Chapter #4- The Owner

1.4K 51 1
                                    

>Tina's POV<

"Oh sige na kay balikan ko muna si Xyra" sabi ko, ang kulit kasi ng Cloe na to, ang hilig magpalibre eh mukang mas mayaman pa sakin.

"Oh sige na nga, balikan mo na baka mawala pa yun" sabi nya.

Pagdating ko dito sa mga foods. Nya!? Bat diko makita si Xyra? San nagpunta ang babaeng yun?

Luminga linga pa ako baka anjan lang sya sa paligid pero hindi ko parin sya makita.

"Miss Nakita mo ba yung babae dito kanina na nakadress ng blue?" Tanung ko dun sa nagmamanage ng mga foods.

"Ahh oo, may nakaaway sya kanina dito na gwapong lalaki. Pero biglang kinaladkad nung lalaki paalis" sagot sakin.

"Ano?!" Gulat kong reaction. Tumakbo ako pabalik doon kila Cleire.

Nu bayan Xyra, marami ka pang makaaway bakit gwapo pa.

"Oh anyari sayo? At bat dimo kasama si Xyra?" tanung ni Cleire.

"Anu kasi..si Xyra..may gwapo daw...halina kayo hanapin natin sya!" di ako mapakali kaya walang sapat na words na lumalabas sa bunganga ko.

"Oh teka muna, anung gwapo? At saan si Xyra?" - Cleire.

"Hanapin natin sya, kinuha nung gwapo sabi nung babae dun!"- ako.

"Ano?!"-Cleire. "Tayo na bilis!"- ako.

Dali dali na kaming lumabas dito sa Mall at sumakay na ng Van.

Hindi maaareng may mangyaring masama kay Xyra, kakakilala palang namin sakanya tapos bigla syang mawawala?

>Xyra's POV<

"Bumalik ka ditooo!!"

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako dito sa Playground.

Grabe ang baliw na yun. Matapos nya akong pahiyain sa school, kikidnapin nya ako!

Hmm, makakabawi din ako sayo.

Teka! Anung lugar tong napuntahan ko? Unfamiliar eh.

Wait! Di kaya naliligaw ako? OMG! nako paano ito.

Naalala ko sila Tina, baka hinahanap na nila ako.

Kasalanan ng mokong nayun ang lahat eh. Paano na ako nito, paano ako uuwi.

Tawagan ko nga si Mama.

Wait! Ang cellphone ko! Yung mga gamit ko! Yaaaaaaa!!!! Naiwan ko dun sa kotse ng mokong na yun.😭😭😭😭

Napaupo ako dito sa mga damuhan sa playground.

Kamalas naman. Anu kaya ang pwedi kong gawin? Tumayo nalang ako at pumunta sa gilid ng kalsada.

Papara nalang ako ng taxi pauwi samen.

Pagdating ko dito may biglang huminto na Van sa tapat ko at nagsilabasan ang mga tao dito.

God!! Mga kaibigan ko! Nabuhayan ako.

"Xyra!!" Sigaw ni Tina at niyakap ako, sumunod narin yung dalawa.

"Anung bang nangyari sayo? Bat napunta ka dito?"- si Cleire.

"Sorry kung pinag-alala ko kayo. Yung mokong kasi eh"- ako.

"Teka, sinung mokong?"- Tina.

"Dun din nag-aaral sa Monticlano University, diko alam ang name nya"-ako.

"Anung ginawa nya sayo?"-Cloe.

"Buti nga nakatakas ako eh, ewan ko kung saan nya ako dadalhin"-ako.

My First Love is My Enemy [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon