko yun sa table malapit sa kama ko at sinagot yung tawag pero nakapikit parin ako.
"Hello?"- Ako.
[Mukang natutulog ka pa Ah?]
"Sinu toh?"- Ako.
[Hoy Ipis! Na amnesia ka ba at hindi mo na ako nakikilala?!]
Bigla akong napamulat sabay bangon saka tinignan ko yung screen ng phone ko..
OMG! Si Yuhan pala,,Huhuhuhu bat ako nagpuyat, may lakad pala kami ngayon!!
"Ah sorry napuyat kasi ako eh"
[Napuyat? Bakit sinung kadate mo kagabe?]
"Ulol! Porket puyat may kadate na?!"
[Oo, kaya sinu yun? Papatayin ko]
"Tumigil ka nga jan, asan ka ba ngayon?"
[Nandito lang ako]
Nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko syang pumasok..
OMG!! Mabilis akong nagkumot..nakakahiya, may muta pa siguro ako or tuyung laway..
Tangina sya,, bakit sya pumasok dito.
"Huy, wag mong sabihing matutulog ka ulit?" narinig kong sabi nya. Hindi ako umimik or gumalaw man.
"Hey bumangon kana,,nakalimutan mona bang may lakad tayo ngayon?" sabi pa nya.
"Hindi ako babangon hanggat hindi ka lalabas!" sigaw ko habang nasa ilalim ng kumot parin.
"Oh, yun lang pala, sige lalabas nalang ako" sabi nya saka narinig kong nagsara yung pinto.
Nakahinga ako ng maluwag,,hmm nakakainis talaga sya kahit kailan,, hindi ako iniinform sa mga ginagawa nya, lagi nya akong ginugulat.
Bumangon nalang ako sabay tanggal ng kumot, pero mas lalo pa akong nagulat at nanlaki mga mata ko.
"Hahaha, bat ka ba nagtatago?" nakangiti nyang sabi habang napakalapit ng mukha nya sakin.
Tangina! Bakit nandito parin sya? Kukuha sana ako ng unan para takpan mukha ko pero ginapos nya ang dalawa kong kamay.
"Hey, bakit mo ba kinahihiya ang itsura mo tuwing bagong gising ka?" sabi nya, sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya para itago ito pero hinawakan nya ang magkabila kong pisngi saka pinaharap nya ako sa mukha nya.
"Look at me Xyra, kahit anu pang magiging itsura mo hindi naman magbabago ang tingin ko sayo,,ikaw parin naman ang pinakamaganda para sakin kaya please wag kanang mahiya sakin, OK?" seryoso nyang sabi.
Kinilig naman ako sa mga sinabi nya,, bakit ba kasi ang sweet nya sakin.
"Oh sige na, hintayin mo nalang ako sa labas, maliligo lang ako" sabi ko.
"Ok" hinalikan nya ang noo ko saka lumabas na.
-------
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako..pagdating ko sa sala nakita ko si Yuhan na kinukulit na naman ni Bunso... Nakakahiya talaga ang batang to.
"Aldryle, wag ka ngang makulit!" sabi ko saka nilayo ko sya kay Yuhan.
"Hoy Ipis, lalaki din naman yang kapatid mo kaya wag mo ng pagselusan"- Yuhan.
"Anung pinagsasabi mo jan,, Ano, hindi pa ba tayo aalis?"
"Tara na"- Sya.
"Ma! Alis na po kami!!" Paalam ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
My First Love is My Enemy [COMPLETE]
Romance#Original Author//19// #fairyn19 Season 1 Teen Fiction Unang araw ko palang sa School, hindi kaibigan ang una kong nakilala kundi isang kaaway. Nakakainis sya, masasabi kong sya ang pinaka ayaw kong makita sa school pero bakit ganun? Pinaglalaroa...
![My First Love is My Enemy [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/134907338-64-k480947.jpg)